Chapter 1: Meeting Her

1K 44 28
                                    

3 years later...

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Agent X sa Ninoy Aquino International Airport na mula pa sa Moscow Domodedovo Airport. Ipinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim. Parang ngayon pa lang ay nagsisisi na siya kung bakit niya tinanggap ang bakasyong ibinigay sa kanya ng NBI director na si Mr. Panfilo Lorenzana.

“Enjoy your stay in the Philippines,” ani ng stewardess na nakangiti habang nakapirmi ang mga kamay sa tiyan.

“Yeah, thanks!” Tugon niya at nilampasan na ito. Hindi naman mabigat ang dala niyang bag dahil dito pa siya sa Pilipinas bibili ng mga damit na kakailanganin niya. Pagkatapos  kasi ng kanyang misyon sa Russia ay dumiretso na agad siya rito. May ibinigay namang pocket money sa kanya ang direktor kaya hindi siya nababahala.

Sumakay na siya ng taxi pagkalabas at nagpahatid sa naturang subdivision na tutuluyan niya. Binayaran na niya ang driver saka bumaba. Nakita niya ang numerong nakapaskil sa gate. Unit 356 ang nakalagay doon. Tumatango-tango siya habang sinuyod ang panlabas na anyo ng kabuoang bahay.

Nang narinig na niya ang ugong ng taxi palayo saka pa niya naisipang pumasok sa loob. May dala naman siyang susi dahil binigay iyon ng gwardiya sa kanya no’ng papsok na sila. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang binuksan ang ilaw dahil malapit na ring magdidilim. Humilata siya sa malaking sofa sa sala at ipinatong ang mga paa kahit na hindi pa siya nagtatanggal ng sapatos. Ang kanyang bag naman ay pinabayaan lang niya sa carpeted na sahig.

Hindi niya ipagkakailang napagod siya sa biyahe. Masakit pa ang kanyang puwet dahil sa matagal na pagkakaupo niya sa eroplano. Kailangan niya pa palang maligo. Gusot ang kanyang mukha na bumangon. Pagod na siya at gusto na niyang matulog ngunit alam din niyang hindi rin siya makapagpahinga ng maayos kung hindi presko ang kanyang katawan.

Nagsimula na siyang magtanggal ng butones sa kanyang longsleeve na suot. Siya lang naman mag-isa rito kaya komportable siyang maglakad ng walang saplot sa katawan. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanyang magiging kwarto ng mahubad na niya ang kanyang pang-itaas na damit. Sabi do’n sa nakita niya blueprint na ipinadala sa kanya ni Mr. Lorenzana noong siya ay nasa Russia pa, ang master’s bedroom ay nasa gawing kanan. While unzipping his pants ay naglakad siya patungo roon.

Nang nasa tuhod na niya ang kanyang slacks ay nakarinig siya ng isang matinis na sigaw ng babae sa kanyang likuran. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Bumulaga sa kanya ang isang babae na nanlalaki ang mga mata. Ang isang kamay ay nakatakip sa bibig nito habang ang isa ay nakahawak sa sandok. Ang bilugan nitong mga mata ay nakatuon sa kanyang pulang boxer shorts na nakabalandra ngayon dahil nakababa ang kanyang slacks.

“Fuck it,” matunog niyang mura. Dali-dali siyang yumuko para ayusin niya ang pang-ibabang suot. Pero bago pa niya iyon magawa ay nakalapit na ang babae at pinaghahampas na ang dala nitong sandok sa kanyang balikat na pilit niyang sinasalag.

“Magnanakaw ka! Bastos ka! Umalis ka rito!” Bawat binibitawan nitong salita ay isang hampas ang kanyang natatanggap.

Sa impact ay napaupo siya sa sahig at hindi niya naayos pa ang ang kanyang slacks. Ginamit niya ang kamay upang salagin ang bawat hampas na ibibigay nito sa kanya. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi niya ito mahuli-huli.

“Shit! Stop it, young lady!”

“Estap? Hindi ako e-estap! Kung anong masama mong balak ay huwag mo nang ituloy, bastos ka!”

Napanting ang kanyang tainga sa salitang bastos dahil paulit-ulit niya itong narinig sa sabihin ng babae. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin noon pero kailangang may gawin siya upang matigil na ito sa kakahampas.

Agent XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon