"Take a shower wife. Anytime ay darating na ang helicopter na susundo sa atin." wika niya bago ako binitawan. Mabilis siyang lumabas ng kwarto kaya napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang singsing na nasa daliri ko.

I smiled bitterly.

***

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Tres na nasa labas na at may kausap. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang helicopter na nakalapag na. Malakas ang hangin at ang buhangin ay humahalo dito dahil sa pag ikot ng rotor blade nito.

Napalingon sa akin si Tres at ngumiti kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Are you ready?" tanong niya sa akin at hinapit pa ang bewang ko.

"Oo." sagot ko na bahagya pang ngumiti bago sulyapan ang kausap niya.

"This is Brylle my secretary. Brylle my wife." pakilala niya sa amin. Tumango ang lalaki at bahagyang ngumiti.

"Nice to meet you Mrs. Del Fuego."

"Nice to meet you." nakangiti ding sagot ko. Halos kasing tangkad ko lang si Brylle. Payat at may salamin sa mata.

"Let's go?" tanong ni Tres na ikinalingon ko sa kanya.

"Tara." nakangiting sagot ko.

Ilang sandali pa ay lulan na kami ng helicopter. Nasa harap si Brylle katabi ang piloto habang kami ni Tres ay sa likod nila.

May binabasa si Tres kaya naman hindi ko siya inistorbo. Iginala ko na lang ang paningin ko sa bintana. Hindi ko maiwasang hindi matuwa. Ang ganda ng view.

Mula dito ay kita ko ang Berdeng kapaligaran at ang asul na dagat. It's refreshing at hindi ko mapigilang hindi mangiti.

"Are you enjoying the view wife?" tanong ni Tres na mabilis kong nilingon. Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin.

Mabilis akong tumango. "Super. Ang ganda ng view."

"Mas maganda ka." dinig kong wika niya na ikinapula ng tingin ko.

"Talaga?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Yes. You're very beautiful wife." aniya na mabilis akong hinalikan. Hindi man iyon nagtagal ng limang segundo ngunit sapat na iyon upang bumilis ang tibok ng puso ko.

"M-May ibang tao." bulong ko sa kanya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya sa hiya ng makita kong nakangiti si Brylle sa amin.

Bigla siyang tumawa at bumaling kay Brylle. "May nakita ka ba Brylle?" tanong niya sa sekretarya niya kaya mas lalong nag init ang pisngi ko.

"Wala akong nakita Sir." mabilis na sagot ni Brylle.

"See wife?" aniya na mas niyakap pa ako papunta sa kanya.

Mabilis akong lumayo sa kanya at nakasimangot na tinignan siya. "I am hungry. Hindi mo ako pinakain."

"Pinakain kita. Did you forget? Umaga ka na ngang natulog dahil sa kakakai-"

"Tres!" suway ko sa kanya dahil iba ang tinutukoy niyang pagkain. Mas namula ang pisngi ko habang siya naman ay tumatawa lang.

"I'm just kidding wife. May reservation ako sa restaurant. Well' have a late lunch." aniya na muli akong niyakap kaya napangiti ako.

Hindi nagtagal ay lumapag ang helicopter sa mismong rooftop ng building na pag-mamay-ari ni Tres. Bumaba kami sa ground floor at bawat makasalubong namin ay binabati siya pero ni isang beses ay hindi siya gumanti ng bati sa mga empleyado niya.

"Aren't you going to greet back your employee?" tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa daliri niya.

We walk while holding each others hand na talagang nakapagpangiti sa akin.

"Sanay na sila." sagot niya sa akin kaya napasimangot ako.

"Kaya nagmumukha kang masungit e. Baka isang araw wala ka na palang empleyado dahil diyan." biro ko sa kanya.

"Mawala na silang lahat wag lang ikaw." aniya na kinindatan pa ako.

Pigil ang ngiting pinalo ko ang braso niya. "Bola." natatawang sagot ko sa kanya.

Tumawa naman siya ngunit hindi na sumagot. Bola lang ba talaga kaya yon?

Pagdating namin sa lobby ay pinakuha niya ang sasakyan niya. Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Para kasing pamilyar ito sa akin.

"I've been here." wala sa sariling wika ko.

"Saying something wife?"

"Nanggaling na ako dito. Two years ago." nakangiting wika ko habang nakatingin sa kanya. "Hinihintay ko si Daddy dito. Naalala ko kasi asikasong-asikaso ako noon ng mga empleyado dito. Alam mo bang lagi akong tinatanong ng isang empleyado dati kung ano ang gusto at kailangan ko? Binigyan pa nila ako ng chocolate at saka cupcakes. Sabi ko nga noon kapag nakatapos ako mag-aapply ako dito. Kasi may libreng cupcakes." natatawang wika ko ng maalala ko ang nangyari two years ago.

Dito sa mismong lobby. Hinihintay ko si Daddy habang nakaupo ako sa sofa ng nilapitan ako ng isang empleyado. They asked me what I need. Binigyan pa nila ako ng cupcakes. Nagtaka ako noong una pero nawala din iyon dahil naisip ko na baka accommodating lang talaga ang management at ang mga empleyado. And now thinking about it again ay muli na naman akong nagtaka. Why would they accommodate a sixteen year old girl na nakikiupo lang sa lobby nila.

"May mga pa special offer ba ang company mo noon?" natatawang wika ko.

Nagkibit balikat siya at ngumiti. "Baka nakita nila na ikaw ang magiging future wife ko kaya inasikaso ka talaga. Ayaw nilang matanggalan ng trabaho." biro niya kaya natawa din ako.

Nang dumating ang sasakyan niya ay mabilis kaming lumulan doon at nagtungo sa restaurant kung saan siya nagbook ng reservation.

Five star hotel ito at mukhang pang mayaman talaga.

"This way Mr. Del Fuego." sabi ng waitress na sumalubong sa amin.

Magkahawak kamay parin kaming naglalakad ng pareho kaming mapahinto.

"Tres!"

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now