Dream 007 | teddy bear

Start from the beginning
                                    

"Ariel! Theo! Tumigil nga kayong dalawa! Wala kayong magagalaw sa kanya dahil ako lang ang maaaring gumalaw sa kanya, malinaw?! Mga utos-utusan ko lang kayo!" sigaw ng isang lalaking pamilyar ang boses sa akin. Habang nag-aaway sila ay napansin ko na para bang napakalamig. Tumingin ako sa ibaba at nagulat ako sa nakita ko. 

Bakit nakasuot lang ako ng damit panloob?! 

Dahil doon ay nagsimula na akong magpumiglas mula sa pagkakatali sa akin, dahilan para mabaling ang atensyon ng tatlong lalaki sa akin.

"Gising na pala ang munti kong prinsesa!" Lumapit sa akin ang isang lalaki na napakapamilyar sa akin. Habang palapit nang palapit siya ay unti-unti ko siyang namumukhaan. 

Hinawi niya nang dahan-dahan ang ilang buhok ko na nakatikwas sa mukha ko. Dinuraan ko naman ang mukha niya, dahilan para sampalin niya ako nang malakas.

"Walanghiya ka, Katherine!" pagalit niyang sigaw sa akin.

"Ikaw ang walanghiya sa atin, Keith!" angil ko sa kanya.

Ang lalaking iyon ay si Keith, ang ex-boyfriend ko na sobrang obsessed sa akin. Hiniwalayan ko rin siya dahil sa pang-aabuso niya sa akin noon habang kami pa.

"Ano bang sadya mo sa akin?!" Sa totoo lang, nanggigigil ako ngayon sa sobrang galit. Hinawakan niya ang baba ko tsaka sinagot ang tanong ko.

"Ang pagmamahal mo," nagulat na lang ako nang halikan niya ako nang mariin. Habang iniiwasan ko ang mga halik niya ay sinubukan ko namang pumiglas, pero naalala ko na nakatali pa rin ako sa puno kaya walang saysay ang pagpupumiglas ko. Nilibot naman niya ang kamay niya sa buong katawan ko.

Sobrang nandidiri na ako sa ginagawa niya sa akin. Ang dalawang lalaki naman na nanonood lang sa ginagawa ni Keith sa akin na sina Ariel at Theo na halos naglalaway na para bang mga aso.

Nag-isip ako ng paraan kung papaano ako makakatakas pero gulong-gulo ang isip ko ngayon. Sinubukan ko ulit na mag-isip hanggang sa may naisip akong maliit na paraan. Hindi man ako sigurado sa gagawin kong ito pero bahala na.

Sinimulan kong huminahon at sinimulan din siyang halikan na ikinagulat niya.

"Damn, Katherine. Sabi ko na nga mahal mo pa ako," bulong niya sa akin. Habang naghahalikan kaming dalawa ay may nilabas siyang kutsilyo sa bulsa niya dahilan para matigilan ako.

"Relax, Kitty Kat," bulong ulit niya. Naglakad siya sa likod ng puno kung saan ako nakatali. Maya-maya lang ay nakawala na rin ako sa pagkakatali.

Sinubukan kong tumayo pero inunahan na ako ng mga halik ni Keith at dali-dali siyang pumatong sa ibabaw ko. Inaamin ko na mas matangkad at mas malaki si Keith kaysa sa akin kaya ganun na lamang ang pagpa-panic ko nang bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay ay hinalikan ako pababa sa leeg ko. 

Sa sobrang panic ko ay nasipa ko ang ari niya dahilan para mapahiga siya sa kanan ko. Hindi naman nakita nina Ariel at Theo dahil busy sila sa pagkalikot ng laman ng itim na string bag ko.

Dahan-dahan akong gumapang papalayo kay Keith pero nahawakan niya ang paa ko. Sinubukan ko na namang magpumiglas pero malakas siya dahilan para mahila niya ko papunta sa kanya.

"TULUNGAN NIYO AKO! PAKIUSAP! ZACHARY!" Naisigaw ko ang pangalan ni Zach habang sinisipa si Keith na ikinatawa niya nang malakas pati na rin nina Ariel at Theo na abala pa rin sa pagkalikot ng mga gamit ko. 

"Tsk. Nonsense ang pagsigaw mo dito sa kalagitnaan ng kagubatan, Katherine," bulong ni Keith sa kaliwang tenga ko. "At tsaka isa pa, hindi ka na maliligtas ng Zachary mo dahil nasa langit na siya!"

in my sweet imagination | some short stories ✓Where stories live. Discover now