Chapter 13: Indifference

948 35 6
                                    

Maxine's POV

Hindi naman kasi gano'n lang 'yon. Ang immature lang na hindi niya muna inalam ang side ko bago manakit. Dinamay pa niya si Mark. I'm just stating the truth and the truth is wala siya sa tabi ko kaya hindi niya alam ang mga nangyari. Wala siyang alam.

"Sorry, bal."

Ang kulit ng isang 'to. Hindi pa rin pala siya umalis. Kanina pa 'to nandito. Nakatulog na ako't lahat, narito pa rin siya.


"Look, Jude, I'm sick! Sabi mo hintayin kita, 'di ba? Ilang oras na ba ang lumipas? Wala ka pa rin doon. Umulan na't lahat, pagsasarahan na ako ng gate lahat-lahat, ni hindi ka manlang marunong magtext? Ano gusto mo ako pa magtext at magpasalamat?" sambit ko. "E'di salamat, ha? Next time sabihin mo agad kung hindi ka na makakapunta para hindi na ako naghihintay." ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa mukha. I hate it here!


"Tapos kanina, pupunta ka dito at biglang susuntukin si Mark!? Malamang hindi mo makikilala, wala ka nga kasi dito. Dapat nga umuwi na 'yon kagabi pa pero nagpaiwan siya dito para lang mabantayan ako," dagdag ko pa.


"Nagselos lang naman ako kasi iba pa rin 'yon. Lalaki siya babae ka." katwiran niya.


"Naiintidihan ko 'yang nararamdaman mo and I am not invalidating what you feel. Ang sinasabi ko lang, your response is not valid. Sana inalam mo muna. Wala ka bang tiwala sa akin?"


"I have."


"Iyon naman pala eh! Bakit sa simpleng bagay na 'yon nagseselos ka?"


"Kasi—" pumikit siya at huminga ng malalim. "I saw you hugged him."


Natawa ako sa sinabi niya. Talaga 'tong isang 'to! Pinilit kong hindi ipahalata na natatawa ako, dapat galit ako, pero ang cute kasi! Halatang-halata na namumula siya dahil maputi siya. Pagdilat niya agad akong naging seryoso para hindi niya mahalata.


"Nagpasalamat lang naman ako sa kaniya kasi sa halip na ikaw ang nasa tabi ko noong oras na 'yon, siya ang narito, siya nag-alaga sa akin," paliwanag ko. I only hugged Mark kasi nagpaalam na siya na aalis, hindi rin namin alam kung kailan ulit namin siya makikita.

"Ngayon, paano mo ipapaliwanag yung ginawa ni Hailey sa'yo? I saw her kissed you." Nakataas na kilay na tanong ko. Hindi ko pa rin iyon nalilimutan. Mas malala nga 'yon. Hindi sa nagpapalalaan kami ng ginawa, I still gave him a benefit of a doubt.


Halata sa kaniya ang pagkagulat. Hindi niya rin siguro inaasahan na malalaman ko ang tungkol doon.

"Kasama mo siya 'di ba? Kaya ka nga wala sa tabi ko? Okay lang naman sa'kin, Jude. Makikinig ako basta magsabi ka lang ng totoo," mahinahon kong pahayag.


Sa halip na magpaliwanag, nakakabinging katahimikan ang kaniyang naging tugon.

"What?" medyo iritable kong tanong nang tumagal ang katahimikan na iyon sa loob ng limang minuto.


"Jude, ano ba?! Nakakainis ka naman! I'm letting you explain pero ayaw mo magsalita! Bakit ha? Bakit ginawa ni Hailey ang bagay na 'yon? Iyon na ba 'yung sinasabi ni Cassandra na bet!?" tumataas na ang boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Mukha na kasi akong tanga.


"It's not a bet. I love you so much, Maxine and I mean it. Iyong mo na ginawa ni Hailey 'di ko gusto 'yon, she forced me to."


"Huh? Anong she forced you. Siraulo ka ba!?"


Niyakap niya ako ng mahigpit. "Ginawa ko 'yon because I want to protect you," he whispered. Tuloy-tuloy naman sa pagtulo ang luha ko.


The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon