Chapter 3: To admire you

2.2K 69 3
                                    

Maxine's POV

Maaga kaming pumunta ng school dahil may meeting kami with our department head. Nakausap na rin nila ang parents namin about sa tuition, miscellaneous, pati na rin sa rules and regulations ng school. They sent everything to them via email. Nang sinabi ko 'yon kay Lorraine parang nagalit ata siya.

"I don't care kung anong reaction nila doon, gusto lang naman nila magtrabaho, 'di ba?" rant niya. Hinayaan na muna namin siya na magpalamig ng ulo. Hanggang ngayon ang laki pa rin ng tampo niya sa magulang niya. We know where she is coming from and we understand her frustration.


"Good morning po!" bati naming tatlo nang makapasok sa department office.


"Hi, girls! Good morning!" Kaharap namin ang dean ng school. Mukha siyang masungit kung titignan pero noong nagsalita na, parang mabait naman siya at approachable.


"It looks like you're excited to meet your new classmates here. Is that right?" ngiting-ngiti niyang sambit.

"Yes po. Excited na nga po ako," Cyan replied.

"We're happy to explore new environment po," dagdag ko habang tinitiganan ang aking card. Peke! We will see nalang, mukhang maninibago kasi kami sa bagong school na ito.

Napatingin kami kay Lorraine and she's somewhat inspecting the office, "Mukhang nakaka-excite nga po," bulong lang nito. Halatang labas sa ilong ang sinabi. Kung may totoo man na excited sa amin, si Cyan lang naman iyon.

After ng pangangamusta i-denetalye niya lamang sa amin ang ilang panuntunan na dapat naming sundin and we're all good.

"P'wede kayong maglibot muna habang wala pang bell. If you need assistance, I have my son there, he will assist you. His name is Sam Mercado," maamo niyang sabi bago kinuha ang phone, mukhang kino-contact na ang anak niya.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil wala pa ang nakatokang estudyante sa amin to give us tour, kaya si Sam nalang ang papalit pero mukhang wala rin ito. She told us, if we can wait, magpapatawag siya ng officer. In the end, nagkasundo kaming tatlo na ayos lang kahit sa ibang araw nalang or kami-kami nalang tatlo ang maglilibot.

Tumayo na rin kami at nagpaalam. Palabas na sana kaming tatlo pero bago 'yon ay tinawag ni Mrs. Mercado si Lorraine para kausapin ng kanila lang kaya nauna kaming lumabas ni Cyan. Pumunta muna kami sa may garden sabi namin kay Lorraine sama-sama kami maglilibot kaya dito namin siya hihintayin.

Ilang minuto lang ay bumalik naman na si Lorraine na dala ang busangot niyang mukha. Mukhang hindi maganda ang kaniyang timpla paglabas ng office.


"Antipatiko, kala mo naman kung sino!" Papalapit siya sa amin pero halata mo ang inis sa mukha niya kahit nasa malayo pa. Akala namin ay sa principal siya nagagalit.

"Bakit?"


"May mayabang kasi akong nakasalubong nang palabas na ako sa office tapos siya naman papasok doon, hindi ko naman sinasadya na magka-bunggo kami, pareho lang naman kaming 'di nakatingin sa daanan! Tapos kung ano-ano na pinagsasabi, kalalaking tao!" sunod-sunod na reklamo nito. Nagbiro pa akong sasaluhin ang puso niya dahil parang sa inis niya ay malalaglag na ito.

"Okay, slow down. Okay lang 'yan, normal lang 'yon. Chill ka lang. Don't ruin your first day, okay?" pagpapakalma sa kaniya ni Cyan. Tumango siya at nagsimula na kaming maglibot.

Malawak ang campus, lahat ng paligid ay malinis, pati rooms at offices ay maayos, lahat rin ay air conditioned. Kulang ang oras para sa tour at matignan ang bawat paligid ng eskwelahan. Napahinto kami sa isang gilid nang mag ring ang phone ni Lorraine.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon