Chapter 19: The Revelation

219 14 6
                                    

"You can spend it all. Just remember, don't go to the hotel room before five o'clock, alright?" wika ni Romnick. Nakita niyang sumang-ayon si Larissa pero hindi niya alam kung gagawin ba nito ang sinabi niya.

He knew her. Matigas ang ulo ng babae. But there's a job that should be done first. Hindi sila pumunta rito para magbakasyon.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa. Tiningnan niya ang kanyang relong-pambisig. By the time, kumilos na siguro ang lalaki. He needed to get him first before other organizations can. The government needed the criminal.

What happens next was history. At the blink of an eye, the fucker got Larissa and attempted to hurt her. No one has the right to hurt his person kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

"Bring him alive," rinig niyang wika ng direktor sa kanyang isipan.

But he ignored the command. Seeing those hands lay on what's his irritated him and made him pull the trigger right between the criminal's eyes. He can deal with the punishment later.

"Sir," wika ng isang agent na lumapit sa kanya. Bahagya itong yumuko bilang paggalang. Isa ito sa mga nagligpit ng duguan at walang buhay na lalaki.

Napatingin siya sa brown envelope na hawak nito. "What's that?"

"Operation 01-15," tugon nito.

"Oh, okay!" Tinanggap niya iyon at mahigpit na hinawakan. At last, malalaman na niya kung ano ba talaga si Larissa.

Iniwan niya ang team ng forensics at dumiretso na sa rooftop kung saan naghihintay ang isang air ambulance. Naroon na rin at nakahiga ang walang malay na si Larissa. Nakakabit na rin sa kanya ang IV fluid.

"Is she okay?" tanong niya sa doktor na umiistema sa babae.

"Yes, Sir," tugon nito.

Tumango siya. "Good."

Mabilis ang naging biyahe. Sa himpapawid, nag-briefing ang doktor na maayos na ito at hinihintay na lang magising kaya hindi na niya idineretso sa ospital. May helipad ang bahay niya niya kaya doon na lang nag-landing ang helicopter.

Inilagay niya ang babae sa kuwarto nito. Nang tingin niya'y komportable na ito, pumunta siya sa kuwarto at nagpasyang doon niya tingnan ang envelope.

Pabagsak siyang naupo sa kama. He was beyond exhausted. Binuksan niya ang envelope at inihulog ang laman noon sa ibabaw ng kama. Una niyang kinuha ang isang papel na naglalaman ng personal information ng babae.

Name: Larissa Comendador
Age: 26
Gender: Female
Nationality: Filipino
Occupation: Commando

Napakunot ang kanyang noo. ‘Commando? Tama ba ang kanyang nabasa?’ Para makompirma ang hula, tiningnan niya ang mga nakakalat na retrato. Naikuyom niya ang kamao. So, he has been living with a commando and he's letting her manipulate him into thinking na wala itong masyadong alam sa mga bagay-bagay.

Malaki ang kanyang mga hakbang na pumunta sa kuwarto ni Larissa, ngunit tulog pa ito. Kinabukan, binisita niya ulit ito at kung hindi pa ito magigising, siya na ang gigising dito.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Isinandal niya ang balikat sa door jam. Pinagmasdan niya ang payapang mukha ng babae habang natutulog. Sarkastiko siyang natawa. She's great at pretense.

Naglakad siya papasok at isinandal ang likod sa dingding. Siningkit niya ang mga mata nang unti-unti itong nagmulat ng mga mata.

“How are you feeling?” tanong niya.

"Mabut— I'm fine, Sir," tugon nito. "A-Ang lalaki po k-kanina? T-The man earlier?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi siguro nito inaasahan na malalaman niya ang sekreto nito. "You mean yesterday? He's dead!"

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "H-Hindi ako natamaan ng bala?"

Umiling siya. "Lucky enough to be spared."

Nakahinga ito nang maluwag. "Thank you! But what's your real job?"

Nag-igting ang panga niya. Ang lakas ng loob nitong pasukin ang bahay niya at magkunwaring hindi nito alam ang tungkol sa kanya. "I'm afraid I can't tell you that." Itinaas niya ang kamay na hawak ang brown envelope.

Kumunot ang noo nito. "What is that?".

Imbes na sumagot ay initsa niya ang hawak. Yumuko ito upang abutin iyon. Maingat nitong binuksan iyon at tiningnan ang laman.

"S-Sir," wika nito. "I-I can explain..."

Nagkibit-balikat siya at tumango. Nag-igting ang kanyang panga habang pinipigilan ang sariling masuntok ang dingding na sinasandalan. "Then do it. Explain. Tell me what's your real job!"

Sa mga larawan makikita si Larissa habang may dalang baril. Minsan, nakasakay ng kotse, o papasok sa isang kuwarto ng hotel at marami pa. Kuha iyon sa CCTV ng mga establisyemento.

“What organization do you belong?” muling tanong niya.

Hindi kaagad ito sumagot. Nag-iwas ito ng tingin at mahigpit ang pagkakahawak sa mga larawan na kulang na lang ay mapunit. “I am here as your helper. Nothing more.”

Napangisi siya. “Right! Helper. But who knows you won't kill me one of these nights while I'm sound asleep?”

“Sir... Trust me.”

Tumuwid siya ng tayo. “Trusting a commando is like jumping on a plane without a parachute. Leave this instant if you really are here as a helper only. I can't trust you anymore.”

“We have signed a contract. Let me just finish my term.”

Umiling siya. “I'm paying you tenfolds if what you're after is the money. Now, leave.” Tinuro niya ang pinto.

Dahan-dahan itong tumayo. Tinanggal nito ang IV fluid na nakakabit sa palapulsuhan nito. Nakayuko ito habang naglalakad palabas. Sinundan niya ng tingin ang babae. It hurts to see her leave but it's even more painful to feel betrayed. He's been living with a snake. At hindi man lang niya iyon nahalata.

Nang makaalis na si Larissa, kaagad siyang tumawag sa kanyang direktor.

“Agent X, is there anything to report?” bungad nito.

“The helper you've sent me...”

“Oh, Ms. Comendador? She's good at everything. She's good at her job. That's why I recommend her to you.”

“But do you know she's a commando?” Tumaas ang tono ng boses niya dahil sa nagpupuyos na galit.

“Yes.”

Napaawang ang kanyang labi sa narinig. “What?”

“She's not from a mafia organization. She’s from our side. She has no current assignment. She asks for a part-time to tend her father's needs. And she's okay in being a helper as her job right now,” paliwanag nito.

“Shit!” Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. Hindi na siya nagpaalam rito at pinatay na ang tawag. Patakbo siyang bumaba ng bahay upang maabutan pa si Larissa. Ngingiti na sana siya dahil nakita pa niya itong naglalakad palabas ng subdivision.

Ngunit laking gulat niya nang may humintong isang itim na van na walang plate number sa babae. Mabilis na bumaba ang dalawang lalaki habang nakatutok ang baril ng mga ito sa ulo ng babae.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong hindi siya makapag-isip sa gagawin. Tila siya estatwang nakatayo dahil hindi siya makagalaw. Saka pa niya naihakbang ang mga paa nang sapilitang pinapasok ang babae sa sasakyan at umandar na ito palayo.

“Larissa!” sigaw niya habang hinahabol ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Agent XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon