Take 6

2K 200 11
                                    

Clariza

Nandito din sila?!

Nagulat ako ng makita kong nandito din sila Direk. Like, hindi ko kaya to inexpect so bakit sila andito? Surprise ba to? Bat walang cake? Charot lang.

Tumakbo kami papunta kile Direk Lei at Ms. Ash. Oo. Takbo talaga hindi lakad. Paunahan makapagbeso. Lahat kami nagsabi nag hello sa kanila and pumunta sila sa table nila kasama si Coach Mayi. "Andito pala sila direk noh?" Sabi ko kay Maya tapos uminom ako ng milkshake ko... Hindi na ako makakain, nakakabusog kasi tong iniinom ko eh. "Ate ngayon ka lang ba nagindie film?" Tanong sakin ni Maya kaya napatango ako. "Ahhh ako kasi matagal ng naggaganito." Sml beb? Charot.

"Okay! After ng 30 minutes eh babalik na ulit kayo dito sa gitna so tapusin niyo na ang food niyo." Sigaw ni Coach Mayi samin. "Yes coach!" Sigaw ni Vince habang may pagkain pa sa bibig kaya nagkatinginan nalang kami ni Maya. "Ate... Masmatanda ba talaga siya satin?" Napatango nalang ako sa tanong ni Maya. Parang bata naman tong si Vince. Ang cute naman hehe.

**************

"Ngayon naman may gagawin tayong exercise ulit pero its a group exercise. Gagawa kayo ng scene at dapat included lahat ng sasabihin ko. So sino ang pwedeng maglist down ng babanggitin kong factors?" Nagkatinginan kaming lahat ng sabihin ni Coach Mayi ang tungkol sa paglist down. Sino kaya magsusulat? Its nakakatamad kaya magsulat ngayon. "Si ate Iza po!" Biglang sigaw ni Maya kaya tinakpan ko ang bibig niya. Pesteng bata to ipapahamak pa ako. "Oo nga, Iza! Ikaw nalang magsulat mukhang maganda naman sulat mo eh."

Maganda ba Felix? Masmaganda kang sapakin dahil sa panggagatong mo sa batang makulet. Sabi ko sa isip ko. Tinignan ko si Coach Mayi at inaantay niya ako kaya napabuntong hininga nalang ako. "Ako na po magsusulat." Sabi ko at buti nalang may dala akong notebook at ballpen lagi sa bag ko. Kinuha ko yon at umupo na sa table. "Kailangan ng sunlight--" "Ate sunlight daw" "Ay gago." Sa gulat ko kay Maya ay napamura ako. Bigla bigla nalang kasing sumusulpot sa gilid ko. Sinulat ko nalang ang mga sinasabi ni Coach Mayi.

"I hope nalista niyo na ang lahat dahil nakalimutan ko din kung ano yung mga factors na pinalista ko sa inyo." Sabi ni Coach kaya nagkatinginan kaming lahat. "Yes coach! Nalista na po namin ang lahat! Walang labis, walang kulang. Promise po!" Nakangiting sabi ni John kaya napatawa sila direk. "So maghanap na kayo ng lugar niyo and pagusapan niyo na ano magiging scene niyo? Kailangan realistic."

****************

SA WAKAS! HALLELUJAH! Natapos na din namin ang exercise na pinagawa samin ni Coach Mayi at sabi nila maganda ang teamwork naming lima. Pero halatang napagod si Vince dahil binuhat niya ako kanina sa isang part ng exercise dahil hinimatay ako kunwari sa init. "Leche Iza. Ilang kanin ba ang kinakain mo sa isang araw at naging ganyan ka kabigat?" Reklamo niya kaya natawa ako. "Eh sino bang nagvolunteer na buhatin ako? Ako ba? Diba ikaw? Kaya bahala ka diyan hahahaha." Sabi ko sa kaniya bago ko siya inirapan jokingly at tumawa. 

"Okay guys! Tara dali form kayo ng circle." Biglang sabi ni Direk Lei kaya nagform kami agad ng circle sa lapag at si direk naman ay nakaupo sa isang chair. "So nakita ko ang bond niyong lima kanina. Parang magkakaibigan na kayong lahat for ilang years kahit ngayon lang kayo nagkakilala except for Iza and Maya. So keep it up! And wag kayong mahihiyang ipakita sakin yung totoong ugali niyo as teenagers kasi gusto ko kayong maintindihan at gusto ko rin na maintindihan kayo ng mga manonood ng movie natin since kayong teenagers naman ang bida dito sa movie na ito. Let's keep it real. Tapos kung may suggestion kayo o sa tingin niyo yung pinapagawa ko eh hindi yun ginagawa ng mga teenager na tulad niyo, feel free to tell me." Sabi samin ni Direk Lei kaya napatango kami. "So ngayon naman, may tanong ba kayo regarding sa mga eksena?" Pagkasabi na pagkasabi ng ganon ni direk ay biglang nagtanong si Maya. "Eh direk yung kissing scene po ba totoo yon? Hindi po yon daya?" Napatingin ako kay Maya bigla dahil naalala ko bigla yung usapan namin kanina about sa kissing scene.

"Ano yan?" Tanong ko sa binabasa ni Maya. "Yung script ate." Sagot niya habang seryosong binabasa yung script. Ay wow. "Pabasa..." Sabi ko kay Maya habang kinukulit siya. "Ate may kissing scene ka."

"Oo nga po direk. Pano po pala yon?" Tanong ko rin kay Direk kaya napatawa siya. "Anong daya? Hindi uso satin yon kasi mahahalata ng sobra sa big screen kung daya lang eh." Napanganga kaming lahat sa sagot samin ni direk. "Ampotek. Seryoso ba tong si Direk? Wala bang kasunod na "joke lang" na sasabihin?" Bulong ni Felix sa sarili niya pero dahil katabi ko lang siya eh narinig ko siya. "So may iba pa ba kayong mga tanong?" Tanong samin ni direk kaya nagtanong na agad sila pero natulala lang ako.

Totoo ba? Mawawala yung first kiss ko dahil sa isang eksena?

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon