MPMMN:20 ACQUAINTANCE PARTY PT.2

Start from the beginning
                                    

" You're blushing. " yumuko ako ng maramdam ang lalong pamumula ng pisngi ko.

" My baby is blushing so cute." humalakhak ito saka ako tinignan ng mariin.

Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love

Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for

Napasabay na ako ng tuluyan sa kanta. Nangingiti itong pinagmamasdan ako kaya tinaasan ko siya ng kilay hanggang sa nakangiti kaming parehong sumasabay sa kanta.

" Ang ganda ng moment niyo ni Willert kanina ah. Parang may sarili kayong mundo." natawa ako.

" Magsabi ka nga. Anong nangyari sa inyo ha? bakit bigla kang nawala kanina." kita ko ang paniningkit ng mata ni Kristina.

" Saka na lang, tinatamad akong magkuwento." ngumiti ako.

" Ihhh ano nga yon?! ang blooming ng ngiti mo! Inlababo ka no?!" pinanlakihan ko siya ng mata.

" Shhh, huwag ka maingay."

" Inlababo nga ihhh. Basta magkuwento ka ha. Marami ka ng utang sa akin."

I nod my head ," Yes zerr!".

Nakaupo na lamang kami at hindi na tumayo para sumayaw. Nasa likod ko si Willert na kanina pa nakasimangot habang nakaakbay ang braso sa sandalan ng upuan ko.

Natatawa na lang ako sa tuwing makikita ang itsura niyang parang batang pinagkaitan ng laruan.

Tumayo ako at kita kong nakasunod ang tingin niya sa bawat galaw ko.

" Punta lang ako sa restroom." paalam ko.

" I'll go with you." akma na siyang tatayo ngunit pinanlakihan ko siya ng mata.

" Maghintay ka na lang dito." umingos ito saka nakakunot noong tumango. Cute eh? natawa na lang ako.

Diretso lamang ang lakad ko patungong restroom. Nang makitang ako lang ang tao ay isinara ko ang pintuan at dumeretso sa sink.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin, nakangiti ito sa akin. Tama nga si Kristina masyadong maganda ang ngiti ko para sa gabing ito.

Inayos ko ng konti ang damit kong nagusot.

Naghugas ako ng kamay at pinatuyo ito.
Nakatunganga ako sa salamin ng may biglang pumasok sa loob.

Sa akalaing istudyante lamang iyon na magccr ay hindi ko na nilingon pa.

" Beautiful." bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto at pagtunog ng lock.

Bigla akong nataranta at namawis ng husto. Heto na naman ang kabang sa isang tao ko lamang nararamdaman.

" S-sir, a-anong ginagawa mo dito." napaatras ako ng humakbang ito palapit. Sa mismong pag atras ay nasagi ko ang bag ko at nahulog ito sa sahig.

Ngumisi ito at mabilisang naglakad papunta sa akin.

" S-sir maling restroom a-ata ang napasukan n-niyo." hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Alam kong isang atras na lamang at malamig na tiles na ang sasalubong sa akin.

" Tama lang Ms. Malford, ikaw talaga ang sadya ko. Napaka ganda mong bata." halos mangilabot ako sa klase ng tingin na ibinibigay nito.

Bahagya nitong niluwangan ang suot na necktie at bigla na lamang hinaplos ang braso ko.

" S-sir bitawan niyo ako!" ilang beses na akong napalunok at nangingilid na ang luha ko sa sobrang takot na nararamdaman.

Ibang Sir Apollo ang nakikita ko ngayon. Nakakapangilabot ang mga ngisi niya at tila may demonyong sumapi sa katawan niyo.

" S-sir, b-bitawan niyo ako! parang a-awa niyo na!" tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa mata ko.

Pumikit ito pagkatapos ay dumilat din. Bahagyang mapula ang mga mata nito, ibang ibang ekspresyon ang ipinakita niya. Bakas ang pagtitimpi at galit lalo na ang kahibangan.

" T-tulong! sir! b-bitawan niyo na ako!" pilit ko nagpupumiglas sa mga hawak niya. Humalakhak ito ng pagkalakas lakas at nag echo sa buong cr.

" Magugustuhan mo ito Ms. Malford wag kang mag alala."

Halos maubusan ako ng dugo ng maramdaman ang kamay nito sa may bandang hita ko.

Pilit kong nanlaban at itulak siya ngunit talagang sadyang bato  ata ito at hindi man lang natinag.

" Wag ka ng lumaban. Wala kang magagawa."

Natayuan ako ng lalamunan at ilang beses ako umiling. Nanginig ang  binti ko sa takot.

Oh no...no...please...

" T-tulong! t-tama na sir, n-nagmamakaawa ako." hindi na matigil sa pag agos ang luha ko.

Nandidiri ako sa minsang kinilala kong mahusay na guro.

Pilit niya akong hinahalikan sa balikat habang pilit ko itong tinutulak palayo.

Hinang hina na ang katawan ko. Hindi ko na kayang sumigaw dahil alam kong paos na ako.

Panay ang iling ko para hindi niya mailapat ang labi sa akin.

Kinabahan ako lalo ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Lalo na ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at pilit na inilalagay sa taas ng ulo ko.

" S-sir wag p-please...." napahikbi na lamang ako.

Shit! iyak na ako ng iyak pero wala man lang akong magawa. Nagagalit ako, napupuno ng hinanakit ng puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko na ito kaya pa.

Huminga ako ng malalim.

" WIILEERRRRT! TULUNGAN NIYO AKOOO!" inubos ko na ang lahat ng boses ko sa mga oras na iyon.

Hindi na ako nanlaban pa, ramdam ko ang mga halik niya sa aking leeg. Puros pandidiri na lamang ang nararamdaman ko.

Isang malakas na kalabog ang nakapagpatigil sa lahat . Nanghihinang tumingin ako sa pintuan at halos masira ito.

Bigla na lamang tumilapon si Sir Apollo. Pinagmasdan ko ang taong may gawa nito. Bakas ang matinding galit na nakasidhi sa kanyang mukha.

Napadausdos na lamang ako pababa sa malamig na tiles. Nakita ko ang bulto ni Kristina na patakbong lumapit sa akin at agad akong dinaluhan.

Bigla niya akong hinagkan kaya napaiyak na lamang akong muli. Basag basag na ang mukha ni Sir Apollo. Nakarating na rin sila kuya at mababakasan mo rin ng galit ito.

Inabutan ako ni Kristina ng tubig. Dali ko itong ininom dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Hindi pa rin ako makapagsalita.

Puno ng tuyong luha ang pisngi ko.Hindi ko man lang magawang pakinggan ang mga sinasabi nila.

Kausap na ni Willert at Kuya ang mga pulis. Saglit na natigil ang party dahil sa pangyayari ngunit agad ding ipinagpatuloy. Hindi na kami tumuloy pang muli sa loob.

Ramdam ko ang sobrang pagod. Isang bisig ang humagkan sa akin para yakapin. Pamilyar ang amoy ng pabango niya at hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ito.

Bahagya akong kumalma, ramdam ko ang pagdampi ng kanyang malambit na labi sa noo ko.

" He'll pay for this." seryosong usal nito habang pinagmamasdan ako. Kitang kita ang pag igting ng panga nito dahil sa galit.

Mula sa malayo, kasama ang mga pulis ay nakita kong nakatanaw sa amin si kuya at seryoso kaming pinagmamasdan.

Kinausap pa sila ng  pulis bago kami umuwi. Tulala lamang ako buong biyahe. Kahit magsalita ay hindi ko magawa sa sobrang pagod.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now