"Medyo may kalayuan ang bahay nila. Maglalakad ka lang ng kaunti at may makikita kang pila ng tricycle. Sabihin mo lang na sa Sitio Dulo at kay Aling Wendy at alam na iyon ng driver." paliwanag niya at napatango tango ako.

"Salamat po." malumanay kong saad at tumango naman siya.

"Hindi ka ba nabibigatan sa dala mo, hija?" marahan niyang tanong nakatingin sa maleta ko.

"Hindi naman po, ayos lang." sabi ko kahit may kabigatan nga iyon pero kaya ko pa naman. Malapit na rin naman at makakarating na ako kila Nanny Wendy at makakapagpahinga.

"Salamat po, ulit." paalam ko sa matanda at saka na siya nilagpasan. Magsisimula palang akong maglakad nang may lumapit sa aking mga binata na nakasuot ng manipis na long sleeve at pantalon. Tatlo sila at ang isa ay napapakamot pa sa ulo habang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako kinabahan dahil mukhang wala naman silang mga balak na masama. Mukha pa ngang nahihiya at mag-aalinlangan sila.

"Miss, kailangan mo ng tulong? M-Mukhang mabigat iyang dala mo, tulungan ka na namin." sabi ng nasa gitnang lalaki at namula pa ang pisngi ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Ah, ayos lang naman. Nakakahiya baka may ginagawa pa kayo." marahan kong pagtanggi.

"H-Hindi. Tapos na kami sa trabaho. P-Pauwi na nga kami ng mapansin ka namin." iyong nasa kanang lalaki.

"Hindi ka naman namin puwedeng pabayaan. S-Saan ba ang tungo mo?" ang lalaki sa kaliwa.

"Sa Sitio dulo sana, iyong kay Aling Wendy." sagot ko at mabilis na nagsitanguan sila na parang alam kung saan iyon.

"Ah, iyong kila Kairus ba. Tamang tama at malapit kami roon. Kung gusto mo ihatid ka na namin." iyong nasa gitna ulit at mukha namang mababait sila at mapagkakatiwalaan.

"Kung ayos lang sa inyo at hindi ako nakakaisturbo."

"Naku wala naman kaming gagawin."

"'Wag kang mag-aalala wala lang sa mukha namin pero wala kaming balak na masama."

"Hindi naman po iyan ang iniisip ko." nahihiya kong sabi.

"Oh tara, ihatid ka na namin. Magdidilim na rin at baka mas mahirapan ka pa." ani ng nasa gitna at kinuha na nila mula sa pagkakahawak ko ang mga maleta.

"Ako nga pala si Nestor, ito si Tonyo tapos si Mario." pagpapakilala ni Nestor sa kanilang tatlo at napatango tango ako.

"I'm Kayeziel." marahan kong saad.

"Pang sosyal ang pangalan ah. Unang beses mo bang pumunta rito? Mukhang galing ka pa sa malayo sa rami ng dala mo." bahagya naman akong kinabahan sa tanong ni Tonyo.

"Galing po akong Maynila, pansamantala po muna akong mananatili kila Na--Aling Wendy." napatango tango naman sila.

"Kamag-anak mo ba siya?" si Mario.

"Uh, malapit na kaibigan ng Tita ko."

"Oh? Ang bait bait talaga ni Aling Wendy noh. Bakit ka mananatili sa kanila kung.... puwedeng malaman?" nag-aalinlangan na tanong ni Nestor. Sandali naman akong natigilan.

"K-Kakatapos lang kasi ng eskuwela at bakasyon na kaya rito muna ako." naisip kong palusot.

"Kung ganoon para sa bakasyon kaya ka narito? Naku, hindi ka nagkamali na pumunta! Maraming puwedeng paglibangan dito!" si Tonyo.

"Puwede mo kaming lapitan lagi! Maalam kami sa buong Isla Vagues! Malapit lang ang bahay ko kila Aling Wendy." si Mario at pasimple siyang siniko ni Nestor na simaan niya ng tingin at natawa ako saglit.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now