Take 8

1.6K 165 57
                                    

Clariza

Pumasok na kami sa loob at magkakatabi kaming umupo sa isang side ng 12 seater family table (Tig lima sa gilid tapos tig isa sa magkabilang dulo) ng biglang pumasok si ate Mary. "Teka guys. May seating arrangement tayo eto oh." Tapos may pinakita siyang papel samin. Babasahin sana namin pero bigla niyang tinalikod yung papel.

"Makinig kayo sakin. William at Clariza, tabi kayo sa right side sa may dulo." Lumipat kami ni William sa dulo. "Vince, dun ka sa may dulong left sa tapat ni William." Lumipat naman agad si Vince sa tapat namin at nilabas niya yung phone niya. "Maya, dito ka sa may dulong seat sa right tapos kapag dumating si Felix, magskip siya ng isang upuan kasi sa gitna niyo si Miss Rachel." Lumipat din agad si Maya. "Nick, dito ka naman sa dulo na upuan sa left. Dito sa may tapat ng upuan ni Maya." At lumipat na din agad si Nick.

Jusko ang pogi ng katabi ko. "Hey." Sabi ko kay William kaya tinignan niya ako. "Hello." Sabi niya at nilabas yung phone niya. Wow. Galeng one word den.

"Pssst."

Hinanap ko yung biglang tumatawag sakin at nakita ko si Vince na may sinesenyas using his fingers na hindi ko maintindiha-- oh syet. Sinamaan ko siya ng tingin kaya bigla siyang tumawa.

*ding*

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko kaya binuksan ko ito at nakita kong nagchat si Maya sakin sa Messenger.

Marian Jane Dela Cruz: 

Iza and Keith sitting on a tree

Marian Jane Dela Cruz: 

K-I-S-S-I-N-G

Napaface palm nalang ako at narinig ko si Maya na bumubungisngis tapos sumusulyap sa akin. Parang 7 years old ampotek. Minsan talaga makakasakal na ako ng bata eh.

Clariza Dela Torre: 

Tumigil ka dyan baka sakalin kita.

Pagkatapos kong replyan si Maya ay bubuksan ko na sana ang aking Candy Crush ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si... Wait. SI MISS EMERALD LOPEZ? Isang Veteran actress? Legit ba ito? Eh pinapanood ko lang siya dati sa tv. Gosh wait.

"Hi po Miss Emerald. I am Mary po and isa po ako sa mga PA. Meron po kasi tayong seating arrangement and dito po kayo sa tabi po ni Nick. Siya po yung gaganap na Daniel na anak niyo po." Paliwanag ni Ate Mary. 

"Ate may kissing scene ka."

"Kung sino yung gaganap na Daniel at Keith yung makakaeksena mo."

Naalala ko nanaman yung kissing scene na hindi dadayain. I still can't believe na mawawala ang first kiss ko. Hindi ko talaga inakalang mawawala ito sa shooting. Sana naman hindi ako magkaron ng feelings kay Nick dahil lang sa isang kiss. Marupok kasi ako eh.

Umupo na si Miss Emerald sa tabi ni Nick at naghi din kaming lahat sa kaniya. Ang ganda niya pa rin kahit matanda na siya sana all. 

***********************************************

Bored na ako dito. 10 minutes palang naman ang nakakalipas pero parang isang oras na. Nagpalit nanaman ng upuan kanina kaya sila Vince, Maya, at Nick ang magkakatabi sa kabilang dulo tapos nasa tapat ko naman yung pader este si William na nagcecellphone pa rin kaya di makausap. Katakot istorbohin baka sungitan ako eh.

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon