Napaisip naman sandali ang lalaki. "Meron ata pero kung gusto mo pwede naman tayong dumaan sa malapit na grocery store para makabili ng pagkain na gusto mong lutuin at para sigurado na kumpleto ang lahat kapag nagluto ka na."

"Okay."

At dumaan nga sila sa isang grocery store bago sila tuluyang nakarating sa bahay ni Jax. Pagpasok nila ay dinala na siya kaagad ni Jax sa kusina nito.

Habang naghahanda siya sa lulutuin ay nagpaalam ito na may tatawagan. Tumango lang siya at naging busy uli sa ginagawa.

----

"Ano'ng kailangan mo?" walang ganang tanong ni Eira. Tumawag kasi sa kanya ang kapatid niyang si Jax.

Gabi na kaya ano'ng kailangan nito sa akin?

"Guess who is in my house right now?" dinig niya ang excitement sa boses ng kapatid ng sabihin nito iyon sa kanya. Nainis tuloy siya dahil inistorbo lang siya nito para doon. Malamang andoon ang girlfriend nito at nagmamalaki na naman ito sa kanya. Kasi ito may kasintahan na tapos siya wala pa!

"Wala akong pake kaya ibaba ko n--"

"Wait!"

Hindi niya natuloy ang pagbaba ng tawag dahil sa lakas ng boses nito.

"Rose Santos is in my house right now. Nagluluto siya ng pagkain at gusto sana kitang imbitahan. Panigurado kasi na hindi ka pa nakakakain ngayong gabi dahil for sure nasa harap ka na naman ng tambak-tambak na mga papeles."

Pagbanggit pa lang ni Jax sa pangalan ni Rose ay nagka-interes na kaagad siya sa sasabihin ng kapatid niya. At ng sabihin ni Jax na nagluluto ito ng pagkain ay nagdesisyon na kaagad siya na magpunta sa bahay ng kapatid na katapat lang ng bahay niya. Hindi na niya pinakinggan ang iba pang sinabi ng kapatid.

Tumayo na kaagad siya mula sa pagkakaupo at kumuha ng manipis na blazer at sinuot iyon.

Tumakbo kaagad siya papunta sa bahay ni Jax. At isang ring lang sa doorbell ay bumukas kaagad ang pinto.

Napangisi ng patago si Jax sa nakitang ayos ng ate niya. Naka-bun ang buhok nito at nakasuot pa ito ng salamin, indikasyon na kakagaling lang talaga nito sa pagbabasa ng mga papeles. Nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan ng itim na blazer na pinaresan naman ng jogging pants nito, nakarolyo pa yung sa kanang binti nito na umabot malapit sa tuhod, tsaka nakasandals lang ito.

Hindi ka naman excited sa pagpunta dito, Ate.

Kitang-kita nga na nagmadali ang ate niya sa pagpunta sa bahay niya. Kinompirma lang nito ang hinala niya na may interes nga ang ate niya kay Rose.

Looks like magiging sister-in law ko talaga si Rose.

"Tara pasok ka, Ate." Tsaka niya ito ginuide papunta sa kusina. Umupo silang dalawa malapit sa counter.

Hindi napansin ni Rose ang pagbalik ni Jax lalo na ang pagdating ni Eira. Nakatalikod kasi ito at busy sa nilulutong mechado.

"Ito na Bo----"

Natigilan si Rose pagharap niya ng counter. Imbes kasi na si Jax lang ang makikita niyang nakaupo malapit doon ay katabi nito ang ate nito na si Quinn Eira.

Nang makabawi siya ay inilapag niya sa harap ng mga ito ang ulam na niluto niya.

"Hindi ko alam na pupunta rin po kayo, Miss Saavedra. Pasensiya na kung ito lang ang niluto ko."

"It's okay."

Napatingin naman si Jax kay Eira. Hindi siya makapaniwala na yun lang sasabihin ng ate niya.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon