Take 11

1.7K 78 25
                                    

Clariza

"Parang crush ko si kuya Nick."

Sabi ni Maya at tumingin siya sakin. Kinakabahan sa magiging reaction ko. Iniisip niya ba na magagalit ako? Basta ang alam ko nagulat ako na ganto kaaga siya magkacrush kay Nick.

Ano ba nararamdaman ko? Wala. 

Normal lang naman magkacrush lalo na't mga teenager palang kami. Tumawa ako at napailing sa reaksyon niya. "Then?" tanong ako sa kaniya kaya she looked at me with a confused emotion in her eyes. "Hindi ka galit, ate?" Tanong niya sakin kaya tinawanan ko siya. 

"Bakit naman ako magagalit eh crush lang naman yon? Tsaka hindi ko naman jowa yon si Nick eh. Gaga ka talaga." Sabi ko sa kaniya at nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko naman magagalit ka sakin ate. Kinabahan ako dun ah." Sabi niya kaya binatukan ko siya. "ARAY! Para san yon?" reklamo niya habang nagkakamot ng ulo.

"Para san yon? Para sa katangahan mo." Sabi ko at inirapan siya. "Edi wow ate. Tara balik na tayo sa tent. Paayos na tayo ng mukha and buhok." Aya niya sa akin kaya tumayo na kami at naglakad pabalik sa tent.

***************************************************************

Nang makabalik na kami sa aming standby area ay tapos na magpamake up sila Felix and Vince. "San kayo nanggaling? Bakit di niyo kami sinama?" Bungad samin ni Vince pagkaupo namin sa mga upuan namin. "Gumala lang kami ni ate sa labas. Tapos nag girls' talk kami." Sabi ni Maya at kinuha ang sarili niyang make up brush bago pumunta sa make up artist. "Luh! Bakit di niyo kami sinama? Kahit ako nalang sana." Pagmamaktol ni Vince kaya binatukan siya ni Felix. "Gago! Girl ka ba ha?" Pambabara sa kaniya ni Felix kaya natawa nalang ako.

"Excuse me! Girlalu kaya ako! Echoserang froglet na to!" Sabi ni Vince at inirapan si Felix na parang babae talaga. "Sira ka talaga!" Sabi ko at hinampas siya ng unan kong dala. "Aray! Kargador ka ba ha? Bakit ang lakas mo manghampas?" Reklamo ni Vince kaya hinampas ko siya ulit. "Sige na! Mga echoserang to! Magpapamake up na ako." Sabi ko at pumunta na sa vacant make up chair.

"Hello po good morning. Iza nga po pala." Sabi ko sa make up artist and bumeso sa kaniya. "Good morning! Ako si ate Brenda and ako ang maghahandle sa hair and make up mo. I'll make sure na maganda ka sa mga scenes mo today, tomorrow, and forever." Sabi niya sakin at nilabas na ang kaniyang mga make up brush and tons of makeup. 

*****************************************************************

"Alam mo ang daling ayusan ng mukha mo. Maganda ka na kasi. We just need to accentuate your features pero fresh pa rin at the same time." Sabi ni ate Brenda habang nilalagyan ako ng make-up. Ngumiti nalang at nagthank you. Nahiya ako bigla.

(Miss A: Ikaw? Nahiya? Eh walanghiya ka diba?)

Aray naman, Miss A. Syempre first time ko lang silang makasama kaya kunwari mahiyain ako. Hindi muna ako magiging siraulo kasi baka magalit sakin at sabihan akong feeling close.

Nang matapos na ako ay umalis na ako sa make up chair at bumalik sa taping chair ko. I really love the comfiness of my chair. Pinag-aralan ko na ang script para sa eksena namin mamaya ni Nick at medyo kinakabahan pa ako. Hinayaan ko ang sarili ko na maging busy habang sila Felix at Vince ay nag-iingay sa kabilang side ng tent. Nag-uusap sila tungkol sa basketball game na hindi ko naman maintindihan kung ano.

"Actor's in na po."

Napatingin kami sa pinto ng tent at nakita namin si ate Mary na nakatayo doon. Nagmadali kaming lahat maghuling retouch bago pumunta sa set. Ang mga boys ay nagpabango at inayos ang kanilang mga buhok habang kami naman ni Maya ay naglip balm at nagpabango rin. "Sino sa inyo may candy?" Tanong ni Nick sa amin kaya nagmadaling maghalungkat si Maya sa bag niya at naglabas ng mentos. "Eto kuya Nick oh!" Sabi ng aming bunso at lumapit agad si Nick sa kaniya. Kinuha niya ang candy na nasa kamay ni Maya kung kaya't namula ang babaita. 

I am still watching and waiting for them when I felt someone observing me. Hinanap ko kung sino ang nakamasid sa galaw at reaksyon ko. Nakita ko si Vince na nakatingin sakin at nilipat niya ang tingin niya kila Maya at Nick. Naging uncomfortable ako kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumabas na sa tent. "San po yung set ate?" Tanong ko kay ate Mary at humarap naman siya sakin. "Malayo yung location beh. Diyan sa may 2nd floor ng bahay sa left side. Sa loob ng dulong kwarto." Sabi niya sakin kaya nagpasalamat ako sa kaniya at naglakad papunta sa set. Nauna na ako sa mga kasamahan ko dahil gusto mapag-isang pumunta sa set.

Bakit kaya nakatingin sakin si Vince? Why was he watching me? Tinitignan niya ba reaction ko? Anong akala niya magseselos ako? Hello! Bakit ako magseselos eh wala namang kami ni Nick in the first place so wala akong karapatan. 

(Miss A: Eh bakit ang defensive mo?)

Luh. Di kaya ako defensive. Nag eexplain lang po ako, Miss A. 

"Di naman talaga ako nagseselos eh. Bakit ako magseselos?" Sabi ko sa sarili ko at umiling para mashake off ko mga nasa isip ko. Kaasar naman kasi tong si Vince eh ayan tuloy nagoverthink ako.

"Iza! Teka lang!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Nick na tumatakbo palapit sakin. Napatigil ako sa paglalakad para hintayin siya. "Oh bakit?" Tanong ko agad sa kaniya pagkalapit niya sakin. "Anong bakit? Iniwan mo agad kami eh. Dapat sabay tayong pumunta sa set." Sabi niya kaya sumilip ako sa likod niya at nakitang malayo samin sila Felix. "Ah sige antayin na natin sila." Sabi ko tapos bigla akong hinila ni Nick palapit sa kaniya. Napatingin ako sa paligid kasi baka may makakita samin pero busy naman lahat ng staffs sa ginagawa nila and naghaharutan din yung tatlo kaya di nila kami napansin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin kaya nanlaki ang mata ko. 

Okay naman ako ah? May sugat ba ako sa mukha nang di ko nalalaman?

"Oo naman! Bakit naman hindi ako okay? Bakit mo naman biglang natanong?"  Tanong ko sa kaniya kaya bigla siyang umiwas sakin ng tingin. "Ah wala naman... Nauna ka lang kasi umalis kaya akala ko may problema." Sabi niya at binalik ang tingin sakin sabay ngiti. Para siyang nabunutan ng malaking tinik kaya nagtaka ako sa itsura niya.

"Tara iwan na natin sila. Ang babagal nila eh. Naghaharutan pa." Sabi niya sakin at hinila ako papunta sa set. "Akala ko ba sabay sabay tayong pupunta sa set?" Nagtataka kong tanong sa kaniya kaya tumigil siya at tinignan ako.

"Oo nga. Sabay tayo."

----------------------------------------------------------

:)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon