Chapter 17

3.3K 60 18
                                    

Chie’s Note: Annyeong haseyo! *bows* So, eto lang nakayanan ko. TO ERR IS HUMAN *nods* Hihi. Enjoy reading mga love na love kong readers kong mga CUTE! Yieee. :*

P.S: Si Burning Jong sa kanan! Hoho! :D Dedicated sa kanya, dahil nobela ang tinext niya sa akin kabagi, 'di ba dongsaeng? :3 Me is fluttered! :D Hihi.

Chapter 17

~ Yvette’s POV

                “Shame, kumusta diyan sa Pilipinas?” tanong ko sa kanya. Ngayon na lang kami ulit nakapag-usap e. Matagal-tagal na rin yung huli naming pag-uusap, kaya na-miss ko ng bongga ang aking Boicefriend! :3 Hihi.

                “Eto, wala pa ring pag-unlad. Haha! Oh, diyan sa South Korea?” sabi niya at mukhang wala na siyang ibang ginagawa pa. Weekend nga pala. Hay… Nakakulong na lang kasi ako dito sa dorm ng CN Blue e, kaya hindi ko na namamalayan ang pagpapalit ng araw! xD Haha!

                “Eto, patuloy ang pag-invade ng Korean Pop sa buong mundo! Haha! Chos. Shameeee!! Grabe… Dalawang linggo na yata akong walang kalabas-labas dine sa dorm ng CN Blue! >3<”

                “Kawawa ka naman, Yvette… Uwi ka na dito kasi sa Pinas. Nami-miss ko na yung pagsasabi mo sa akin na may ka-ewanan kang nafi-feel…” at halata ko namang may lungkot sa boses ni Shame.

                Nagbuntong hininga ako, “Shame… Hindi naman ganon kadali akong makakauwi ng basta basta diyan sa Pilipinas e. Hm… Ipagdasal mo na may Bluestorm this year, para magkita tayo!” sabi ko at sabay smile sa kanya.

                “Okay. Talagang ipagdadasal ko yun! Mag-aalay pa ako ng itlog sa Poon kung kailangan e!”

                “Shame, itlog? Para yun sa huwag umulan! Ano ka ba?! Haha!” sabi ko at talagang natawa ako sa kanya. E, hindi kasi magaling sa mga ganong bagay si Shamela, nagsalita ako noh? xD Haha!

                Napakamot ng ulo si Shame, “Ay… Oo nga pala. Hehe! Hoy huwag ka! Malay mo umulan sa Bluestorm?! Abay, mas mabuti na ang maagap!”

                “Haha! Oo na. Sige na. Mag-alay ka ng isang tray na itlog ha?” sabi ko sa kanya.

                “Oo naman! Ayoko yatang ulanin ang concert ng CN Blue noh! :p” sabi ni Shame with matching hair flip ang berat kong Boicefriend. xD Haha!

                “Shame---“

*GROWL*

                “HAHA! Ano ba naman yan Yvette! Hindi pa rin nagbabago yang tunog ng gutom mong tiyan! Hindi ka pa kumakain noh? Nako! Lagot ka kay Tita Yolly!! Susumbong kita na nagpapalipas ka ng gutom! Lagot kaaaaa!” takot sa akin ni Shame with matching ‘lagot ka’ hands. Chura! Haha!

Ang Kuya kong Sikat (A CN Blue Fan Fiction)Where stories live. Discover now