11.2

7 1 0
                                    

© xiarls

All rights reserved

**

11.2

Louis POV

Kinuyom ko ang kamay ko dahil sa hindi ligtas itong gawin. Hindi ko rin alam kung sino ang mga nagsabi sa kanya ng mga ganito.

"Sige Sir. Pagplanuhin po natin 'to ng maayos. Tawagin niyo po ako kung kalian."

"Okay, you may go back now." Sabi niya at saka ako umalis.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa daming problema na nangyayari sa school year na 'to. Wala na bang pag-asa maging peaceful man lang kahit isang buwan? Hindi naman ganito ang mga kasunod na peligro noong hindi napasok dito sina Vien at mga pinsan niya.

Pabalik ako sa room nang makita ko sa Jev na tumatakbo sa hallway at pababa sa hagdan.

"San punta?" Bati ko.

"Si Rena hinimatay raw. Nasa clinic."

Nabigla ako sa sinabi niya at naunang tumakbo papunta sa clinic kasunod siya.

Maputla ang itsura ni Rena. Nangingitim ang kanyang labi at kuko. Hindi rin mapakali ang mga kaklase niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko kina Abby.

"Bigla nalang natumba matapos niyang lumabas sa CR."

Dumating ang doctor at pinalabas muna kami.

"She has poison all over her blood. Kailangan niyo siyang idala sa ospital. May nakatambay na rin na ambulansya sa labas." Sabi ni doc.

"Naku paano na 'yan? Sasama na kami ni Yana."

"Abby, Yana, ako na ang susunod sa kanya. Samahan mo ko Louis." Singit ni Jev kaya tumango na ako. Bahala na ang mga susunod na oras.

Sa ambulansya, hindi kami mapakali ni Jev. Nanginginig ang buong katawan ni Rena. Mas lalong umiitim ang kanyang balat.

Tinawagan ko si Mama para humingi ng tulong.

"Ma, I need your help. Si Rena, may lason sa dugo niya."

['What?!'] Sigaw ni Mama.

"Hindi ko po alam ang mga nangyari pero bigla lang daw siyang hinimatay kanina. Papunta na po kami dyan sa ospital."

['Sige, ipapahanda ko na rin ang operating room.']

"Anong sabi?" Tanong ni Jev.

"Handa na raw ang OR." Sabi ko at tumango siya.

Pagkadating sa ospital, itinakbo agad si Rena sa OR. Si Mama na rin ang gagawa ng operasyon.

"Vien, we need to talk." Sabi ko at pinatay ang tawag. Alam kong alam niya kung sino ang may kagagawan nito.

"Louis, may alam ka ba?" Tanong ni Jev pero hindi ko siya sinagot at lumabas ng ospital.

--

Vien POV

Isang malakas na suntok ang binigay ni Louis sa akin ng makita niya ako sa labas ng ospital.

Nabalitaan ko kung anong nangyari kay Rena dahil narinig ko sa mga dati kong kaklase namin.

Nagmadali akong pumunta at saktong tumawag si Louis pero ito ang inabot ko.

"Matagal na kitang pinagsabihan na huwag mong pakialaman ang buhay ni Rena, Vien! Hindi ka pa nakontento! Nilason mo pa!"

"Ha? Ako pinagbibitangan mo sa pagkalason niya? Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sinuntok ko rin siya!

Ramdam ko ang galit niya sa mga suntok niya sa akin kaya hindi na ako naglakas loob na patulan siya. Kasalanan ko o hindi, wala na akong magagawa. Isipin man nila na ako ang mali, aangkinin ko na lang kasi kahit sarili ko hindi ko na maintindihan noong iniwan ko si Rena.

She's my weakness.

Pumutok na ang kanang pisngi ko sa ginawa niya.

"Vien! Louis! What are you doing?!" Sigaw ng Mama niya kasama si Jev na masama ang tingin sa akin.

Tinulungan niyang tumayo si Louis at inakay papasok ng ospital.

"Mr. Hoyas, what do you think you did to my son?"

Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi ko.

"I didn't do it first. Naunang nanuntok si Louis dahil galit siya sa akin. Akala niya ako ang lumason kay Rena." Dahilan ko, pero nakaramdam rin ako ng pagkahilo. Pinikit ko ang mata ko. "I gotta go."

"You should treat your wounds first."

"No, I'm alright."

"Fine, but please do visit Rena if you have time. Alam kong ikaw ang may kasalanan ng lahat ng paghihirap niya." Sabi niya't umalis.

Naupo ako sa bench sa parking ng ospital at kinuha ang cellphone. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang mga gagawin.

"Hoshi, I need your help."

['Oh Mr. Hoyas. What's wrong with you?']

"Tch, I need your pack to help me."

['Why? Why do you need us tigers to help you?']

"Just please help me just this once."

['Okay, wait for me. Where are you?']

"At Doctors hospital. Fast! I'm injured!"

['Alright, I'll bring my men along.']

"Thanks."

Tigers are my savior and friends. Sila ang tumulong sa akin nang una palang ako naging bampira. It's been 50 years by then.

--

Chapter 11.3 teaser

"Boss, may balita na kami kung saan yung babaeng kinakasama noon ni Vien."

"Saan?"

"Nasa may dance studio sa baba."

Tumango lang si boss at naunang maglakad.

"May oras din para makuha siya. Hindi pa ngayon. Let's go."

Tinanaw nila si Rena sa dance studio at umalis.

--

...to be continued

Updates every Monday

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My Vampire's HomeWhere stories live. Discover now