Take 3

3.4K 268 49
                                    

Clariza

Napatingin ako sa babaeng nasa upuan katabi ng sofa na inuupan ko. "So lahat ba andito na?" She asked us. "Opo." Sagot naming lahat.

Jusq. Ang babait naman netong mga to? Sana ako din de joke HAHAHAHAHAHAHA. "So we will introduce ourselves tsaka ang role natin okay?" Tumango kaming lahat nagsimula naman siya. "So ako si Coach Mayi, ako ang magiging nanay ni Yuri dito. Next na." Tumingin siya sakin kaya nagulat ako. "Uhmmm ako si Clariza but you can call me Iza and ako ang gaganap na Casey." I said with a sweet smile. Yes naman sweet.

"Ako po si Vince and ako po ang gaganap na Yuri." Sabi ng lalaking katabi ko habang seryoso. Hindi ganon kaliit boses niya pero di rin ganon kalaki. Sakto lang. Bagay sa mukha niya. "Hello I'm William and I'm gonna play the role of Keith." Ay yes. May accent pala siya. Pogi na nga may accent pa. "Hi I'm Nick Mendes and ako po ang gaganap na Daniel."

Napatingin ako kay Nick ng sabihin niya ang pangalang Daniel. Familiar yung Daniel. Tinititigan ko ulit features niya. Nakakaintimidate talaga bat ganon? Wag lang siyang titingin baka malusaw ako de joke lang HAHAHAHA. "Hi po! Ako po si Maya and ako po ang gaganap na Jera." Sabi ni Maya habang nakangiti at sumunod na yung pinakalast. "I'm Felix and I will be playing the role of Jerry." Ang cute naman ng ngiti niya hehe parang bata. "So ayan! Okay na tayo! Kilala na natin ang isa't isa. So meron naman tayong paguusapan na may kinalaman dito sa movie na gagawin natin. About sa tuli yung mga questions." Sabi ni Coach Mayi habang nakangiti.

ABOUT SA TULI?! "So girls pwede kayong magtanong sa boys kung anong feeling ng matuli and such tapos boys, pwede kayong magtanong sa dalawa nating babae about sa buwanang dalaw. Gets ba?" Napatango kaming lahat habang ako naman ang awkward ng ngiti. Hindi ko naman sinasabing wala akong alam sa mga ganyan pero kasi ngayon ko palang sila nakilala. Kunwari wala muna akong alam sa mga tuli na ganyan hehe.

"So sino unang magtatanong?" Tanong ni Coach at nagkatinginan kaming lahat. Walang gustong mauna kaya nagsalita ulit si Coach Mayi HAHAHAHAHA. "Oh sige ganito. Lahat ba ng boys dito tuli na?" Lahat sila tumango except kay Nick. Hindi pa siya tuli?

Napansin din ni Coach Mayi ang pag iling ni Nick kaya nagtanong siya. "Hindi ka pa tuli? Bakit naman?" Tanong ni Coach Mayi tapos parang medyo awkward ang facial expression ni Nick dahil don. "Busy ba masyado?" Tanong ulit ni Coach kaya tumango na si Nick. "Okay lang yan... Si Jesus nga eh."

Huhhhh??? Bat biglang nadamay si Jesus dito? Tinignan namin siya na parang alien yung sinabi niya tapos tumawa kami. Ang inosente pa ng pagkakasabi niya non... So cute hahaha. "So may mga tanong pa ba kayo?" Tanong samin ni Coach. May gusto akong itanong pero nakakahiya.

**Flashback**

"Uy beh!" Tawag sakin ni Hazel. Bestfriend ko. "Bakit???" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa din sa phone ko because wattpad is life duhhh. "Alam mo ba?" Tanong niya sakin kaya tinignan ko siya. "Hindi ko pa alam." Pangaasar ko sa kaniya sabay dila HAHAHAHA. Tinignan niya ako ng masama yung parang gusto akong saksakin ganern.

"Joke lang nga sabi ko nga. Ano ba yung sasabihin o ikekwento mo? Siguraduhin mong interesting yan kundi babatukan kita." Sabi ko sabay off ng phone ko. "Ganto kasi yan HAHAHAHAHA si ano kasi HAHAHAHAHA." Parang tanga amp. Tawa ng tawa pano ko kaya maiintindihan kinekwento niya? "Ano yon?" Tanong ko sa kaniya ng medyo natatawa na din dahil sa tawa niya. "Si MJ kasi HAHAAHAHAHA." OKAY NAIIYAK NA SIYA SA KAKATAWA MUKHANG EWAN NA. "Oh? Anong meron sa kapatid mo?" Tanong ko sa kaniya at malapit na akong mairita. Isang "ano" at puro tawa tignan natin kung hindi siya lumabas sa room dahil sa sipa ko.

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon