CHAPTER 9

127 39 0
                                    


Second Chance - Chapter 9




"Megan, hindi ka pa ba natatauhan dyan sa asawa mo?" tanong sa akin ni Leah.




Andito siya ngayon sa bahay dahil hindi naman ako nakakalabas ng bahay. Pinagbabawalan ako ni Steven.




Ilang taon na nga ba? Ah, oo. Dalawang taon na ngayon. Sa dalawang taon na yon ay tila ako naging isang alipin. Lahat ng gusto ni Steven ay sinusunod ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya.




Hindi pweding lumabas ng bahay ng hindi nagpapaalam, hindi pweding makipag-usap sa mga lalaki, hindi pweding kwestsonen ang mga bagay-bagay. Yan ako sa nakalipas na taon.





Pero alam mo yong mas masakit?





Yon yong, pwede naman akong umalis sa puder niya pero hindi ko kaya. Naiisip ko pa lang na lalaking walang ama si Sofia, nasasaktan na ako. At lalo na, hindi ko kayang iwan si Steven. I can't live without him.





"Meg, tulala ka na naman diyan." kuhang pansin ulit ni Leah.



Andito kami sa living room at nakaupo sa sofa. Nakaupo ang dalawang taong gulang kong anak sa kandungan ni Leah habang inaaliw nito ang bata.



"Ano ulit yon, Leah?" tanong ko.




"Hay nako. Iwan ko ba sayo at napaka-martyr mo. Sinasaktan't binabaliwala ka na nga ng asawa andito ka parin at nagtatyaga." inilagay nito si Sofia sa mat kung saan ang mga laruan nito at lumapit sakin kung saan ako nakaupo at hinawakan ang dalawa kong kamay na nasa kandungan ko.


Alam kong bakas sa mukha ko ang lungkot, sakit, pangungulita at takot sa mga nangyayari ngayon. Kailan nga ba ako huling nakapagmall kasama si Leah? Hindi ko na masyadong matandaan.






"Megan..... Sinasabi ko to sayo hindi bilang kaibigan mo lang. Sasabihin ko to sayo bilang isang kapatid, dahil kapatid na ang turing ko sayo." nakatitig lang ako sa mga mata ni Leah. Kita ko ang nagbabadyang luha dito.





"Can you give your self a break? Kahit ngayon lang, Megan. Kasi alam mo, hindi na ikaw to." tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Leah at ganon din ako.






"Leah naman." napaiwas ako ng tingin sa kanya.





"Alam mo bang gusto kong bugbugin si Steven dahil sa mga ginagawa niya sayo? Tingnan mo nga yang braso mo, ang daming pasa." hinila ko ang suot kong loose t-shirt para matakpan ang mga pasa ko sa braso.



"Hindi naman niya sinasad...." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat si Leah.




"Anong hindi sinasadya? Makita ka lang na may kausap na lalaki, sasaktan ka na agad? Sumusubra na ata siya Megan." kita ko sa mukha ni Leah ang galit.





Tama, sinaktan na naman ako ni Steven. Noong isang araw, may nagtanong sa akin sa labas ng gate na isang lalaki. Nagtatanong ng address dahil naliligaw ito. Kinausap ko ang lalaki at itinuro ang tamang direksyon. Nang paalis na ang lalaki ay siya ring pagdating ni Steven. Nakita niya ang lalaki at nag-aalab ang mga mata nito sa galit. Lumabas si Steven sa kotse at kinaladkad ako papasok ng bahay. Magpapaliwanag palang ako pero isang malakas na sampal na agad ang sumalubong sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng subrang higpit hanggang sa bumabaon na ang mga kuko nito pero hindi ko magawang magreklamo. Dahil kapag nagsasalita pa ako, mas malala pa ang aabotin ko.


Noong nagdalawang buwan na kasi si baby Sofia bumalik na si mommy Stella sa state.




Kaya ngayon, may mga panibagong pasa na naman ako. Tila nasanay na nga ang katawan ko sa pananakit niya sa akin. Akala ko, nang makita ko siyang umiiyak sa crib ni Sofia, magiging okay na ang lahat. Pero hindi.



Second Chance (On-going)Where stories live. Discover now