CHAPTER 7

117 43 0
                                    

Second Chance - Chapter 7


Napatili ako sa gulat. Nang tingnan ko kung sino ang gumawa non ay para akong natulos sa kinatatayuan ko.

"S-steven." halos pabulong na wika ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong magpaliwanag na mali ang nakita niya. Na wala kaming ginagawang masama ni Glenn.

His eyes is flaming with anger. Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay parang bumalik na naman ang Steven na walang ekspresyon na makikita sa mga mata.



"So, this is what happened when I'm out of the picture." nakangiti ito ng mapait. Bakas sa mukha niya ang sakit.

Gusto kung lapitan si Steven para sabihing nagkakamali siya pero natatakot ako.


Umagos ang mga luha ko. Ano na naman ba to?


"Bro." magsasalita sana si Glenn ng sinuntok ulot siya ni Steven sa mukha at sikmura. Hindi lumalaban si Glenn kay Steven.


"Don't call me that asshole! Ano? Pinag-uusapan niyo ba ang tungkol sa mga anak niyo?" nanlumo ako sa mga narinig ko galing kay Steven.


Akala ko ba, wala na. Na tapos na kami tungkol sa kung sino ang ama ng kambal. Akala ko ba, tanggap na niya. Ano na naman ba ito?

"H-hon."

"DON'T! call me that, Megan." putol sa akin ni Steven.

Inangat pa niya ang kanyang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. Puno ng lamig ang mga katagang sinasabi niya.


"Stev..."


"Aahhhh." bigla akong napatili ng bigla nalang sinuntok ulit ni Steven si Glenn ng subukan nitong tawagin ang pangalan. Ngayon ay hindi na niya tinitigilan sa pagsuntok si Glenn. Nasasalag ni Glenn ang iba sa mga suntok pero lamang ang tumatama.


"H-hon, tama na!" pag-aawat ko kay Steven. Nilapitan ko sila.


Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Steven. Bigla nalang niyang winaksi ang kamay kong pumipigil sa kanya dahilan ng pagtumba ko.


Napakalakas ng pagkakabagsak ko sa sahig. Randam ko ang masidhing kirot na bumalatay sa balakang ko. Pero kahit ganon ay sinundan ko parin sina Steven at Glenn na kinakaladkad ang huli palabas ng bahay.


Nasa tapat na ako ng pinto ng hablutin ni Steven ang balikat ko na walang pag-iingat paakyat ng hagdan.


Ang sakit-sakit ng balikat at tiyan ko pero mas masakit ang puso ko.


"H-hon. S-steven, n-nasasaktan ako." pagrereklamo ko pero parang wala lang iyon kay Steven. Bulag siya sa galit na nararamdaman niya ngayon na wala namang dahilan.


"Kailan pa, Megan? Talaga bang ginagago niyo ako? Binigyan na kita ng isang pagkakataon pero, ginago niyo parin ako!" dumagundong ang boses niya sa loob ng bahay. Nanginginig ako sa takot, hindi takot para sakin kung hindi para sa mga baby.



"H-hon, wala n-naman kaming g-ginagawang masama ni G-gle...... Ahhh." naputol ang pagpapaliwanag ko ng bigla nalang niya akong pabalyang tinulak sa kama.



Ang sakit-sakit. Mas lalong sumigid ang kirot sa tiyan ko. Pag-angat ko ng tingin sa kanya ay yon din ang pagdapo ng isang nakakabinging sampal niya sa mukha ko.



"Ah! Ahhhh! S-steven." inangat ko ang kamay kong maraming dugo. Ang sakit-sakit ng tiyan ko.


I saw horror in his face. Natulala siyang napatingin sa akin, sa kamay kong puno ng dugo.


Second Chance (On-going)Where stories live. Discover now