6

17 1 0
                                    

© xiarls

6-08-2019

All rights reserved

**

6

Rena's POV

"Saan ka ba nagpunta kahapon? Bakit hindi ka nagduty?" Tanong ni Elise.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang inis ko.

"Bakit ka namumula?" Tanong niya pa ulit. Napayuko ako at napabuntong-hininga.

Sino ba naman kasi mag-aakalang may mga bagay-bagay sa lugar na 'to ay totoo pala?

"Hoy, Rena!" Sigaw na niya sa tenga ko. "Ano? Sasagot ka pa ba?" Nakataas ang kilay niyang hinihintay ang sagot ko. Napabuntong-hininga na lang ulit ako at hinarap siya.

"Ah... wala. Nasa bahay lang ako. Nakalimutan kong Sabado pala. Umaga pa lang naglaro na ako ng badminton." Sabi ko. "Bakit? Anong nangyari?"

"Ahh, okay. May naghahanap kasi sa 'yo kahapon. Lalaki. Hindi ko naitanong ang pangalan." Paliwanag niya. Tumango na lang ako at pumunta na sa staff room.

"4 hours lang ang duty niyo ngayon." Singit ni Manager. Nagtaka naman ako.

"Bakit po?" Tanong namin ni Elise.

"Don't worry, hindi magbabago ang sweldo niyo at saka hello? Estudyante pa kayo at may curfew na sa lugar. Alam kong busy rin kayo sa school works niyo kaya 4 hours na lang ang duty niyo every Saturday-Sunday. 5PM-9PM." Naalala ko ang sinabi ni Coach na may practice game kami.

"Eh Ma'am, may practice po kami every Saturday, 2-5PM. Nasa varsity nap o ulit ako ng badminton."

"Ah, gano'n ba? Sige okay lang na malate ka ng 30 minutes. Kung gusto niyong mas maaga sa 5-9 okay lang din na umaga kayo basta hindi hectic sa schedules niyo." Tumango na lang din kami ni Elise sa sinabi niya. "Sige, mag-ayos na kayo. Maraming customers ngayon." Iniwan na kami ni Elise at naghanda. Lumabas na rin kami after 3 minutes. Marami ngang customers ngayon. Sunday kasi at may mga pasok na rin bukas. Karamihan sa mga nandito, taga UBelt ot nasa university dorm ng school.

Busy ako sa pagtawag ng orders ng maramdaman ko 'yong kakaibang lamig sa katawan ko na naramdaman ko rin kahapon sa bahay. Alam kong may nakatingin na naman sa akin bukod sa mga customers na nandito para tumambay. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman. Namamalik-mata ba ako o ano?

Nakayuko na ako sa screen ng computer habang kumukuha ng orders. Hindi ko namalayang may tao sa harapan ko. Hindi ko masyadong maramdaman ang aura niya bilang isang tao.

"Can I have your order, Sir?" I asked him, but he suddenly touched my head. At doon na ako nawalan ng malay.

--

9 months ago

Nasa gubat akong hindi ko alam kung saan. Matapos ang nakakabinging tunog ng busina ng sasakyan, hindi ko na alam ang gagawin. Binundol kami ng truck na walang driver. The accident was plotted by someone we don't know. Hinanap ng mga mata ko kung saan sina Mama at Papa. Nakahiga sila sa damuhan. Kahit nahihirapan akong tumayo, nilapitan ko pa rin sila at ginising. Niyakap kami ni Papa. Buti na lang ligtas kami sa nangyari pero marami kaming sugat sa katawan. Hindi naming ininda ang mga sugat at sakit sa katawan at umalis sa lugar na 'yon. Medyo malayo na rin ang nilakad naming. Inaalalayan ang isa't isa. At ilang minute lang ang nakalipas nang pinasakay kami ng taong nagmagandang loob at hinatid kami sa ospital. Hindi na namin siya nagawang pasalamatan sa tulong niya. Bigla na lang siya umalis habang ginagamot ang mga sugat namin.

Oh My Vampire's HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon