10.1

12 1 0
                                    

© xiarls

6-22-2019

All rights reserved

**

10.1

Louis' POV

Pagkaalis ko sa bahay ni Rena ay dumiretso ako sa café kung saan siya nagtatrabaho. Hinanap ko si Elise para makausap siya.

"Oh, Louis. Bakit nandito ka?" Sabi niya. Kakalabas lang niya sa staff room.

"Out mo na?" Tumango siya, "Tara," hinila ko siya palabas. Pinapasok ko siya sa sasakyan ko. "Hatid na kita. Gabi na." Sabi ko at pinaandar at nag-drive na.

"Sige, salamat. Ano nga pala ang pakay mo?"

Huminga ako ng malalim. "Elise, may alam k aba tungkol kina Vien?" Tiningnan ko siya saglit at nakakunot-noo siya. "I mean, 'yong mga problema ni Rena, alam mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Elise, kaibigan mo si Rena, 'di ba? Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin."

"Ah... 'yon ba? Hindi naman masyadong nagsasalita si Rena sa mga problema niya. Maski sa akin hindi niya sinasabi. Kung tungkol naman kay Vien at sa kanya, oo, may konting alam ako. Kalat na kaya 'yon sa school. Mahal na niya si Vien pero 'yong gagong 'yon sinaktan ang nararamdaman ni Rena. Kaya maski ako galit kay Vien."

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

So, ako lang pala ang may totoong alam sa katauhan ni Vien. Mabuti na 'to kesa sa may iba pa siyang malalaman. Mapahamak pa siya.

"Kung gano'n man, can I ask you a favour?" tanong ko at pinarada saglit ang kotse sa gilid ng highway.

"Opo naman."

"I want you to take care of Rena. Kahit hindi mo siya kasama palagi, kahit nasa malayo ka at natatanaw mo siya, please bantayan mo ang mga kinikilos niya – kung ano ang mga ginagawa o sino ang mga kasama niya."

Ngumiti siya, "Oo naman Kuya. Kahit hindi mo man sabihin, gagawin ko 'yon."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Salamat sa mabait kong kapatid. Buti na lang at nakilala mo si Rena."

Yes. Magkapatid kami ni Elise. Matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon. Hindi nga lang siya tumitira sa bahay kasi may mga problema ang pamilya naming. Maski sina Mama at Dad... basta magulo ngayon. Kaya pinili niyang umalis.

"Kuya, kumusta sina Mom at Dad?" Malungkot niyang tanong. Halos 2 years na rin siyang hindi nakatira sa bahay. Ni-text or tawag ata hindi niya nagawa sa mga magulang namin.

Pinisil ko ang kamay niya, "Okay naman sila. Ikaw, kumusta sa bahay na tinutuluyan mo?"

"Medyo malungkot po. Wala kasi akong nakakausap." Katulad rin siya ni Rena na mag-isa sa bahay. Pinaandar ko na ulit ang kotse.

"Balik ka na kasi."

"Kuya, alam mo naman kung bakit pinili kong umalis."

Napaisip ako. Kahit ako, naging malungkot ang bahay namin nang umalis siya sa bahay. Nakaka-miss ang ingay at paglalambing niya sa amin.

"Eh kung gusto mong tumira na muna sa apartment ko? Para naman wala kang gastos sa mga bayarin sa pag-uupa. Don't worry, hindi naman alam nila Mama na may apartment ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti. "Kahit ito lang ang maibibigay kong tulong sa 'yo. Hindi naman ako naglalagi do'n. Minsan lang kapag masyadong hectic sa exam, doon ako umuuwi."

"Seryoso k aba Kuya? Pwede ako do'n?"

Tumango ako. "Oo naman. Kapatid kita, hindi kita matiis."

"Thank you so much sa mga tulong mo Kuya ah."

"Wala 'yon. Bukas tutulungan kitang lumipat do'n." Pinahid ko ang luha niyang biglang bumagsak na lang at saka siya niyakap.

"There's always a time to go back to where to grow up, Elise. The door is always open for you."

"Thank you, Kuya. I will go back soon."

--

Rena's POV

Nice, really nice. What a beautiful day with my jealous heart and eyes.

Tinawagan ako ni Vien na makipagkita sa plaza. Gusto ko rin naman siyang makausap para maliwanagan. Pero ano ang naabutan ko? Magkasama sila ni Angel. Parang nasaktan na naman ako sa nakikita ko. Tumalikod ako, hindi ko na magawang ituloy ang pakikipag-usap sa kanya dahil kasama niya si Angel.

Oo na! Nagseselos na ako! Ayoko na. Suko na ko. Ilang buwan pa lang kami magkakakilala pero minahal ko na siya ng sobra.

Biglang may humawak sa pulso ko.

"Please Vien, hayaan mo muna ako." Sabi ko pero hindi siya nagsalita. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Naglakad ako pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko, hinigit niya ulit ako para pigilang maglakad.

"Hindi naman ako si Vien." Nagulat ako sa nagsalita kaya hinarap ko siya.

"Louis?"

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Sabi ko na nga ba, siya pa rin ang iniisip mo." Sabi niya at tumingin sa pwesto kung saan nakaupo sina Vien at Angel. Pero nakatingin na din sila sa amin. Bigla akong hinigit ni Louis papunta sa sasakyan niya.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Binuksan niya ang pinto ng kotse.

"Get in."

"Where to? Teka lang," hinigit ko ang kamay ko.

"Basta pumasok ka na lang."

Wala na akong nagawa kaya pumasok at naupo sa sasakyan niya. Tahimik lang kami. Ayokong mag-umpisa sa pagsasalita. Wala ako sa mood. Lumiko siya sa highway ng coastal road.

"I'll take you to my house." Sabi niya. Hinampas ko naman ang braso niya. Nakakagulat kasi. "Hahaha, chill! I want you to meet my family."

"Hoy! Hindi naman tayo ah! Anong 'I want you to meet my family' ang pinagsasabi mo dyan?" Sigaw ko. Bigla niyang hininto ang sasakyan at pinitk ang noo ko!

"Hindi pa, sa ngayon. Wala lang, masama na bang ipakilala ang kaibigan sa pamilya?" Seryoso niyang sabi at nag-drive na ulit. "Trust me, hindi ka naman kakainin ng buhay." Ngumiti pa siya ng nakakaloko at tinaas-baba ang kilay.

Siya naman ang binatukan ko. "Gago! Kung sinabi mo na agad kahapo o kanina, nakapaghanda ako. Hindi sana ako nagsisigaw sa 'yo."

Hindi na siya sumagot pa hanggang sa pumasok kami sa gate ng mansion nila at itinigil niya ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Antique ang design ng bahay kaya parang medyo luma ang tingin nito sa labas.

"We're here."

"Thanks, but seriously? Why did you bring me here?"

"You'll know once we'll be inside. But remember this, Rena... dapat mong paniwalaan ang mga sasabihin nila, tungkol sa mga bagay na totoo at hindi."

Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya, tumango na lang ako.

"Pasok na tayo," binuksan niya ang pinto at magkasabay kaming pumasok. Nandoon ang mga magulang niya na nakaupo sa sala at parang may seryosong pinag-uusapan. Parang hindi nila napansin ang pagpasok naming.

Bakit pa ko sumama dito? Ay hindi pala, pinilit niya akong pinapasok sa sasakyan niya kanina.

Siniko ko si Louis, napatingin siya sa akin. "Bakit ngayon mo pa ako sinama dito? Parang may importante silang pinag-uusapan. Sa labas na lang ako."

... to be continued

Oh My Vampire's HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon