Kinuha ko ang mga gamit sa bahay ni Lolo, walang nagbago sa itura nito maliban na lang sa mga mamahaling gamit na pag mamayari na nga ni Gareth. Tinulungan din ako ni Gareth na magbuhat at may time na nagdikit kami, noong nasa hagdan kami ay naramdaman kong huminga siya, wierdo ba na iniisip kong inamoy niya ako? Oo, wierdo na nga, ilusyonada. Inamoy ko pa nga ang sarili ko, hala siya.


Napalingon si Gareth sa tokador ni Isabella sa hindi kalayuan. Tama siya ng hinala, simpleng pulbos lamang iyon at cherry flavor na pabango.


Hunyo 1, 2005

Naniniwala ako saiyo, Isabella.

Ang sarap pakinggan. Hindi ko akalain na maririnig ko pa iyon sa lalaking hindi ko naman ganoon pa katagal na kilala.


Lumunok si Gareth at hinaplos ang naturang sulat. Nais niyang maramdaman ang diin ng pagkakasulat ni Isabella sa mga katagang iyon.

Ang sumunod na pahina ay ang pinakahuling sulat ni Isabella.


Hunyo 4, 2005

Bumalik si Wojtek. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.May kaunti pa akong pag-hanga sakaniya? Ewan.

Oo nga pala, hindi ko nanakaw ang halaman ni Gareth. Ang sarap ng kape niya! Gusto ko ngang isuhestyon na magtayo siya ng sarili niyang coffee shop.

Medyo naiilang pa ako sakanya. Hindi naman ako na-ooffend or natatakot sa titig niya, pero hindi ko talaga matagalan titig niya saakin.Normal bai yon?


Walang tunog na isinarado ni Gareth ang planner at ibinalik ito sa kinalalagyan.

Sunod niyang nilapitan ay ang banyo. Hindi na siya nag atubiling pumasok dahil nasa pintuan pa lamang ay amoy na niya kaagad ang shampoo at sabon na ginagamit ni Isabella.

Lumabas ang ngipin ni Gareth at binasa ang kanyang labi. Amoy sanggol.

Isang malalim na hinga ang ginawa ni Gareth at pinagmasdan ang buong kuwarto. Inaabsorba niya ang enerhiyang iniwan dito ni Isabella, gayundin ang amoy nito.

Bumaba ang tingin niya sa kama nito. Hinaplos niya ang unan na hinihigaan ng dalaga at pagkaraan ay bumaba upang amuyin ito.

Naliligo siya bago matulog konkluda ni Gareth nang maamoy ang shampoo ni Isabella sa unan.

Matapos noon ay nilapitan niya ang closet ng dalaga. Malinis at organisado ang pagkakalagay ng mga damit nito. Nakatupi ang mga pambahay nito sa ibaba, habang ang mga pang-alis ay naka hanger.

Ang nakaagaw sa atensyon niya ay ang sketchpad na nakasandal sa kaliwang bahagi ng closet.

Kinuha niya ito at tinignan ang laman.

Hubad. Puro nakahubad na obra. Purong katotohanan.

Isang matandang lalaki na may hawak ng baril. Nakatutok ito sa isang tupa. Ngunit may isang babae na nakahubad rin. Nakayakap ito sa hayop.

Nakasigaw ang ekspresyon ng lalaki. Wari ni Gareth ay pinapaalis nito ang babae mula sa pagkakayakap sa tupa ngunit masyadong malambot ang puso ng babae.

Inilipat ni Gareth sa sumunod na pahina. Isang batang babae na nakahubad, may yakap na manika sa dibdib upang matakpan ang dalawang harap nito. Nakatingin ito sa basket sa unahan na siyang nagsisilbing takip sa pagkababae nito.

Napansin ni Gareth ang pagkakatulad ng basket sa kinuha ni Isabella mula sa bahay niya.

Iginala ni Gareth ang bawat detalye sa naturang guhit. Ang manika at ang basket ay harang dahil hindi pa alam ni Isabella ang buong katotohanan. Sa mga naalala niya, ang dalawang bagay lamang na ito ang tanging clue ng dalaga.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now