CHAPTER 15

86 17 0
                                    

Second Chance - Chapter 15





"There's no need to worry. Sofia is a brave girl. Anytime baka magising na siya." naka-hinga ako sa sinabi ni Glenn. We're in the hospital for five days now at hindi pa rin nagigising si Sofia.







"Thank you, Glenn." pasasalamat ko sa kanya.




Nilapitan ko si Sofia sa hospital bed at hinawakan ang kamay niya. Si Glenn naman ay kinakausap si Steven. I don't know if they are back being friends pero nakikita ko, okay na naman sila kung mag-usap. At kaming mag-asawa naman, Steven and I are still the same. Ako na mismo ang umiiwas sa kanya. Nagkakausap lang kami kapag tungkol kay Sofia ang usapan.








"Baby, wake up. Mama is waiting for you. You know, mama is sad, I want my little Sofia comfort me. So wake up now." hindi ko naiwasang tumakas ang isang butil ng luha ko. Miss na miss ko na ang anak ko. I miss her voice, her laugh, her smile, her calling me mama and everything about her. I miss her so much kahit limang araw palang na hindi siya gumigising. It felt like years now.








"Hon." hindi ko namalayan, nakalapit na pala si Steven sa akin. I think tapos na silang mag-usap ni Glenn.







He sat beside me. He also caress Sofia's hand where my hands is.






"I know you don't want me here......" panimula niya. Hindi ako kumibo, kahit na gusto kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.








"I know its too late for "I'm sorrys".... I know I hurt you physically and emotionally." he look at me with sadness, guilt, longing and hurt.






"The damage is already done, Steven. Hindi na natin maibabalik kung ano man ang nangyari noon." lakas loob kong binawi ang kamay kong hawak niya.






"I know...... I know......" napasabunot siya sa kanyang buhok. Wala akong ginawa kung hindi ang tingnan lang siya.










"I already decided Steven. If you really are sorry. Please... Just give me time and space to search myself. Ngayon ko lang naisip, masyado tayong naging mabilis. Hindi pa pala natin kilala ang isa't isa. Dalawang taon palang tayong magkasintahan nagpakasal agad tayo." buo na ang desisyon ko.








"W-what do you mean?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kung ano man ang sasabihin ko.







"Kapag ayos na si Sofia, aalis muna kami. Huwag kang mag-alala, hindi na ako magpafile ng annulment. Hindi naman basta-basta nawawala ang pagmamahal diba? Kahit ganito ang nangyayari sa atin, mahal na mahal pa din kita. Ang gusto ko lang, lumayo. Mag-isip-isip at hanapin ang sarili ko." hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Gusto kong pangatawan ang desisyon kong ito.






"M-megan...."






"M-ma-ma.."




Hindi natuloy ni Steven ang sasabihin niya ng marinig kong nagsalita si Sofia. Nang tignan ko siya ay nakamulat na ang mga mata nito.








"B-baby." hindi ko malaman kong ano ang dapat gawin. Maski si Steven ay parang timang din na hindi alam kung anong dapat gawin.








"Steven, call Glenn please." utos ko kay Steven.





"MAAYOS ANG VITAL sign ni Sofia. Wala namang kahit anong damage sa kanya. Baka within this week makauwi na din kayo kapag tuloy-tuloy ang recovery niya." explain ni Glenn. Mabilis na nakadating si Glenn sa room ni Sofia at ito siya ngayon. Sinasabing ayos na ang lagay ng anak ko.




Second Chance (On-going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن