Chapter 12: Complicated

885 35 1
                                    

Jude's POV

Gabi na hindi pa rin nag me-message si Max. Nakalimutan ko kasi expired na pala load ko at sarado na rin ang mga tindahan dito.

Ano ba naman 'yan, hindi manlang maisipan mag text. Nagpalit lang ako ng damit nang maalala ko makikitext nalang ako kay ate.

"Ate!" tawag ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Siguro nakikinig 'yon ng music at nakasalpak na naman ang kaniyang headset.

Tinawag ko pa siya ng isa pang beses bago niya buksan ang pinto.

"Problema mo?" masungit niyang tanong.

"Pahiram naman ako phone mo, makiki-text lang," sabi ko, mukhang antok na antok pa siya.

"Wala akong load bukas mo na siya i-text okay? Pwede na ba ulit ako matulog?" iritable niyang tanong, mukha siyang zombie dahil sa eyebags niya.


Ang ewan ni ate.


"Bakit break na ba kayo ng boyfriend mo? Sungit mo ah?" tanong ko pero tinaasan niya ako ng kilay. Ayaw mo ako pahiramin ha, sige.


"Tingin ko tatagal na lang kayo ng 2 months," pang-iinis ko kaya lalo pa niyang tinaasan ang kilay niya.


"Four kaya!" sabi niya.

"Four months?" dagdag ko. Tumalikod siya at pabagsak na sinara ang pinto ng kaniyang kwarto, "FOREVER!"


Abnormal na ata 'yon. Iyan ang napapala niya kakapanood ng mga drama sa tv. Isa pa 'tong problema ko, hindi ako makapag-message. P'wede naman mag-text siya na nakauwi na siya o ano. Hindi 'yong pinag-aalala niya ang tao.



***


Papasok na ako hindi ako makakasabay sa kaniyang kasi maaga ang practice.

To: Bal

Sorry 'di ako naka text kahapon ha? Wala na ako load. Did you arrive home safely yesterday? I'm so sorry bal. 🙁


Almost 1 hour na ang nakalipas pero wala pa rin ako na tanggap na reply niya, galit nga siya. Tampururot.

Malapit na matapos ang practice nang makita ko naman si Hailey na umiiyak. Hindi ko sana lalapitan kaso tinutulak ako ng konsyensya ko. Kargada de konsenya ko pa siyang makitang gano'n.


"Hailey is everything okay? Bakit ka umiiyak?"

"Don't mind me, I know you are busy. You won't help." Tatayo na sana siya ng bigla siyang natumba mabuti at nasalo ko. Nawalan na siya ng malay. Agad ko siyang binuhat at dinala sa clinic. Ini-advice ng school nurse na iuwi siya sa bahay nila.

Nang magising na siya ay nagpahinga muna siya saglit para makauwi na rin sa kanila. Pagbukas niya ng gate walang tao? Wala ba siyang kasama dito sa bahay nila?

"Mag-isa ka lang ba lagi?"

Tumango siya. Tapos ay pinapasok na ako sa bahay nila. Sobrang tamlay niya tignan, "I'm okay. Mag miryenda ka muna."


"You're lying ang init mo. Ikaw ang kumain para makapagpahinga ka na. Sasamahan kita," sambit ko. Did I just say that word? Huminga ako nang malalim ar inalis nalang ang mga pangit na iniisip. I know Maxine would understand, tinutulungan ko lang naman si Hailey, wala naman kaming ginagawang masama.


Tumango siya. "Thank you."


"Nasaan lagayan ng bimpo dito pati 'yong mga gamot?" I asked pero tinawanan niya pa ako bago ituro kung nasaan nakalagay.

"Ikaw masyado ka. Parang hindi kapa nakatungtong dito sa bahay dati ah? Kinalimutan mo na talaga lahat, 'no?" natatawang sambit niya. Hindi na ako umimik.

Kumuha ako ng bimpo para mailagay sa noo niya. Ang init niya kasi sobra. Makakatulong iyon para humupa ang nararamdaman niya.



____

Hindi ko na namalayan ang oras, nakatulog pala ako sa upuan. Paggising ko nakita ko si Hailey, nakatingin lang at nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit ka natulog?" tanong niya.

Wow. Ako na nga tumulong siya pa galit? Naka tulog lang naman ako saglit. Hindi na ako sumagot sa tanong niya.


"Bakit ang bait mo? Doon ka na sa girlfriend mo, kailangan ka no'n ngayon," sambit niya.

Napuno ng question mark ang mukha ko. "Huh?"

"What? Hindi mo knows? May sakit si Max, 'di nga siya pumasok ngayon eh."

No'ng una hindi ako naniwala, pero bigla akong kinabahan kaya tumayo ako at nag-ayos paalis na ako.

"Thank you sa pag-aalaga, ha?" aniya bago sinundan ako sa gate habang paalis.

Hay!

Pagdating ko sa bahay nila Max, I was about to call her when I saw the door open. Didiretso na sana ako ng pasok when I saw her with someone.

Kayakap niya. Pumasok ako nang saktong napatigil sila at napatingin sa akin. Lumapit ako sa lalaki at agad 'yon na sinuntok.

"JUDE STOP IT!" malakas na sigaw sa akin ni Max habang nakahawak sa ulo niya.

"Sino ka ba, p're!? Inaano ka ba!?"

"Gago ka pala eh! Boyfriend niya ako!" singhal ko. Tumaas lalo ang tensyon sa pagitan naming dalawa kaya pumagitna sa amin si Max.

"Stop it please!? Jude, bestfriend namin siya!" sagot ni Max.


Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa gagong lalaking nasa harap ko. Gusto ko basagin ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita pero naiirita ako sa presensya niya. Hindi maganda ang tagpo namin. Putangina talaga.

"So gano'n? Bestfriend mo siya kailangan yakapin ng gano'n! Lecheng best friend naman 'yan?!" singhal ko.

"Bakit mo binibigyan ng malisya? Alam mo ba ang dahilan? Inalam mo ba kung anong nangyayari. Ikaw, ano bang problema mo!?" tumataas na ang boses ni Max. I can sense that this situation is not going well. Ayaw kong magalit siya sa akin at ayaw ko na mag-away kami pero it seems like it's happening.


"Magkaiba kasi 'yon, Max. Lalaki siya iba 'yon. Anong malay ko tsina-tsansingan ka ng kupal na 'yan?"


"Hoy! Hindi ako gano'n!" alam nito.

"Ganiyan ka talaga mag-isip? Hindi mo kasi alam dahil wala ka. Gano'n lang ka simple 'yon." Umakyat na si Max sa kwarto niya at nagpaalam na rin 'yong bestfriend niya sa kaniya.

Gusto ko sana siya sundan kaso mainit ang ulo niya, papalipasin ko muna 'yon pero hindi pa ako uuwi.

___


"Hey," rinig kong sambit ng babae na pamilyar ang mukha. Kinusot ko muna ang mata ko para makita ko ng malinaw.

"Hey! Jude, bakit ka natulog d'yan sa upuan?" sita ni Cyan na mukhang kakauwi lang ng bahay nila.

"Nawalan ka ng higaan? OMG. Pinalayas ka na ba sa inyo!? Tinakwil ka na ba ng magulang mo o nalaman mo na ampon ka? Shocks." Iyan na naman si Lorraine and she's being hysterical.

"Quiet. May kasalanan 'yan kaya gan'yan." saad naman ni Cyan, nang-aasar pa nga!

"Mag so-sorry na nga," sambit ko. Inulit kong muli kasi hindi magandang pakinggan, "Nandito ako para mag-sorry."

"You know what? Boys are complicated." naiiling na komento ni Lorraine.


"Really complicated," dagdag na sang-ayon ni Cyan.


But girls are complicated too.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon