Chapter 25

2.7K 67 40
                                    

Chie’s Note: Hello mga cute! :D Nakakatuwa yung mga comments niyo sa Chapter 24. Hihi. Hindi man ako makareply, binabasa ko naman sila and you guys makes me really HAPPY. :D Um. Malapit na pong matapos ang AKKS. I just want to say a big THANK YOU sa lahat ng nagbasa, sumuporta, naiyak at naaliw sa story na ‘to. Hihi. Sa final chapter na lang full speech ko ne? hihi. Don’t worry, may naka-antabay na kong next story, and I’m hoping na sana tangkilikin niyo yun just like sa AKKS. :3 Hindi ko na kayo paiiyakin, pakikiligin ko naman kayo tulad sa Love Precaution. ^_^ Hihi. O sige, awat muna dun. Let’s hit Chapter 25! Enjoy reading wonderful readers~ ^___________^

P.S: Si Jung Shin sa kanan. He cut his hair. Bagay pa rin naman e. :"> hihi. He has that expression sa isa sa mga scenes dito. Hulaan niyo. :3 ---->> Play the vid if you like, yan pinapakinggan ko habang ginagawa ang UD na 'to. ^^

Chapter 25

~ Yvette’s POV

                Hm… B-Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?... Pagdilat ko puro puti lang ang nakikita ko. Hala… nasa langit na ba ko?! O_O Hindi pwede! T^T Assuming naman ako na pagnamatay ako tanggapin ako sa langit ng kabod-kabod. Waaah. Pero Lord, sana po pagbuksan po Niyo ako ng Inyong kaharian. *fingers crossed*

                Sa pagkaka-alala ko kasama ko si Kuya sa puntod ng mga magulang namin, nakausap ko pa nga si Omma at Appa e. Tapos… Pagkatapos nun… H-Hindi ko na maalala yung mga kasunod na nangyari. Teka nga, nasaan ba ako?

                Binaling ko ang tingin ko sa kanan ko, nakita ko si Kuya nakaupo at nakatitig lang sa akin pero mukhang walang buhay yung tingin niya.

                “Yong Hwa oppa…” tawag ko sa kanya pero hindi siya umimik, patuloy lang siyang nakatingin sa akin. Mukhang malalim ang iniisip niya ah?...

                Pagtaas ko ng kamay ko, naka-suwero pala ako. Hm… Bakit naman kaya? Napatitig ako sa suwero ko na may halong pagtataka at pinipilit kong isipin kung ano ang nangyari. Ano ba yan, ang sakit naman sa ulo mag-isip! >3< Nabagok kaya ako?...

                Pagtaas ng tingin ko kay Kuya, nakita ko na lang na may tumulong luha sa mga mata niya. Hala. Bakit umiiyak si Kuya?! May problema kaya siya?...

                Ginala ko ulit yung tingin ko sa buong paligid ko at doon ko napagtanto kung nasaan ako. Nasa ospital ako. P-Pero bakit?

                Tumingin ako kay Kuya, “O-Oppa, did I collapsed again?” tanong ko at tango lang niya ang natanggap kong sagot.

                Shemay namang utak ‘to oo! Naman e. Gumana ka na! T^T Mula sa puntod nila Omma napunta ako dito sa ospital kasi nahimatay na naman ako. Ibig sabihin… Nabaling yung tingin ko kay Kuya, at nagulat ako sa isang bagay na napagtanto kong alam na niya.

                Tumingin sa akin si Kuya at lumapit ng pagkakaupo sa akin, hindi pa rin nagbabago yung expression ng mukha niya. Nung malapit na siya sa akin, napansin ko rin na may pagka-mugto ang mata niya…

Ang Kuya kong Sikat (A CN Blue Fan Fiction)Where stories live. Discover now