"Thankyou so much Tita, the best ka talaga!" I sighed and hugged her so tight.

"Nasaan po si Tito?" tanong ko.

"Pumunta muna siya sa bahay ng mga kaibigan niya para magbigay ng pasalubong, uuwi din 'yon maya maya."

"Ah gano'n po ba, okay tita."

"Ma, labas muna ako may bibilhin lang ako." paalam ko kay mama at tinangoan niya lamang ako.

Madami kasing magagandang accessories na nagtitinda dito sa lugar nina tita kaya tuwing pupunta ako dito ay bumibili talaga ako ng kuwintas at minsan ay bracelets.

Nang makarating na ako sa nagtitinda ay nginitian ko si Aling Maricar na may-ari ng accessories.

"Hi Aling Maricar! Nandito po ulit ako," usal ko.

"Magandang hapon Shawn, mabuti at nakadalaw ka ulit dito."

"Opo kasi pinapunta kami ni Tita, pipili lang po ako ng kuwintas. May pagbibigyan lang po ako," sabi ko.

"Sige, pili ka lang d'yaan," sabi ni Aling Maricar.

Pumili ako ng kuwintas na para sa lalaki dahil ibibigay ko kay Ethan kung sakali mang magkita muli kami. Pagkatapos kong pumili ay nag bigay na ako ng bayad kay Aling Maricar at nagpaalam na.

"Ang suwerte ng lalaking bibigyan mo n'yan," wika ni Aling Maricar.

"Ah hehe, si Tito Arthur po ang pagbibigyan ko nito," pagsisinungaling ko. 'Nako, patawad po!' bulong ko.

Habang pa uwi na kami ni mama ay nakatanggap ako ng isang text, bumilis yung tibok ng puso ko kaya agad ko itong binuksan.

Unknown :

Hi Rei. :) Ako to si Ethan, save my number. Thank you again kanina. See you tomorrow!

Matapos kong basahin ang sinent niyang message sa'kin ay agad akong nagkagat ng labi para pigilan yung ngiti ko.

This can't be!

Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko. Pag punta ko sa kusina ay naka handa na ang pagkain kaya sumabay na akong kumain kina mama't papa.

"Papa! Mama! Aalis po ako mamaya puwedi po ba?" tanong ko.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni papa.

"Malapit lang po dito sa atin, uuwi din po ako agad."

"Sige! Siguradohin mo lang na mag iingat ka,"

"Opo papa, salamat po." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Mag iingat ka mamaya anak," sabi ni mama. Tumango ako at ngumiti sa kanilang dalawa. I love my parents so much.

Tinext sa'kin ni Ethan kung saan siya ngayon. Malapit nga lang talaga sa amin 'yung hotel kung saan siya nag stay.

"Ethan..." usal ko nang makita ko siya'ng naka upo sa labas ng hotel.

"Reiiii.. I'm so happy to see you again." he uttered.

"Ako din," sabi ko.

Sumakay kami ng tricycle at siya naman 'tong nag prisentang mang libre ng pamasahe at pagkain. 'Dapat lang dahil ang yaman niya kesa sa'kin, joke lang.' bulong ko sa'king isipan.

Ipapasyal ko siya sa isang magandang beach dito sa amin. Doon ko din ibibigay 'yong binili ko sa kanya.

Bumili muna kami ng mga pagkain at inomin tulad ng juice at softdrinks para pantulak. Nakakahiya man pero biglang kumapal 'yung mukha ko at nakalimotan ko kung sino siya.

Nag rent na din kami ng cottage. Habang tinataw namin yung dalampasigan ay 'kita ko sa kanyang mga mata ang pagka mangha niya sa resort na 'to. I'm happy to see that he likes the view dahil ito din ang beach na unang napuntahan ko noong bata pa lamang ako.

"Ang ganda 'no? Sobrang sarap pagmasdan," wika ko.

"Oo, sobrang ganda nga." nakangiting wika niya habang nakatanaw pa din sa dalampasigan.

"Masaya ako at nagustohan mo,"

Nang makahanap na kami ng bakanteng mesa ay inihanda ko na 'yung mga pagkain na binili namin.

Nagpunta si Ethan sa gitna ng mga buhangin kaya sinundan ko siya para ibigay 'yong binili ko kahapon.

"Ethan, may ibibigay pala ako sa'yo," sabi ko sabay abot ko sa kanya ng kuwintas. "Binili ko 'yan kahapon kasi naalala kita. Mga lalaki ang mahilig bumili ng kuwintas para sa babae kaya naisip ko na bilang isang babae, try ko din na magbili ng kuwintas para sa lalaki. Tanda yan ng pagkakakilala natin kahapon at pagkakaibigan na din. Mahilig kasi akong bumili ng mga ganyan, halos lahat ng pamilya at kaibigan ko ay nabilhan ko na ng mga munting regalo."

Hindi siya makapaniwala sa kuwintas na binigay ko at nakatitig pa din siya sa kanyang kamay.

"Hindi naman ito munting regalo kundi napaka special na regalo. Maraming salamat Rei, hindi ko to akalain. Pangako ko na iingatan ko 'to," sabi niya at masayang pinagmasdan ang binigay ko.

"Ako na magsusuot sa'yo," prisenta ko. He just nodded and smiled widely.

"I think that destiny really want us to meet yesterday." he whispered.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now