Happy Fiestaaaaa!!

Iyan ang sigaw ng mga tao na puno ng hiyawan parang pasko at bagong taon lang dahil nag lalabas sila ng kaldero upang mag ingat at puno din ng decoration ang aming bayan.

"Magandang Araw Shawn!" bati sa'kin ni Aling Vangie.

"Magandang Araw Aling Vangie! Happy Fiesta po." sabi ko sabay yuko.

"Happy Fiesta!!"

"Happy Fiesta Rei!" bati naman ng isa sa malapit kong kapit bahay.

"Happy Fiesta po!" wika ko.

Ngayon ko lang napansin ang mga dekorasyon. Walang pinagbago sobrang ganda talaga ng lugar na aking kinalakihan.

"Hi Rei, Goodmorning! Happy Fiesta!" bulong sa'kin ng isang pamilyar na boses sa aking likuran.

"Ethan?" di makapaniwalang tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to suprise you Rei Shawn!"

"Ethan, ang aga pa. Omygad hindi pa ako nakapanghilamos at nakapag toothbrush, ang dugyot ng mukha ko! Shiit huhu," sabi ko at tinakpan ang aking mukha ng dalawa kong kamay.

"Hey Rei, be formal. You're still beautiful whatever you are."

"Bakit hindi mo man lang sinabi na bibisita ka sa na ganito ka aga?" naiinis na tanong ko.

"For my surprise! Actually ay hindi na maaga. It's 10am in the morning and you just wake up late Rei Shawn." sagot niya at ngumiti pero hindi ako nagsalita.

"I'm sorry if sinuprise kita, galit ka ba?"

"No, nahihiya lang ako sa hinarap kong itsura ngayon." nakasimangot na sambit ko.

"Nasaan ang nakakahiya d'yan? Ang ganda mo nga e. Hindi mo man lang sinabi na ikaw ang pinaka maganda sa bayan niyo. Ang dami kong nakikitang mga Binibini ngunit ang iyong ganda pa 'rin ang umaangat sa lahat." pambobolang sabi niya kaya tinapik ko siya sa kanyang braso.

"Ethan! Tumigil ka nga! Hindi nakakatuwa. Hindi ako ang pinaka maganda dito no! At yung Ate ko ang pinaka maganda kesa sa'kin kaya huwag mo akong bolabolahin d'yan." naiiritang usal ko bago siya tinalikuran.

"Look, I'm sorry Rei. I'm just telling the truth. And I don't care who's beautiful between you and your Ate but for me, you're beautiful inside and out."

"Edi thank you?! Segi na sumunod ka na sa'kin para mapakilala na kita sa mga magulang ko. Magtino ka ha kasi ayaw nila ng mga hindi matinong tao." paalala ko sa kanya bago kami nagpatuloy sa paglakad pa punta ng bahay.

"Yes ma'am!" nang aasar na sagot niya pero inirapan ko lang siya.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong hinanap sina mama.

"Mama! Papa! May bisita po tayo, nandito po si Ethan."

"Mukhang wala pa yata sina mama dito, nakikisaya kasi sila sa mga tao sa labas. Maya maya ay uuwi din sila, umupo ka na muna at ipaghahanda kita ng maiinom. Pag pasensyahan mo na ang bahay namin ha hindi kasing ganda ng kinalakihan niyo."

"Ang ganda nga ng bahay niyo, alagang alaga dahil sa linis nito. Ikaw ba naglilinis ng bahay niyo?"

"Oo at minsan si mama pero madalas talaga ay ako dahil mahilig akong maglinis kapag wala akong ginagawa."

"Gano'n ba? Puwedi ka na palang mag asawa," natatawang usal niya kaya inis akong tumingin sa kanya.

"Kanina ka pa nang aasar sa'kin Ethan. Kay aga aga sinisira mo ang araw ko! Baka magsisisi akong pinapasok kita sa pamamahay ko!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Teka nga Rei, huminahon ka nga muna. Unang una ay hindi akk nang aasar sayo at pangalawa totoo lahat ng sinabi ko. Ikaw nga lang tong nagagalit sa'kin kasi ayaw mo lang tanggapin ang compliments ko sayo. Ayaw mo ba na purihin kita?"

"Oo, ayaw ko kasi pakiramdam ko kasinungalingan lang kapag galing sayo."

"Hindi ako nagsisinungaling Rei. I'm serious about you, seryoso ako sa lahat ng sinabi ko." seryosong wika niya at tinignan ako ng maagi sa mga mata ko.

"Every time I saw your eyes ay marami akong nakikita dito. Ang kagandahan nito katulad ng mukha mo at ng kalooban mo. Napakaganda Rei! I'm happy that I see you now dahil namiss talaga kita."

"Namiss din kita Ethan, mabuti at naisipan mong pumasyal sa bahay namin." sabi ko at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Hindi ko na kasi matiis," natatawang usal niya.

Iniinis talaga ako ng lalaking to!

"Manahimik ka nga!" sabi ko.

Matapos kong sabihin iyon ay tumahimik maman siya. Nilagay ko na sa mini table namin sa sala ang inihanda ko para kay Ethan. Isang juice at sandwich muna dahil hindi pa kami nakaluto ng handa namin sa Fiesta.

"Mag snack ka na muna! Kain ka na," sambit ko.

"Okay, thank you for these Rei." he whispered.

"Your welcome!" sarcastic na sagot ko.

Ang tagal naman nina mama! :(

"Nasaan na ba 'yon sina mama bakit ang tagal bumalik." usal ko.

"Sabi mo diba na nagsasaya sila, baka marami lang silang kausap sa labas."

"Baka bumili din sila ng ihahanda namin ngayon,"

"Pumunta sila ng ibang bayan?" tanong niya.

"Hindi, dito lang sa amin." sagot ko.

"Maghihintay naman ako dito kahit anong oras, wala maman akong gagawin."

"Sabagay, para hindi ka mainip sa hotel."

"Ang saya ng mga tao parang bagong taon lang," wika ni Ethan.

"Oo ganito talaga dito sa lugar namin parang pasko at bagong taon kapag fiesta. Lahat sila ay nagkakaisa at nagsasaya kaya ang sarap sa pakiramdam dahil puno ng good vibes!"

"Sobrang enjoy ng summer ko dito sa Lila City because of the people surround here and specially because of you." sabi niya kaya napangiti ako.

"Kailan ka pala uuwi sa inyo?" tanong ko.

"Hindi ko pa din alam. Wala naman akong gagawin doon at masaya pa ako dito. Marami pa akong gustong pasyalan at gawin. Alam mo naman 'yun diba? Rei, I want to build more memories with you here." sabi niya. I smile widely at him.

"I want too Ethan." I whispered.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now