Chapter 14: Holding Hands

619 26 6
                                    

Araw ng Linggo, maagang gumising si Larissa sapagkat plano niyang magsimba. Maaga niyang sinimulan ang paglilinis ng bahay para maaga rin siyang makapaglaba. Hindi naman masyadong marami ang kanyang lalabhan at gagamitan din niya ng washing machine para madali niya itong matapos at hindi gaanong nakakapagod.

“Do you have plans for today?” Nagulat siya nang marinig ang boses sa kanyang likuran. Hindi niya aakalaing pupunta sa laundry room si Sir Romnick.

“Y-Yes, sir. I’m going to a-attend mass and then I will go home,” sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng soap powder sa washing machine.

“Time?”

“8 o’clock, sir.”

Tumango-tango ito. Akala niya aalis na ito ngunit may isang tanong pa pala ito na hindi niya inaasahan. “Can I go with you?”

Muntik na niyang mabuhos lahat ng powder sa gulat. Ano raw? Sasama ito sa kanya? Nanlaki ang kanyang mga matang napatingin dito. Ang mukha nito ay walang kaemo-emosyon na para bang natural lang para rito ang tanong na iyon.

“W-Why?” iyon lang ang tangi niyang nasambit.

Nagkibit-balikat ito. “I’m here for a break and I like to go around places I’ve never been.”

Napakunot-noo siya. May mga panahon nga na umaalis itong mag-isa pero bakit ngayon gusto pa nitong sumama sa kanya?

“Wait for me. I’ll be ready in less than half an hour,” wika nito. Hindi na siya nito hinayaan pang makasagot dahil nawala na agad ito sa may pintuan.

Wala sa loob siyang natawa. Maghahanda ito in 30 minutes, eh alas seis pa lang ng umaga. Kung ganoon, ito ang maghihintay sa kanya dahil hindi pa siya nakaligo at nakabihis, maglalaba pa siya. Kaya minadali na niya ang paglalaba at inilagay agad sa dryer ang mga damit.

Hindi nga siya nagkamali. Naghintay ito ng halos isang oras sa kanya. Halata sa mukha nitong bagot na kakaupo sa sala.

Nagsuot siya nga pantalong maong at itim na t-shirt na pinaresan niya ng sneakers na puti. Nang ma-satisfy sa kanyang hitsura sa harap ng salamin ay saka pa siya nagpasyang lumabas. Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat pa siyang nandoon si Sir Romnick nakatayo sa harap.

“I was about to knock. Are you ready?” wika nito.

“Y-Yes, sir. Sorry for m-making you wait.”

Hindi nito sinagot ang sinabi niyang iyon bagkus ay tumalikod na ito at nauna nang naglakad palabas ng bahay. Nang masigurong locked na ang main door ay saka pa siya sumunod rito. Tumigil ito sa kalagitnaan ng paglalakad at lumingon sa kanya.

“Shall we take the car?”

Saglit siyang napaisip. Maraming tao ngayon sa labas ng simabahan at baka mahirapan itong mag-park. “It’s okay if we don’t bring it, sir.”

“All right! You may lead the way,” wika nito at pinauna siya.

Tahimik lang sila habang naglalakad palabas ng subdivision. Mabuti na lang at may jeep agad siyang nakita. Hinawakan niya ang kamay nito para hindi ito magmukhang nawawalang bata. Pinara niya ang jeep habang lihim na naghihintay na magalitat bawiin ang kamay. Wala rin naman itong reaksyon sa mukha kaya hindi niya alam kung galit ito o hindi.

Nang huminto na ang jeep sa tapat nila ay nilingon niya ito. “Bow your head if you’ll enter,” wika niya at binitawan na ang kamay nito para siya ang mauna na sumakay. Hindi naman masyadong puno.

Sumunod naman ito sa kanya at tumabi ng upo. Napaigtad naman siya nang inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga.

“How many minutes will it take?” bulong nito.

“Ah... more or less 15 minutes,” wika niya.

Huminto na naman ang jeep sa isang grupo ng mga kabataan na mukhang magsisimba rin o kaya ay gagala sa mall. Tatlo ang umupo banda sa kanila kaya mas lalo siyang napapasiksik kay Sir Romnick. Dalawa naman ang sa tapat. Tiningnan niya ito at naabutang nakatingin din ito sa kanya. Binigyan niya ito ng paumanhing-ngiti.

Napansin niyang kanina pa nakatingin sa kanyang amo ang mga babae na nasa tapat nila. Sumisenyas ang mga ito sa mga kaibigan nitong nakaupo katabi niya.

Napabuntong-hininga siya. Kunsabagay, mahirap balewalain ang kagwapuhan ng nilalang na ito. Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at pinatong sa tuhod nito. Pilit niyang binabawi ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito.

Muli ay bumulong ito sa kanya. “I didn’t complain when you held my hand earlier.”

Napalunok siya. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib. Bakit ba may pahawak-hawak pa siyang nalalaman kanina? Ginawa lang naman niya iyon kasi hindi nito gamay kung paano mag-commute. Eh, ito? Anong rason nitong hawakan ang kamay niya.

Napatingin siya sa mga babae na nasa kanilang tapat. Dismayado ang mga mukha nitong napatingin sa kanya.

“May jowa na!” bulong ng babaeng katabi niya sa katabi rin nito.

“Hayaan mo! Magbe-break din ang mga iyan,” tugon ng isa.

Hindi niya alam kung bakit naririnig niya ang bulong ng mga ito. O ‘di kaya’y sinadya talaga upang marinig niya.

Napapikit siya sandali nang magtawanan ang mga ito. Ganoon na lang ba siya kapangit at hindi babagay sa kanya ang isang tulad ni Sir Romnick? Tsk!

“How much is the fare?” bulong sa kanya ni Sir Romnick.

Tumikhim siya bago sumagot. “Ten pesos per person.”

“God! I don’t have coins,” wika nito.

“I have. I will pay for you,” tugon niya.

Babawiin na sana niya ang kamay na hiinahawakan pa rin nito para sana kukuha ng pera ngunit umiling–iling ito.

“Use the other hand.”

“O-okay.” Kahit nagtataka ay sinunod pa rin niya ang sinabi nito.

Kumuha siya ng beinte at inabot doon sa mga babae. “Pakiabot po kay manong driver...” wika niya ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.

“Give that to me,” wika ni Sir Romnick.

Nang ito na ang kumausap ay agad na namang tinanggap ng isa at inabot sa driver. Napailing siya. Bakit ba ganito ang mga tao? Kapag ibang lahi o medyo may itsura, binibigyan ng special treatment.

Nang makababa na sila ng jeep ay hinawakan muli nito ang kanyang kamay. “i don’t want to get lost.”

Huminga siya ng malalim at hinayaan na lamang ito.

“Bruha!”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya nang makita si Cielo ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Andres na katabi nito.

"Anak ng—"

A/N: this chapter is unedited. And also check out my new poetry book 'Dead Poet's Secrets' and give me your feedback. Thank you so much everyone!

And while waiting for an update here, kindly check my werewolf story 'Carpe Diem'and tell me what you think about it.

Thank you!

Agent XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon