7

20 1 0
                                    

© xiarls

6-11-2019

All rights reserved

**

7

2 weeks later, naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Hindi ako iniwan ni Elise at Vien sa pagbantay sa akin sa ospital. Masyado na rin naapektuhan ang pag-aaral nila dahil do'n. pero wala daw silang pakialam basta nasa harap ko sila. Gusto nilang matiyak na maayos na ako.

"Tara na't mag-aral sa lib! May quiz pa tayo mamaya. Ang ingay ditto sa labas ng canteen!" Sabi ni Vien sa 'kin at kinuha ang mga gamit niya.

Hindi naman ako tumayo. Inaalala ko kung saan na ako makakakuha ng pangbayad sa tuition. Exam na bukas at hindi pa rin ako nakapagbayad. Hindi sumasagot sila Mama at Papa sa mga tawag ko. Noong isang araw pa ko tumatawag pero hindi nila sinasagot. Hindi naman kaya ng sweldo ko sa café.

Tinapik ako ng kasama ko. "May problema ba?" pag-aalala niya. "Tulala ka."

Napabuntong-hininga ako at hinarap siya.

"I can't pay my tuition." Napayuko ako. Ang hirap naman talaga ng get up ko ngayong araw. Hindi ko namalayang exam na pala bukas. No permit, no exam policy kasi. Alam niyo naman 'yon, 'di ba? At hindi ako nakapag-aral dahil na ospital ako.

"Don't worry," may kinuha siya sa bag. "Bayad ko na tuition mo kahapon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinakita niya sa akin ang exam permit ko.

"Vien, bakit mo naman ginawa 'yan? Hindi mo ako palamunin! Hindi ko kailangan—"

"Hoy, h'wag kang oa! Alam ko ang iniisip mo!" binatukan niya ako sabay abot sa akin ng permit. Sinampal ko siya. "What?" Umiling siya. "Bayaran mo na lang ako next year." Sabi pa niya at tumayo. Kinuha na rin niya ang bag ko at pinatayo. Inakbayan niya ako at naglakad papuntang hindi ko alam.

Alam ko na kung bakit ganito na lang kami magkalapit sa isa't isa. Kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari at nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Lutang na lutang ako tuwing klase. Inaantok sa mga lessons. Hindi naman ako ganito noon. Patay talaga ako kapag bumaba grades ko.

Malapit na kami sa library ng matigilan ako. Napahinto rin siya. May nakita ang hindi ko na dapat Makita. Dito na naman siya? Kalian pa siya bumalik?

"Hey," napatingin ako kay Vien. "You okay?" tumango ako at naglakad ulit. Hindi na siya umakbay sa akin.

Pero sa maling daan at tinahak ni Vien... kung saan siya nakatayo... kung saan ang lalim ng titig niya sa akin kahit hindi ko siya tinitignan. Malakas ang senses ko kaya alam ko kung may nakatingin sa akin kahit malayo.

Hindi ko siya pinansin nang dumaan kami sa harap niya. Pero ang gago talaga! Hinawakan niya ang kanang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad at hinila ang kamay ni Vien. Napatingin naman siya sa akin at sa kamay ng taong nakahawak sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Gago!

"Let me go!" pagpupumiglas ko pero malakas siya. Hinawakan niya pa ng sobrang diin ang pulso ko.

"Let her go!" sabi ni Vien. "Ang who are you?" parang nagbago ang aura ng dalawang nakahawak sa magkabilang kamay ko. Kinuha ko ang kamay ni Vien para kunin ang kamay ng isa. Inakbayad ako ni Vien at alam kong nanginginig ako.

"Let me introduce myself," binitawan niya ang kamay ko at nagpamulsa. "I'm Jev. Rena's ex-boyfriend." Hindi niya nilahad ang kamay niya kay Vien. Rude na jerk at bastard!

"What the hell are you talking about, jerk?! Ikaw na ang nagsabi na wala tayong relasyon!!" sigaw ko. Napatingin naman ang mga estudyanteng malapit sa kinatatayuan naming tatlo.

Oh My Vampire's HomeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant