CHAPTER 5

138 50 0
                                    


Second Chance - Chapter 5

Three months had past. And I'm 5 months pregnant now. When mommy Stella knew about me baring a child is so priceless.

3 months na ang tiyan ko ng malaman niyang buntis ako. Nagtampo pa nga siya sa akin dahil hindi ko daw sinabi sa kanya. But at the end, namalayan ko nalang na nasa mall na kami at bumibili ng gamit para sa mga baby.


Yes! Mga....


Because Steven and I are having a twins. Subrang saya ko ng malaman ko yon. But me and Steven is still not okay.


Mas lalo siyang lumayo sa akin. Never pa niya akong nasamahan magpacheck-up sa doktor. Kapag nagkre-craves ako ng saging na kambal hindi ko siya mautusan kasi hindi siya halos umuuwi ng bahay.

Last week pa noong bumalik si mommy Stella pabalik ng State. Kailangan daw kasi siya doon ni daddy Lucas. Steven's dad. Noong nandito pa si mommy Stella sa bahay, masasabi kong civil ang pakikitungo niya sa akin. Halos araw-araw kung pinapanalangin na sana ay bumalik na kami sa dati. Yong dating kami.


At ngayon nga, mag-isa na naman ako dito sa bahay. Gusto ko sanang umalis ng bahay pero hindi pwede dahil magagalit si Steven.


Nandito ako ngayon sa sala, nahihirapan na akong tumayo dahil ang laki na ng tiyan ko. Kahit limang buwan palang akong buntis ay parang pitong buwan na ito dahil kambal nga ang ipinagbubuntis ko.

Busy ako sa panunuod ng movie ng biglang may nagdoorbell. Hindi ko sana papansinin dahil tinatamad ako, pero mapilit yong kung sino mang nasa labas. Kaya ako itong walang choice, nagtungo ako ng gate. Hindi parin kasi ako kumukuha ng katulong sa bahay. Wala naman kasing ginagawa masyado dito sa bahay.


"Oh, best. Why are you here?" takang tanong ko. Nabungaran ko kasi si Leah na humahangus dito sa tapat ng gate.


"News." yon lang ang sinabi niya at dali-dali na itong pumasok. May pinindot siyang channel sa tv and what I saw in the news hurt me.


Big time.



"HOT NEWS: One of the multi- Billioner's here in the Philippines Spotted Dating the Hottest Model Rhian Gomez." marami pang sinabi ang reporter pero wala doon ang pandinig ko.

Naka-focus ang mga mata ko sa tv kung saan, kitang-kita ko ang asawa kong masayang-masaya habang kasama ang nasabing Modelo.


"Buntis, sorry if I show it to you. Nag-aalala lang kasi ako sayo." sabi ni Leah. Kita ko sa mga mata ni Leah ang lungkot.


Tumulo ang mga luha ko. Ganito nalang ba ang role ko sa buhay? Ang umiyak ng umiyak? Masaktan ng masaktan ng paulit-ulit? Pero bakit ganon. Kahit nasasaktan ako ngayon, mahal ko parin siya.


Umiyak lang ako ng umiyak. Dinamayan ako si Leah hanggang sa makatulog ako sa kwarto.

NAGISING AKO NG alas singko ng hapon at nagluto para sa dinner. Dinamihan ko na para kung sakaling umuwi si Steven, may makakain siya.


Martyr na ba ako? Tanga na ba ako? Kasi kahit may ibang babae ang asawa ko nandito parin ako. Nag-iistay kahit nasasaktan.


Kahit anong sakit kasi dito sa puso ko, hindi naman mawawala agad ang pagmamahal ko sa kanya eh.


Habang nag-aayos ng dinner ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Steven na humahangos.

"Ho..... Megan."

Second Chance (On-going)Where stories live. Discover now