Bumukas na yung pinto at dumating na sila Direk Lei, Miss Ash tsaka isang di ko kilala pero mukha siyang Taiwanese. "Hey guys! Kumpleto na ba tayo?"Tanong ni Miss Ash pagkaupo niya sa assigned seat niya. As a courtesy sa mga dumating, bumeso kami sa kanila. "Naghahanap nalang po ng parking sila Miss Rachel and Miss Mayi. Si Felix po hindi makakarating." Sabi ni Ate Mary after naming umupo lahat. Tumango lang si Miss Ash. 

Bakit kaya absent si Felix? Anong nangyari don? Baka may play lang kaya di makakaattend. 

"Hello po good morning! Sorry late kami. Puno yung parking eh." Sabi ni Miss Rachel ng pumasok sila ni Coach Mayi. Naghi din kami sa kanila at bumeso. "So kumpleto na tayong lahat. Bago tayo magsimula eh gusto ko munang ipakilala sa inyo si Sir Andy Wang, he's our cinematographer." Pagpapakilala ni Miss Ash and tumango lang samin si Sir Andy. Siya pala si Andy Wang. He's famous when it comes to indie films dahil award winning siya. Ang galing naman and nakakapressure at the same time. 

Pinamigay na ni ate Mary ang mga script namin kaya nagpasalamat ako sa kaniya. Nginitian lang ako ni ate Mary at umupo na. "So dahil wala si Felix, si Mary muna ang magbabasa para sa mga lines niya. Let's start." After yun sabihin ni Miss Ash, binuksan na namin ang scripts namin. "Dahil revised na ito, syempre may mga binagong scenes or lines. So we will read the whole script para malaman natin ang daloy ng story and to also know our characters more." Sabi ni Direk Lei sa amin. 

**********************************

Natapos na ang aming script reading at nagtatawanan lang kaming lahat dahil uncomfortable magmura si Nick sa harap ng maraming tao pero kailangan niya pa rin basahin out loud yung lines niya. 

"Siraulo tong si Nick kanina HAHAHAHA parang natatae na di mo malaman kanina eh." Sabi ni Vince kaya natawa lang kaming lahat. "Eh kasi tol dapat di tayo nagmumura. Mabait tayo eh." Sabi ni Nick habang umiiling. "Baliw! Ikaw mabait? Sino nagsabi?" Pang-aasar ko kaya natawa lang samin si Maya. "Mama mo!" Nabatukan ko ng wala sa oras si Nick sa sinabi niya. "Baliw kang hayop ka." Sabi ko habang tumatawa kaya natawa lang din si Nick. 

"Oo baliw ako. Baliw sayooo." Sabi ni Nick kaya nahampas ko siya. Ang corny naman nitong lalaking to enebe AHAHAHAHA. "Para kang tanga." Sabi ko nalang. "Hahahaha kinilig ka lang eh." Pangiinis niya pa kaya tinulak ko lang siya ng mahina. "Ulul what's kilig? Di ko knows yon eh." Pagdedeny ko kahit pulang pula na pisngi ko. 

My gosh self. Kinikilig ka sa napakacorny na banat na yon? Ang rupok ko naman masyado hays.

"Ehem. Diyan nagsimula mga ninuno ko!" Sabi bigla ni Maya kaya tinakpan ni Vince bibig niya. "Eto panira ng moment. Hayaan mo sila maglandian diyan malay mo magkatuluyan." Bulong ni Vince na kunwari hindi namin narinig ni Nick kaya yumuko nalang ako sa hiya. Si Nick kase masyadong maharot eh yan tuloy kinilig ako este nabwiset. 

"Ehem." 

Nagulat kami ng biglang may umubo sa likod gilid namin. Andito pala si William kasama namin. "Baket tol? Nabilaukan ka ba sa kinain natin kanina sa loob? Napakalate reaction mo naman yata." Natawa si Vince sa sarili niyang kakornihan habang lahat kami nakatingin lang sa kaniya. "Ehem. Pero bakit?" Umubo nalang kunwari si Vince ng mapansin niyang walang tumatawa samin. Ang corny naman kasi masyado eh.

"Nothing. Where are our parents?" Tanong ni William samin... or sa akin kasi nakatingin siya sakin. "Ah eh I don't know eh. Baka they're downstairs." Nasabi ko nalang kasi naiintimidate ako sa titig niya. Nakatingin pa rin siya sakin kaya iniwas ko nalang ang tingin ko tsaka umubo. 

"Ano ba yan! Ubo kayo ng ubo. May mga sakit ba kayo?" Pagtataray ni Maya samin kaya inubuhan siya sa mukha ni Vince. "Ano ba yan, Vince! Ang baboy mo naman! Tigilan mo nga si Maya." Sabi ko kay Vince at nilayo si Maya sa kaniya.

"Let's go downstairs." Biglang pagaaya ni William samin kaya natahimik kami. Anong problema nitong lalaking to? Kung hindi ko lang siya crush, kanina ko pa to binatukan.

Bumaba na kami. Bale ang pwesto namin is yung boys sa harap tapos kaming dalawa ni Maya sa likod. Bigla akong kinalabit ni Maya at sinenyasang ilapit yung tenga ko sa kaniya.

"Ate nagseselos yata si kuya William." Bigla niyang bulong saken kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sinilip ko kung narinig kami ng mga baliw. Ah safe hindi sila mga chismosong palaka. "Ano nanamang kabaliwan ang pinagsasasabi mo Maya? Siya magseselos? Ako lang naman may crush sa kaniya eh." Bulong ko sa kaniya kaya natawa naman siya. "Sus! Umaasa ka din naman ate na icrushback ka niya eh." Sa bwiset ko nabatukan ko siya kaya bigla niya akong hinampas. "Aray!" Pagreact ko dahil sa gulat kahit di naman masakit.

"What happened?" "Anong nangyari?"

***************************************************************

After a year, nakapagupdate din! HAHAHAHAHA I missed my babies so ituloy na natin ang kwento ni Iza!

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon