"Ang sabi ni Ms. Belmonte ay niligawan mo siya noong panahon na sila pa ng gobernador, totoo ba iyon?"

"Inaya ko siyang kumain isang beses," natatawang sagot ni Gareth. "Nagandahan ako sa kanya pero tinanggihan niya ako. Nanatili kaming magkaibigan pagkatapos."

Natawa si Wojtek, "Mahina ka pala Dok."

"Mahina nga ako," halos pabulong na sabi ni Gareth, "at kabaliktaran kita."

Napataas ang dalawang kilay ni Wojtek. "Anong ibig mong sabihin?"

Napasinghap ng tawa si Gareth na tila may nadiskubre.

"Kung gayon ay ikaw pala iyon."

Napagilid ang ulo ni Wojtek. Wala pa rin siyang ideya kung ano ang nakakatawa. "Ako ang—?"

"Ikaw ang tinutukoy ni Isabella na first love niya," sabi ni Gareth. Bumagsak ang panga ni Wojtek sa narinig.

"Ano?" nanlaki ang mata ni Wojtek, "Pa—paanong— teka, sinabi niya ba?"

"Naikuwento ka niya sa akin," tango-tangong sabi ni Gareth, "Noong unang beses ko siyang hinatid sa trabaho niya ay kinuwento niya ang tungkol sa skills mo sa mga gadgets, at ikaw ang dahilan kung bakit mas gusto na niya ang mga lalaking mas bata sa kaniya."

Lalong umawang ang panga ni Wojtek. Naalala niya tuloy ang usapan nila ni Isabella sa bahay niya noong nakaraang araw, "Ako talaga?"

Inosente namang tumango si Gareth.

"Iyon ang sabi niya. Sinabi niya din na winasak mo ang puso niya."

"Siya ang gusto ko!"

Bahagyang bumaba ang pagka-kangiti ni Gareth.

Kinamot ni Wojtek ang kanyang ilong sa sobrang prustasyon. "Ang sabi ko sakanya kasi noon ay gusto ko si Ate Jane, pero siya talaga iyon. Inantay ko siyang umamin sa akin, kaso iniyakan niya lang ako."

"Kung umamin ba siya ay aamin ka rin?"

"Siya lang naman talaga ang inaantay ko noon," tangong sagot ni Wojtek."Pero nakalipas na iyon. Hindi ko nga alam kung may nobyo na siya."

"Sa tono ng pananalita niya noong ibinahagi ka niya muli sa akin noong huli naming piano lesson ay mukhang wala," komento ni Gareth.

"Nag-kuwento pa siya patungkol saakin?"

"Ang sabi niya ay bumalik ka. Naikuwento niya rin ang tungkol sa guro mo noong high school."

Napakunot ang noo ni Wojtek.

"I just want you to know, I was that little boy."

Tila nawalan ng hangin ang dibdib ni Wojtek sa narinig. Napaismid pa siya bilang pangalawang reaksyon.

"Wow, small world."

Napatango si Gareth. "Oo nga."

Nagkuwentuhan naman ang dalawa patungkol sa pangyayaring iyon sa guro ni Wojtek. Dinepensahan pa ni Gareth ang sarili dahil hindi niya intensyon na ganoon ang maging kahinatnan ng kanyang dating guro.

"Sa tingin ko naman ay siya ang pumili noon," tango-tangong sabi ni Wojtek. "Wala kang kasalanan."

Naramdaman ni Wojtek na mas naging kumportable siyang kausap ang doktor.

Pero hindi pa tapos ang kaso.

"Kumusta si Isabella bilang piano instructor?" itinago na ni Wojtek ang kuwaderno at iniba ang tapika. "Knowing her patience, paniguradong strikta siya."

"Sa totoo lang ay basics pa lang ang naituturo niya," bahagi ni Gareth. Ngumiti ito at tumingin kay Wojtek. "Hindi niya ako pinapagalitan kahit na minsan ay nagkakamali ako."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now