Take 7

5.1K 259 62
                                    

Clariza

"MAAAAAA!!!"

"Ano ba yan Iza! Ang aga aga ang lakas ng boses mo!" Sigaw ni Mama mula sa sala. "Asan po yung hoodie ko?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya para marinig niya ako mula dito sa kwarto. "Ano?!" Napahampas ako sa noo habang hinahanap yung red kong hoodie na gagamitin ko sa script reading mamaya. Pinuntahan ko si mama sa sala at nakita ko siyang nanonood ng bagong Kdrama. "Asan po yung red kong hoodie? Wala po sa closet ko eh pati sa isa ko pang damitan. San mo nanaman po nalagay yon?" Tanong ko sa kaniya habang niyuyugyog ko siya. "Ano ba Iza. Baka nandon sa banyo hanapin mo." Naiirita niyang sabi sakin at bumalik na sa panonood ng kdrama niya. "Mama kase seryoso naaaaa... San mo po ba nalagay yon? Yun ang ipapartner ko sa denim skirt ko ehhhh dali naaaaaa." Pamimilit ko pa kaya naiirita akong tinignan ni mama pero nagulat ako ng bigla siyang ngumiti. Oh no.

"At bakit ka naman magdedenim skirt ha? Bakit ka poporma? Sinong type mo don? Yung foreigner or si Nick? Sabagay pogi naman yung dalawa." Biglang sabi ni mama sakin. "ANO?! Mama nakatulog ka po ba ng matino? Hindi ko sila typeee." Si Nick lang ang type ko char HAHAHAHA. "Ano tingin mo saken? Tanga? Pinagdaanan ko rin yan hoy. Sinong type mo sa kanila?" Pangungulit ni mama kaya tumayo nalang ako. "Po? Hindi na nga ako magdedenim skirt eh. Magleleggings nalang po ako. Asan na po ba kasi yung hoodie koooooo?" Sabi ko habang nakatayo. "Eh bakit ka namumula? Siguro si Nick type mo noh? Nohhh?" Sabi pa ni mama habang sinusundot sundot ako sa tagiliran.

"Hindi nga poooooo." Hindi ka nga nagkakamali. "Ibang hoodie na nga lang po gagamitin ko." Sabi ko at bumalik na ako sa kwarto. Feeling ko din namumula ako.

"Wag mo masyadong kapalan make up mo ah! Magmumukha ka lang tanga!"

"Ang sama mo sakin ma!"

******************************

"Iza! Malapit na ba tayo? Sabihin mo kung malapit na tayong kumanan o kumaliwa kasi alam mo naman yang epal na Waze na yan." Paalala ni mama for the tenth time habang nagdadrive. Binabasa ko sa isa kong phone yung "How Did We End Up" ni empiregustion. Nagagandahan kasi ako sa story pero bitin dahil hindi pa naguupdate si author eh.

"Ma, kanan ka daw po dyan sa unang kanto." Sabi ko at bumalik na sa pagbabasa. "San? Dito sa kanto pagkatapos ng Pancake House?" Tanong ni mama kaya tinignan ko yung dinadaanan namin tapos binalik ko yung tingin ko kay Waze. "Opo ma dyan daw po." Sagot ko at inoff na yung isa kong phone.

****************************

Nandito na kami sa isang Filipino restaurant kung saan kami magsiscript reading. "Ma asan po sila?" Tanong ko kay mama at tinignan niya yung phone niya. "Sabi ng tatay ni Nick eh sa 2nd floor daw." Ah okay sabi naman pala ng tatay ni crush eh. "Ah okay po ayon yung hagdan oh. Akyat na tayo ma." Sabi ko at hinila na agad si mama sa hagdan. Excited na akong makita si Nick este yung revised script.

Pagkaakyat namin eh sinalubong ako agad ni Maya ng yakap. "Ate Iza! Buti nandito ka na. Kanina pa ako inaasar ni kuya Vince eh." Sumbong sakin ni Maya pagkahiwalay niya sa pagkayakap niya sakin. "Hoy! Wala kaya akong ginagawa! Nanahimik ako eh. Diba tol?" Sabi ni Vince at siniko pa ang nananahimik na Nick. "Ha? Ah oo tama." Nasabi nalang ni Nick habang nagkakamot ng ulo. Pogi talaga neto. "Siraulo. Tigilan niyo nga si Maya." Sabi ko at si Vince naman ang nagkamot ng ulo. Yung totoo? May mga kuto ba tong mga to kaya sila nagkakamot ng ulo? Naghi muna ako sa ibang parents na andito bago lumapit sa kanila.

"Teka, parang kulang tayo. Nasaan si Felix?" Tanong ko habang palapit sa kanila. "Ewan ko don. Pwedeng late yon at pwede ring hindi aattend." Sabi ni Vince at uminom ng coke in can. "Eh si William? Asan siya?" Tanong ko ulet ng makaupo na ako kaya tinignan ako ni Maya ng may halong pangaasar. "Si William? Nasa ano." Sabi ni Vince kaya napatingin ako sa kaniya. "Saan?" Tanong ko. "Nasa puso mo." Sagot niya tapos ngumiti. "Lul mamatay ka na."

"Joke lang eh. Ayan oh paakyat na." Sabi ni Vince kaya napatingin ako sa hagdanan pero walang tao. "Ahhh uto uto." Napapikit ako sa inis kay Vince dahil para siyang baliw ngayon. "Leche ka talaga. Wag na wag kang makakalapit sakin kundi sisipain kitang hayop ka." Sabi ko habang dinuduro ko siya pero dinilaan lang ako ng baliw.

"Bakit ganyan reaction mo? Type mo ba yon?" Tanong sakin Nick kaya napatigil ako. Narinig ko pang bumungisngis si Maya kaya napatingin kami sa kaniya. "Lah baket kayo nakatingin sakin?" Tanong ni Maya samen kaya tinignan ko siya ng masama. "Eh kasi bigla kang bumungisngis dyan parang may something funny eh." Sabi ni Nick kaya napaiwas ng tingin si Maya. "Ha? Ano kase..." Sabi ni Maya na parang nagkakamot pa ng ulo. "...nakakatawa kase reaction mo kanina. Parang nagseselos ka." Palusot ni Maya kaya napatingin kami kay Nick. "Ako? Magseselos? Bakit naman ako magseselos?" Sabi pa ni Nick habang nakaturo sa sarili niya. Oo nga naman, bakit siya magseselos?

"Oh eh ayon na pala si William eh!" Sabi ni Vince habang nakaturo pa sa sa hagdan. Hindi na ako titingin dahil alam kong nagbibiro lang tong bwiset na to. "Wazzup bro?" Dagdag pa niya ng tumayo na siya at lumapit pa sa hagdan.

"Im fine."

Napatingin ako bigla sa hagdan ng marinig ko yung boses niya. "Hi po tita!" Sabi pa ni Nick at tumayo para ibeso yung mama niya. Talagang nakasalamin pa siya. Ganyan ba talaga kapag may lahi o baka trip lang niya?

"Ate tara. Maghi tayo sa mama ng future mo." Bulong ni Maya na kinainis ko. "Future ka dyan? Eh kung sakalin kaya kita sa paa tapos ibitin kita ng patiwarik?" Bulong ko sa kaniya kaya bumungisngis nanaman siya. Tinignan ko muna sila Nick pero nakikipagdaldalan pa sila sa mama ni William. "Muntik pa akong mabuking nila Nick dahil sayo." Napakamot nalang siya ng ulo sa sinabi ko. "Sorry na ate." Sabi niya kaya hinila ko siya patayo.

"Hi po tita!" Sabi ko at bumeso sa mama ni William. "Hi! Ikaw ba si Iza?" Tanong niya kaya napatango ako. "Ang future daughter in law niyo po tita! Ganda diba?" Sa gulat ko sa sinabi ni Vince ay nahampas ko siya. "Aray! Ang liit liit ng kamay mo pero ang sakit." Haha buti nga. "Syempre noh! Small but terrible ako noh!" Sagot ko nalang ulit tapos nagflip hair pa.

"Hahahaha ang cute niyo naman. Para kayong aso't pusa." Sabi bigla ni tita kaya nahiya ako ng onti. "Ako lang po yung cute tita. Siya hindi." Sabi ko kaya bigla akong binatukan ni Vince. "Ako? Hindi cute? Sigurado ka?" Sabi pa ni Vince kaya dinilaan ko lang siya. "Pano ba yan Vince? Hindi ka daw cute. Kung ako yan kukutosan ko yan hahahaha." Sabi ni tita kaya napatingin ako sa kaniya. Ang cool naman ni tita.

"Guys! Yung mga actors eh pasok na kayo dito sa private room." Biglang sabi ni ate Mary kaya napatingin kami sa kaniya. "Oh ano? Tara sabay sabay na tayo." Aya ko sa kanila kaya puamayag naman sila.

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon