3

27 1 0
                                    

© xiarls

6-05-2019

All rights reserved

**

Ano pa ba maasahan ko sa kumag na 'yon? Sakit lang sa ulo!

Kanina habang papasok ako sa gate ng school, bigla niya na lang ginulo ang buhok ko pati kinuha ang ID ko, sabay takbo at tumawa ng nakakaloko! At kanina pa ako nagrereklamo sa mga guard dahil nga kinuha ng Vien na 'yun ang ID ko.

"Ma'am, tawagan mo na lang po para ibalik ang ID mo." Sabi nila.

"E hindi ko nga po alam ang number niya! Sir please naman oh, may quiz pa po kami at late na ako!" sigaw ko. "Nasa room BL103 po siya. Pakitawag na lang po. Vien Hoyas po ang pangalan."

"Oh sige." Sabi nung isang guard at umalis. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya dumating dala ang ID ko. "Sabi daw ng boyfriend mo, bilhan mo siya ng lunch mamaya."

Futa! Ginagago ako ng isang 'yon! Asa siya! Pumasok ako at tumakbo!

Pagdating ko sa room, saktong nakatalikod si Sir pati siya. Dumaan ako sa likod niya at saka siya sinabunutan ng malakas kaya napamura siya! Namumula na rin ang mukha niya!

Hot!

"Sht, Rena! Ano ba kasalanan ko?" napatigil ang lahat sa pagsusulat. Wala akong pakialam basta makaganti ako sa ginawa niya kanina!

"Ako pa tinanong mo? Nalate ako dahil sa ginawa mo! Gago!" Sigaw ko kaya tumikhim si Sir. Seryoso ang mukha niya kaya napatahimik ako at nanlamig sa kaba.

"Both of you, go to your Dean's office after class!" Sabi niya at inayos ang salamin.

Inirapan ko si Vien bago ako umupo. Bad trip 2 weeks pa lang napa-Dean's office na ako. Bad trip hindi naman 'to nangyari sa akin last year!

--

"3 days suspended!" seryosong sabi ni Dean. Nanlaki ang mga mata ko. "For you Vien, 3 days suspended!"

Yes! Hahahaha! Ang saya ko lang pero hindi ko pinahalata kasi baka ako ma-susp "—And for you Rena, 2 days assignment. Make your own website, kahit Home, Sign Up, About button lang." Straight-faced na pahayag ni Dean.

What? "But—" Dean didn't allow me to say anything. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Namumula na sa kakatigil ng tawa. At least, hindi ako suspended.

I sighed. I give up. Bye Dean's list. Tumango ako kay Dean.

"Pass it on Friday. You may go." Sabi niya at pumirma ng papers.

Nang makalabas kami sa office, hinarap ko siya ulit. "Alam mo, hindi naman ito nangyari sa akin nung wala ka pa ditto. Bwesit! Ano bang ginawa ko para—"

"Edi swerte mo na ngayon dahil nagkasala ka!" Gago talaga!

"Tse! Puta ka!" Sigaw ko pero tinampal niya ang bibig ko! Buti na lang walang tao sa lugar na 'to! "Don't mess with me! Leave me alone!" sigaw ko saka siya tinadyakan! Sira na talaga ang araw ko kaya lumabas na ko ng university at sumakay sa jeep pauwi!

"Hey, I'm sorry!" pahabol niyang sabi o sigaw sa may gate! Hindi ko siya pinansin! Pagdating ko sa bahay, nitext ko na agad mga classmates ko. Magpapatulong ako sa website assignment na binigay ni Dean. Naiiyak na ko kasi wala akong laptop na gagamitin. Nasira last week. At next week pa ako papadalhan nila Papa para pambili.

Nagreply naman ang mga kaibigan ko para tulungan ako. Mamaya ko na lang gagawin 'yung assignment sa school. Pero ang problema, wala akong laptop. Mamaya ko na lang din poproblemahin 'yon. Sa ngayon, kakain muna ako ng lunch bago bumalik sa school.

--

"Guys, tulong!" Sigaw ko nang makarating ako sa room. Wala pa 'yong iba dahil lunch break pa naman at isang oras pa 'yong klase.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Abby. Sinabi ko naman ang lahat na nangyari kaninang umaga pati sa kumag na 'yon na nakikinig lang din sa amin. Nasa harap siya nakaupo at nakikipag-usap sa iba. Nagtawanan lang sila sa sinabi ko.

"Tulungan ka naming mamaya," sabi nila.

"Salamat guys. Libre ko kayo ng spag after class." Sabi ko sa kanila at tumango sila. Basta spag ang pinag-uusapan wala akong kawala sa mga 'to. Ba't ko pa kasi sinabi 'yon?

--

Nakatambay kaming lima sa library – Abby, Rhea, Leanna, Jake, ako. Nakatutok lang kami sa laptop ni Rhea habang si Jake ang nagta-type ng codes. Nagbabasa lang dnin ng libro o nag-aaral ang ibang estudyante. Tahimik nga. Ang iba naman nagbubulungan tungkol sa nangyari sa akin kanina sa gate. Psh. Kasalanan naman ng kumag na 'yon kung bakit ako nalate at pinagawa pa ng special assignment ni Sir Dean.

After 30 minutes, lumabas na rin kami. Mag-aalas sais na rin at pasara na ang library. Pumasok na rin kami sa classroom. 3 hours computer lab na naman. Ibig sabihin, 9 PM ang uwian.

As usual, katabi ko na naman si kumag. Hindi kami nagpansinan pero ramdam kong gusto niya akong kulitin. Hanggang sa matapos ang klase, hindi ko siya pinansin. Buti naman para makapag-concentrate ako ng maayos at magawa ang lab reports. Kinulbit niya ako pero kinampas ko siya ng malakas dahilan mapagalitan na naman kami ng ilang minuto. Damay ang lahat sa kasalanan namin.

--

"Thank you, Rheng! Ibabalik ko rin ito bukas." Sabi ko kay Rhea at niyakap siya.

"No problem, Ren. Sige na, umuwi na tayo." Lumabas na kami ng uni at naghintay ng jeep for her. Ako naman, naglakad na lang. Malapit lang naman ang bahay at uni.

Naramdaman kong may kaluskos or may naglalakad rin sa likod ko. Alam ko na kung sino.

"Expect ko na ring susunod ka." Sabi ko sa taong nasa likod ko. Malakas ang radar ko sa taong 'to. Alam kong nakasunof ba siya o hindi. Malapit o malayo man.

Huminga siya ng malalim at nakisabay sa akin maglakad. "Akin na bag mo." Sabi niya sabay higit sa bag ko sa likod. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na lang ang gusto niya. Malapit na rin kami sa bahay. Binigay na rin ang bag ko bago ako pumasok sa bahay.

"Good night. Sorry sa ginawa ko kanina." Sabi niya at naglakad na pauwi. Naiwan naman akong tulala at tinanaw ang likod niya.

Hindi pwede ito!

--

Alas dos na pero hindi pa rin ako makatulog. Inaalala ko ang sinabi niya bago umalis kanina. Ano bang ibig sabihin niya?

"I just did it just to make sure you're safe and I don't want you to get hurt. You're special to me, Rena. You really do."

...to be continued

Oh My Vampire's HomeWhere stories live. Discover now