10.2

6 1 0
                                    

© xiarls

6-26-2019 

All rights reserved

**

10.2

Umiling siya at inakbayan ako. "No, you'll be part of this conversation." Bulong niya at tumikhim dahilan mapatingin ang parents niya sa amin. "Dad, Mom, I want you to meet my friend, Rena Chong."

Parang kinabahan naman ako sa tingin ng Dad niya.

"Good afternoon po," batik o. Ngumiti ang Mommy niya at tumayo. Nilapitan kami ni Louis. Humalik siya sa pisngi ng ina niya. At bilang respeto, nagmano ako.

"Nice to meet you, hija. I'm Louis' mom. Call me Tita Lisa."

"Nice to meet you po, Tita Lisa," sabi ko at giniya kaming umupo. "Good afternoon po, Sir." Sabi ko sa Dad niya.

"Good afternoon din hija. Call me Tito Marco." Nakapang General uniform siya ng pulis. "You look good together."

Parang nasamid ko naman bigla ang laway ko. Hinimas ni Louis ang likod ko.

"Dad, we're just friends! She's Vien's girl." Sabi niya.

"Chill, just saying."

Chill. Bakit ang hilig nilang sabihin ang chill? Nagmana ata 'to si Louis sa ama.

"Okay, kain na muna tayo." Sabi ni Tita at hinila ako papunta sa dining. "Hija, feel at home."

Hinanda nang mga katulong ang mga pagkain. Puro delicacies ng Pinas. Sea foods, pork, chicken, at ilang desserts.

"Thanks po, Tita," tumabi naman si Louis sa akin. Kaharap naming ang parents niya.

"Hindi ka naman allergic dito, 'di ba?" turo niya sa mga pagkain.

"Allergic lang ako sa ilang sea foods, pero kaya ko naman tiisin."

Nakakahiya mang sabihin, pero allergic talaga ako sa sea foods simula bata. Isda lang kaya kong kainin. Huwag lang 'yung ibang nakakakati talaga.

Nag-effort pa naman silang ihanda 'to, kahit hindi ko ini-expect na dito ako dadalhin ni Louis.

"It's okay, hija. Let's eat now." Sabi ni Tita at saka kumain na kami.

Nagkukuwentuhan kami habang kumakain. Dinadaldal ako nila Tita at Tito kung ano ba ang madalas kong ginagawa sa bahay at school. Sinabi ko naman lahat. I feel comfortable by talking to them.

We're in the middle of talking and laughing when we heard the doorbell. Tumayo si tito at pinapasok ang bagong dating. Nabitawan ko ang utensils at napatingin kay Louis, mukha namang naramdaman niya ang tingin ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.

Si Vien at Angel, magkahawak kamay na pumasok sa bahay. Nanginig naman ako at mas hinigpitan ang paghawak ko sa kamay ni Louis.

Tumayo siya bigla, "Excuse us, Ma, Dad," sabi ni Louis at hinila ako patayo. Lumabas kami ng bahay nila. Alam kong nakasunod ang tingin ni Vien sa amin.

"Rena, you alright?" tumango ako. "No, you're not." Huminga ako ng malalim at umupo sa hagdan sa labas.

"I think I should let him go for a while," sabi ko at yumuko. "Pagod na akong umiyak. Pagod na akong umitindi."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ang mata ko sa kanya. "Kaya ka nagkakaganyan kasi hindi mo naman sinusubukang marinig ang side niya." Pagkasabi niya noon, nasa harap na namin si Vien, malamig ang mga tingin niya sa amin. Umiwas ako ng tingin at binawi ang kamay ko kay Louis.

"Rena, can we talk?" pagkasabi niya no'n, tumayo si Louis at ngumiti sa akin. Parang sinasabi niyang pakinggan ko kung ano man ang gustong sabihin ni Vien.

Iniwan kami ni Louis. Umupo siya sa tabi ko.

"Rena, I'm sorry for what I've done. For the pains I gave you." Panimula niya. Ayoko mang pakinggan ang mga sasabihin niya, pero gusto ko rin namang maliwanagan sa mga nararamdaman ko.

"Vien, I need time to think about this. To let this pain go away." Tumayo na ako pero pinigilan niya ako sa paghawak sa pulso ko.

"No, now is the time. I must say this. Please stay and please understand what I am willing to say."

Hinarap ko siya at dahan-dahan niyang binitawan ang pulso ko.

"This past few months, I had so much fun with you. Nakasanayan kong inisin ka dahil ang prangka mo. Hindi ka madaling mapikon, pati ang ugali mong mabait sa mga kaibigan mo, nakagustuhan ko sa 'yo. I love the way you talk to me. Kaya lang, hindi ako nag-ingat. May mga naging problema dahil sa pagsunod ko sa 'yo.

"Last week, no'ng bigla akong nawala dahil sa pumasok si Jev sa school, sa eksena nating dalawa. May kumidnap sa akin nang nakalabas ako sa campus. Hindi ko alam kung anong pakay nila pero no'ng nandoon na ako sa mismong hide-out nila, nalaman ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo kung ano man ang gusto nilang gawin ko. Ginawa kong itago sa 'yo dahil ayokong mapahamak ka dahil sa akin."

Tumutulo na ang luha naming dalawa. Nakatungo lang ako. Ayokong makitang umiiyak siya.

"Rena, I'm thankful to meet you even if these chances are you lowly and it's hurting our feelings. But promise me, be careful whenever you're alone."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at itinaas ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.

"Promise me, kung maayos man 'tong lahat, babalik tayo sa dati."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya hindi na lang ako sumagot.

Hinalikan niya ang noo ko bago niya at bitawan.

"Rena I'm sorry. Let's end this." Naluluhang sabi niya. Napayuko na rin ako at biglang bumuhos ang malakas kong hikbi na kanina ko pa pinipigilan!

Tiningnan ko siya at ngumiti ako ng mapakla.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Hindi naman naging tayo, 'di ba? You can't fool my feelings for you. Pero ano pa bang magagawa ko?" Pinahid ko ang luha ko. "Salamat na rin. Masakit man pero kailangan ko 'tong tiisin." Tumalikod na ako.

Nang makalayo ako ay bigla akong niyakap ni Louis at marahang tinapik ang likod ko. Sa kanya ko binuhos ang lahat ng mga hinanakit ko. Niyakap niya ako hanggang sa tumahan ako dahil sa masakit na rin ang mga mata at garalgal na ang boses ko.

Umalis na rin sina Vien at Angel. Wala akong pakialam sa kanila. Magsama sila hanggang sa gusto nila.

"Ayos ka na?" tumango ako. Medyo madilim na rin. "Hatid na kita." Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya. Binuksan ang pinto at pinapasok ako.

"Louis, salamat ha?" Sabi ko sa kanya nang makaupo siya.

"Wala 'yon. Para saan pa na naging kaibigan kita?" Sagot niya at ginulo ang buhok ko. Hinampas ko nga.

"But seriously, thank you for being there for me and for being my friend. Kahit masungit o mataray ako sa 'yo minsan." Tumawa lang siya at nagdrive na pauwi sa bahay ko.

Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. School, family, friends and work. And I must say naging komportable na ako sa kanya.

I'm very thankful for him. Kung wala sigurong isang Louis na gustong magpahiram ng balikat niya, siguro timang na ako at hindi na nakauwi ng maayos.

Mas naging maluwag na rin ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

Kung nauna lang siguro siyang nakilala ko, baka hindi ako nasasaktan ng ganito.




...to be continued

Oh My Vampire's HomeWhere stories live. Discover now