Chapter 10: Unexpected

514 20 7
                                    

Umaga na. Pupungas-pungas na bumangon si Larissa mula sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa na nasa gilid lang ng kanyang higaan. Pinindot niya ito at umilaw. Alas sais na ng umaga. Nagagalak naman siyang kahit na may muntik ng nangyaring masama kagabi ay nagawa pa niyang matulog ng mahimbing.

May dalawang text rin siyang natanggap. Galing ang mga iyon kay Cielo. Napakagat siya ng kanyang labi. Hindi nga pala niya ito nasundo sa airport. Binuksan niya ang unang text.

“HOY, LALA! HINDI KA MAN LANG NAGPAKITA SA AKIN. NAIKWENTO NG KAPATID MO NA SUMAMA KA PALA PARA SUNDUIN KAMI PERO BIGLA KA NA LANG UMALIS. MAGKITA TAYO. TEXT KO SA IYO KUNG SAAN AT KUNG ANONG ORAS.”

Napailing na lang siya sa nabasa. Bakit ba hindi na lang nito sinali ang address sa unang text nito? Akala siguro nito, tawag o kaya ay voice message ang ginawa nito. Minsan may pagka-engot rin itong kaibigan niya.

Ngayon, sigurado siya na ang pangalawang text message ay ang address kung saan sila magkikita. Mamaya na nga lang niya ito bubuksan. Maghahanda pa siya para sa agahan ng kanyang amo. Lumabas na siya ng kwarto bago maghilamos. Binuksan na niya ang mga kurtina sa sala para maliwanag at pinatay na ang mga ilaw.

Pagakatapos ay dumiretso siya sa kusina. Nagprito siya ng itlog, bacon at hotdog. Isang tipikal na agahan. Hindi niya alam kung magkakanin ito, kaya nagluto din siya ng kanin at naghanda ng tinapay. Nag-init siya ng tubig para handa na kung sakaling magkakape ito.

“Did you sleep well?”

Muntik na niyang mabitawan ang saucer dahil sa pagkabigla. Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Grabe! Ni hindi man niya narinig ang yabag ng mga paa nito.

“Ser?!” bulalas niya. “Y-Yes, sir! You?”

Nagkibit-balikat lang ito. Nag-iwas siya ng tingin. Magulo ang buhok nito at isang oares ng pajama ang suot nito. Pero kahit ganoon, okay pa rin itong tingnan. Naalala niya ang kagagahan niya kagabi. Sana naman nakalimutan na nito ang pangyayaring iyon. Hindi naman talaga niya sinasadya na ilagay ang kanyang kamay doon sa parteng iyon.

Bumuntng-hininga siya.

“Are you okay?” tanong nito habang nakakunot ang noo.

Napatingin ulit siya dito. Paniguradong namumula ang kanyang mukha. Tumikhim siya at ngumiti.

“Yes, sir.”

Tumango ito at umupo na sa isang silya kaharap ang ulam na nakahanda na para dito.

“R-Rice or bread?” tanong niya.

“The former,” sagot nito.

Nagtaka siya. Wala namang ‘former’ sa papilian niya, ah! Baka hindi nito narinig ng maayos. Tumikhim ulit siya at inulit ang tanong.

“Rice or bread?” This time, mas malakas na ang kanyang boses.

Tumingala naman ito sa kanya. At masama din ang tingin nito. Napalunok siya. Ano na naman ba ang nagawa niyang mali?

Pumikit ito saglit at bumuntong-hininga. Pagkatapos ay kalamado itong nagsalita. “Rice.”

Tumango siya at dali-daling kumuha ng plato upang lagyan ng kanin. Pagkatapos nitong kumain ay dumiretso na ito papuntang kwarto. Hindi na rin nagamit ang kanyang mainit na tubig dahil hindi na ito nakape at juice na lang ang ininom nito.

Nagma-mop na siya ng sahig ng sala nang lumabas ito mula sa kwarto. Bagong paligo at nakabihis na rin ito—isang t-shirt at basketball shorts na itim. Sumalampak ito sa sofa at ini-on ang tv sa harap nito. Naiilang siyang tingnan ito kaya tumalikod siya mula rito at pinagpatuloy ang pagma-mop.

Lumingon siya rito nang may naalala. “Ah, sir...”

“Yes?” sagot nito na hindi man lang inihiwalay ang tingin mula sa telebisyon.

“I will be out this five afternoon and maybe I will be back on evening.”

Lumingon ito sa kanya. “Why?”

“Uhm... my friend just came back from Mindoro and we...”

“A woman?”

Kumunot ang kanyang noo. Bakit ba nito tinatanong iyon? Pero wala siyang magawa kundi ang tumango.

“Okay! And I’ll also be going out this evening. Just don’t wait for me to come back. Maybe I’ll return at midnight or dawn.” Wika nito at muling ibinalik ang atensyon sa tv.

“Okay, sir.”

Hindi na siya muling nakipag-usap pa rito. Mabuti na lang at hindi ito masyadong istrikto ngayon. Itinuloy na niya ang pagma-mop hanggang sa kusina.

Mabilis lang lumipas ang oras. Ginugol niya ang natitira sa paglalaba ng mga kurtina dahil pagkatapos niyon ay lalabas na siya para makipagkita kay Cielo. Pagkatapos ng lahat ay saka siya nagbihis. Isang simpleng t-shirt at jeans. May sandals naman siya na dala kaya okay na ipares iyon sa kanyang suot.

“’Asan ka na?” bungad ng isang matinis na boses pagkasagot niya sa tawag sa kanyang cellphone.

“Palabas pa ng bahay na pinagtatrabahuan ko,” sagot niya.

“Aba! Kaybagal mong kumilos bruha. Nandito na ako sa may plaza,” wika nito.

“Hoy, bruha! Alas cuatro iyong sinabi mo. Bago pa kaya nag-alas tres. Masyado kang excited.”

Hindi na niya ininform si Sir Romnick na aalis siya. Kung sabagay, alam naman nitong aalis siya ngayong hapon.

Narinig niya ang tawa ni Cielo. “Ano ka ba? Hindi pa nga ako nakaalis ng bahay, eh.”

“Iyan ang mahirap sa’yo. Sasabihin mong papunta ka na tapos ni hindi ka pa nga nakapaghanda,” wika niya at sinundan ng tawa.

Kahit maiirita siya ay wala siyang magawa kaya’y itatawa na lang niya ang masamang nakagawian ng kaibigan.

“Oo na. Pasensya! Bye na,” wika nito.

Naiiling siyang pinutol ang tawag. Pagkarating niya sa bungad ng subdivision ay pumara siya ng tricycle para sakyan papuntang plaza. May mga nakahelirang mesa at upuan naman doon kaya doon na lang siya maghihintay kung sakaling matagalan pa si Cielo.

Hindi nga siya nagkamali at siya ang nauna doon. May mangilan-ngilang mga tao sa paligid. May mga batang nagtatakbuhan. Siya naman ay nakatungok lang at naghihintay sa bruhang kaibigan.

“Lala...”

Maya-maya’y rinig niyag sigaw. Tiningnan niya ang pinanggalingan ng boses. Isiningkit pa niya ang mga mata dahil sa sinag ng araw. Si Cielo nga.

Tumatakbo ito patungo sa kinalalagyan niya.

“Ang aga mo, bruhang Lala...” wika nito nang humahagikgik. Sumalampak ito sa upuan na nasa kanyang harap.

Sumimangot siya. “Ang tagal mo nga!”

“Sorry na. Pinaghandaan ko talaga ang pagkikita natin dahil may pupuntahan tayong hindi pa natin napuntahan.”

Saka pa lang niya napansin ang suot nito. Kumikilap ang palda na kulay royal blue dahil sa mga sequence at pinaresan ito ng off-shoulder na blouse na kulay puti. Naka-lipstick din ito na malimit nitong ginagawa.

Napakunot ang kanyang noo. “Ano? Baka naman may masama kang balak. Huwag mo na akong idamay.”

Hinawakan siya nito sa braso at ngumisi. “Wala... Magba-bar lang tayo!”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Bar? May pera ka ba?”

“Oo at ililibre kita!”

“Saan naman galing ang pera mong iyan?”

Baka naman kinuha nito ang mga limos para sa lola nito.

“Oy, alam ko ang iniisip mo at nagkakamali ka. Bigay ito ng mga relatives kong mayayaman na galing abroad noong libing ni lola.”

“Bakit mo naman iyan gagastusin sa walang kwentang bagay?”

“Bruha... once in a lifetime lang ‘to. At saka may malaki akong tinabi para sa aming pamilya. Kung hindi tayo pupunta ngayon, hindi na siguro ako makakapunta kahit kailan.” May himig na lungkot ang boses nito.

Hindi niya alam kung sasang-ayon siya. Hindi naman kailangan ang ganitong bagay. Pero gusto rin niyang makita kung ano ang hitsura sa loob ng club. At kung hindi siya sasama sa libre ngayon, paniguradong wala na ring mag-aaya sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at tumango. “Tara!”

Agent XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon