CHAPTER 4

129 49 0
                                    

Second Chance - Chapter 4



Dalawang linggo na akong hindi umuuwi ng bahay. Pagkatapos kung umalis ng hospital nagtungo ako agad sa bahay ng bestfriend ko.

She's leaving alone in her condo unit. Kaya kahit nahihiya ako, dito ako nagtungo. I don't want to go home, dahil masasaktan lang ako doon. Ayoko munang makita si Steven.


Sariwa pa ang mga nangyari sa hospital. Kung paanong kayang patayin ni Steven ang sarili niyang anak. Akala ko, magiging masaya siya kapag nalaman niyang magiging ama na siya. Kabaliktaran pa pala ang nangyari. Napaluha ako sa mga naiisip ko.


"Hoy, buntis. Anu na namang iniiyak-iyak mo dyan?" napalingon ako kay Leah. Siya ang bestfriend ko na andyan palagi. Pasalamat talaga ako at nandito siya palagi para sa akin.


"Asan na ang pinapabili ko?" iniba ko ang usapan at pasimpling pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Tss. Kung hindi lang kita bestfriend at hindi ko inaanak yang nasa sinapupunan mo, hindi kita tatanggapin dito." pasungit na sabi niya. Naupo siya sa sofa kung saan ako nakaupo. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis eh. Loves kaya ako niyan. Hahaha

"Sus, ang sabihin mo, wala ka naman ng ibang bestfriend maliban sa akin. " pabiro ko siyang nilambing. At yong baliw naman nag-iinarte. Binatukan ko nga.


"Aray! Nakakarami kana saking buntis ka ha. Oh! Nahirapan akong maghanap ng saging na may kambal hah." sabi niya sabay abot sakin ng pinabili kong saging sa kanya.

Iwan ko ba kung bakit saging ang pinaglilihian ko. Eh ayaw na ayaw ko pa naman ng saging. Kay Steven lang naman na sag...


Ay naku-naku Megan. Nagbuntis ka lang nagiging mahalay na yang isip mo. Kastigo ko sa isip ko. Saka may tampo ka pa sa kanya, baka nakakalimutan mo.


"Thank you, bestfriend." sabi ko kay Leah at sinimulan ko ng lantakan ang saging na may mga kambal. Iwan ko, ayaw ko ng saging na iisa lang. Gusto ko, saging na kambal. Ganito ba talaga kapag buntis?



MASARAP ANG TULOG ko ng marinig kong nag-iingay ang doorbell. I look for my phone to know what time is it. 11:37 a.m na pala, hindi pa ako nakakapaglunch. Wala dito ngayon si Leah dahil may trabaho siya, kaya ako lang mag-isa dito sa condo.


Napakunot nalang ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bibisita sakin. O baka naman kakilala ni Leah?

Pupungas-pungas na binuksan ko ang pinto ng condo ni Leah. And to my surprise....... Bigla nalang akong niyakap ng kung sino.


"I miss you, sweety." napakunot ang noo ko. Why is she here? Kailan pa siya nakauwi galing State?


"Are you not happy to see me?" may himig pagtatampo ang sabi nito.

"M-mommy." nauutal na sabi ko. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Sa mga oras na ito ay para akong nakahanap ng kakampi. Tumulo ang mga luha ko.


"Did you miss me that much na naiyak ka pa?" natatawang sabi ni Mommy. Ang mommy ni Steven. Ngayon ko lang din napansin na kasama ito ni Mommy Stella.

"I heard from my son na may tampuhan daw kayo? Ki bago-bago niyo palang na mag-asawa may tampuhan na agad." nilagay ni mommy Stella ang mga takas na buhok ko sa tainga.

Pinapasok ko sila ng condo ni Leah. Tiningnan ko si Steven para sana magtanong pero hindi siya tumitingin sa akin. He's avoiding my gaze.

"Are you not eating properly, ija? Nangangayayat ka." sweet sa akin si mommy Stella dahil, wala daw siyang anak na babae. Kahit mahirap lang ako, hindi naging hadlang yon para tanggapin niya ako sa pamilya nila.

Second Chance (On-going)Where stories live. Discover now