"Maybe next time. I am going to meet someone." aniya na muling tumingin sa akin. "Nice meeting you again Samantha. Enjoy your date." aniya sa amin bago tuluyang umalis.

Naiinis na tinignan ko si Tres nang makaalis si Margaret. "Bakit hindi mo sinabing pinsan mo siya!"

"Hindi mo naman tinanong." aniya na natatawa.

"Given na yon! You should have told me! Nakakahiya!"

"Its alright wife. Mabait yon. Wag ka kasing selos ng selos!" aniya na iginiya akong muli sa mesa namin.

"Letse!" angil ko sa kanya na ikinatawa niya lalo bago nagpagiya papunta sa mesa namin.

Pagdating namin sa mesa ay mabilis ding naiserve ang pagkain namin. Masyado akong gutom kaya hindi ko muna pinansin si Tres. Nakafocus ang atensyon ko sa pagkain. Malapit na kaming matapos ng tumunog ang Cellphone niya.

Kumunot ang noo niya bago sinagot ang tawag.

"Alas." umpisa niya. "What?! Damn you Alas! Saan mo naman dadalhin si Carissa?!....... Damn you asshole!....... Kapag may nangyaring masama kay Carissa ay hindi kita mapapatawad!..... Let me talk to her then!.......Hello? Carissa? What did he do to you?..... Damn it! Nasaan ba kayo? Pupuntahan kita..."

Nabitawan ko ang hawak kong kubyertos na lumikha ng tunog kaya napatingin si Tres sa akin. Pinigilan ko ang pagdaloy ng emosyon sa sa mata ko. Sino ba talaga si Carissa? Gaano ba siya kaimportante para magalit ng ganito si Tres sa kausap niya?

Tumingin si Tres sa akin bago tinapos ang tawag. "Are you done?" may pagmamadaling wika niya.

"S-Sino yon?" tanong ko sa kanya.

"An Asshole." sagot niya na kuyom ang kamao. Iniiwas ko ang tinigin ko sa kanya at huminga ng malalim. Para bang sinasakal ang puso ko.

"Wife, I just need to go somewhere. I'll drop you at your parents house." aniya na nagsimula ng tumayo ngunit nanatili akong nakaupo. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Jealousy is eating me slowly at lahat ng matinong kaisipan sa utak ko ay unti-unting kinakain.

"Wife." tawag niyang muli. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"You can go. Uuwi akong mag isa." malamig na tugon ko.

"I'll drop you to your parents house." matigas na wika niya at hindi na ako binigyan ng pagkakataong tumutol dahil tumalikod na siya.

Muli akong huminga ng malalim at pinigilan ang pagpatak ng luha ko. Walang kibong sumunod na lang ako sa kanya. Parang nawala lahat ng lakas ko at hindi ko na kayang makipagtalo pa.

Pagdating namin sa sasakyan niya ay mabilis niyang pinaandar iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa bilis ng pagmamaneho niya.

"T-Tres slow down!" sigaw ko sa kanya na napakapit pa sa sariling upuan ko.

Huminga naman siya ng malalim at bahagyang lumingon sa akin bago binagalan ng konti ang pagpatakbo niya.

Ganoon siguro talaga ka-importante sa kanya ang Carissa na iyon! Masyado siyang nagmamadali para makita ito! Pati kaligtasan namin ay kaya niyang isakripisyo!

Pagdating namin sa bahay ay akmang lalabas na ako ng hindi siya kinakausap ngunit hinawakan niya ang braso ko. Tinignan ko lang siya.

May kinuha siya sa Dashboard ng kotse niya at inabot sa akin iyon. Mabilis na kumunot ang noo ko ng makita ang Cellphone ko. Nakalimutan ko na ito dahil sa dami ng nangyari. Hindi ko alam na nasa kanya pala yon.

Kinuha ko iyon at mabilis na binawi ang braso ko ngunit mas hinigpitan niya ang kapit. "I'll see you la-"

"Papasok na ako." putol ko sa sasabihin niya at malakas na binawi ang braso ko at malakas na isinara ang pinto ng kotse niya.

'Kahit wag ka ng bumalik!'

Hindi ko na siya hinintay na makaalis at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

"Ma'am Samantha!" gulat na wika ng kasambahay nang makita ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Hello Ising. Nandyan ba sina Daddy?" tanong ko sa kanya.

"Ay opo! opo! Halikana Ma'am at paniguradong matutuwa sila Sir dahil sobra na niya kayong namimiss." madaldal na wika ng katulong na naunang pumasok.

Pagtapak ko ng bahay ay muling bumalik ang ala-ala ko sa bahay namin. How I miss our house.

"Samantha!" gulat na gulat na wika ni Mommy na nasa puno ng hagdan at mabilis na bumaba papunta sa akin.

"Mommy!" hindi maitago ang tuwang wika ko at sinalubong siya ng yakap.

"Anak! Miss na miss ka namin!" naiiyak na wika niya kaya nagaya ako.

"I miss you too Mommy!" sagot ko. "Nasaan ang Daddy?" wika ko pagkakalas ko sa pagkakayap niya.

"Nasa library. Mula nang umalis ka ay lagi siya doon at tinititigan ang picture mo. Miss na miss ka ng Daddy mo." malungkot na wika niya kaya mapait akong napangiti.

"I miss him too Mommy." mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko.

Pinagsisihan ko ang mga sinabi ko sa kanya nang huling beses ko siyang nakausap. He's a good father to me. Lahat ng gusto at luho ko ay pinaburan niya. At kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. And right now I realize what kind of daughter I am. Hindi ko siya inintindi at bigla akong nagalit.

"Puntahan mo na siya. Magluluto ako ng paborito mong pagkain para sabay sabay tayong maghapunan." puno ng kasabikang wika ni Mommy kaya tumango ako.

Mabilis kong tinungo ang library at kumatok ng tatlong beses. Pinihit ko ang pinto at doon ay nakita ko siyang nakatingin sa picture namin. I smiled then enter the room.

"Daddy." tawag pansin ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya ngunit mabilis na nakabawi. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin.

"Samantha? Ikaw ba talaga yan anak?" naluluhang wika niya na tila ba hindi makapaniwala kaya tumango ako.

"I miss you Daddy. I-I'm sorry. I-I already regret the things I have said before." umiiyak na wika ko habang yakap siya.

Yumugyog ang balikat niya kaya alam kong umiiyak siya. "N-No Sam. Ako ang may kasalanan ng lahat and I deserve that. I'm sorry. Naging mahina ako at pati ikaw ay nadamay sa kagaguhan ko."

Lumayo ako sa kanya at ngumiti. "I understand you now Daddy. Alam kong ginawa mo lang ang bagay na iyon dahil iniisip mo kami ni Mommy. At first I am Mad dahil pakiramdam ko binenta mo ako but I realize that things happen for a reason." wika ko at huminga ng malalim.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa mga mata ko. "Do you love him?" bigla niyang tanong kaya naiiwas ko ang tingin ko sa kanya. Napalunok ako.

"You love him." pahayag niya kaya napayuko ako.

"I-It wasn't my plan to fall in love with him. He was rude sometimes but caring. He's sarcastic but then gentle. He's a Devil but then I was wrong because he has a heart.. Kasi kung devil, kung wala nga siyang puso ay hindi siya mag aalala sa akin. Hindi niya pagpapasensyahan sa mga tantrums ko." wika ko at tumawa ng mapait nang maalala ko ang pinagsamahan namin sa Isla.

Muli akong niyakap ni Daddy and this time kumalma ang buong sistema ko. Ramdam ko ang pamamasa ng mga pisngi ko sa hindi ko mapigilang luha.

"I understand hija." wika niya at marahang hinaplos ang buhok ko. "Alam mo ba noong sinabi niyang ikaw ang gusto niyang kapalit sa utang ko ay galit na galit ako." huminga siya ng malalim. "I want to punch him hard para magising siya sa kahibangan niya. But then I saw something to his eyes. Mabilis lang iyon ngunit alam ko kung ano yon. He like you even before you met him." patuloy niya kaya mabilis akong kumalas sa kanya at gulat na tinignan siya.

"W-What are you saying D-Dad?"

"Hindi kita ipagkakatiwala sa kanya kung alam kong wala siyang pagtingin sa iyo. Ikaw ang kayamanan ko anak kaya kahit mawala ang lahat sa atin ay hindi kita ipagpapalit. But then nakita ko sa mata niya na gusto ka niya. That's why I gamble your freedom and pray hard that it will be a successful relationship between the two of you." paliwanag niya sa akin.

May parte na gustong maniwala sa sinabi niya ngunit meron din sa akin ang ayaw maniwala. Kung gusto niya ako bakit ganoon ang reaksyon niya mabanggit lang ang Carissa na iyon? Bakit ganon na lang ang pag-aalala niya sa babaeng yon?

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now