Nang ako na ang iniiscan ay naging pula ang ilaw mula rito at nakita kong bumukas ang parte ng pader na katapat ko at nakita ko ang baril. Bago pa ako paputukan nito ay mabilis akong dumapa at gumulong papunta sa likod ng isang babae. 

Narinig kong suminghap ang ilan sa ginawa ko at natigilan.

Amazed? Psh. There's more to that. 'Wag niyo nga lang ubusin ang pasensiya ko.


Natapos na ang pag-iiscan ay nakatunganga parin ang iba dahil sa mabilisin kong kilos. Bakit ba? Ngayon lang ba sila nakakita ng ganun kabilis gumalaw?

Pagkabukas ng metal door ay bumungad samin ang isang eleganteng meeting room. Sabagay, lahat ng bagay sa mansyon na 'to ay elegante eh.

Umupo sila sa kaniya-kaniyang upuan. Iba-iba ang kulay nito, may gold, may cream, may red at may black. Itinuro sa akin ang bakanteng upuan na kulay puti.


"Ang mga upuan na 'yan ay nagpapakita kung saan kang grupo nabibilang. Ang gold ay sa star group, ang cream ay sa cleaning group, ang red ay sa weapon group, at ang black ay sa info group. Sa puti ka kasi kikilalanin ka muna namin." sabi nung lalaking may baritonong boses.

Tinignan ko lang siya ng blanko, kunwari may pake ako sa sinabi niya.

"Okay. Now tell me why am I here." i demanded.

"Ikaw si Reinette Mordeau, former Reinette Martin. Galing sa isang bahay ampunan sa Antipolo. 19 years old. Ang nanay mo ay si Eula Martin, ang birthday mo ay April 28, 2000. Inampon ng mag-asawang Laurisse at Justin Mordeau para may tagapagmana ang kompanya nila," binalingan ako nung babaeng nakasalamin, "right, Ms. Reinette?" 


Gulat ko siyang tinignan. Paano niya nalaman lahat ng iyon?

"Simple lang gusto namin sayo. Ang sumali sa amin, ang kagustuhan na iyon ay nadagdagan pa lalo nang ipinakita mo sa amin ang ikinilos mo kanina. Impressive, Ms. Mordeau." she smirked.

"Why would I join you, eh, hindi ko nga kayo kilala at kung ano ang ginagawa niyo, duh?" i said in a matter of fact tone. Hindi ako uto-uto para basta nalang sumali sakanila lalo na't muntik na akong mamatay dahil sa scanner na yan.


"Okay, we'll introduce ourselves to you after we explained what is the real score in this gang." sabi nung may baritonong boses.

Did I fucking hear that clearly? G A N G ? 

Nanlaki ang mata ko sa huling salita na binanggit niya na dahilan ng pagkangiti niya. Natigilan naman ako sa sandaling iyon. Tumayo siya at inisa-isa ang mga ka-myembro.

"I'm Dovalier Pvouir, the leader. That girl who stated about your information is Stellans Travisch, the brain of the group, the girl with the ash hair is Addison Beckham, the ace of the gang. The guy that brought you here, of course, is Kaizer Truffore, he is the mentor of the group. And that one behind him is Vixen Wolfenstein, the tracker. We're the star group, and the golden chair belongs to us." pormal niyang sinabi. 


Napatabingi ang ulo ko sa impormasyong iyon. Kailangan pala ng ganon sa gang? Oh, and si Addison, siya yung babaeng tinignan ako kanina ng may panunutya diba? Lol, scared I might get your position?

"The rest are Hannahlyn, Jackzen, Monroe, Jackson, Zane and Fredrick. They belong to the weapon, info and cleaning group." he shortly introduced them just like they weren't that important.

Bow Down, Master (Book One)Where stories live. Discover now