Chapter 5: Best kuya!

1.8K 75 2
                                    

Maxine's POV

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Jude. Kanina pa kasi kami naglalakad, sinusundan ko lang naman siya.

"Date? Friendly date? Anything you want to call it," pilosopong sagot niya kaya tinitigan ko siya nang masama.


"Hoy! Umayos ka ha! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," singhal ko na may kasamang pagbabanta.


"Bakit? Mukha ba akong nakikipagbiruan?" seryoso at maamo niyang sabi.

"Ano ba kasi gagawin!?"

Lumakad siyang muli kaya sinundan ko nalang rin. Tignan mo 'to, Kinuha niya ako kila Lorraine at Cyan kanina tapos iiwan lang pala ako. Bakit ba kasi pumayag ako sumama dito.

"Tara! Ipapakilala kita sa little sister ko." Hinawakan niya ako sa kamay saka kami tumakbo.

Ngayon lang ako nakarating dito sa katabing school namin, puro bata naman ang mga nag-aaral dito. Building pala ng mga gradeschool.


"Wait lang, ha? Hintayin natin mag-dismiss sila," paalam niya. Tumango ako maaga pa naman 4:30 PM palang.

"Ano pangalan ng kapatid mo?" tanong ko.


"Janelle."

Hindi naman na kami naghintay nang matagal at nagbell na kaya labasan na ng mga kinder at grade school students.


"Kuya!" May lumapit na batang babae at saka yumakap sa kaniya. Ito na 'yong kapatid niya. Humarap sa akin si Janelle at binati ako. Ang cute niyang four years old.

"Baby, meet ate masungit—" sinamaan ko ng tingin si Jude. Nag-uumpisa na naman siya.

"Hi! I'm ate Maxine, you can call me ate Max," pakilala ko sa kaniya. Kumaway siya sa akin at ngumiti.

Binaling kong muli ang atensyon ko kay Jude bago siya tinanong, "Kapatid mo ba talaga 'to?"

"Oo naman, bakit?"

"Hindi kasi halata. Ang ganda kaya niya ta's ang cute cute at chubby!" saad ko habang pinangigigilan ang cute niyang kapatid.

"Bakit pogi naman ako ah? Hindi lang ako chubby. Nag g-gym kasi ako e,"

"Eh? Teka wala naman electricfan bakit ang hangin?" tawa ko. Nilalaro-laro ko si Janelle habang naglalakad kami.

Saan ba tayo pupunta?" Lumingon ako sa likod, kay Jude.

"I want eat!" sambit ni Janelle sa kuya niya. Napaka cute ng batang ito, napakalambing sa kaniyang kuya.

"You want spaghetti?" I asked tumango siya.

"I don't like a mascot with a big face, kuya told me that mascot will eat me."

"Loko ka talaga!" singhal ko kay Jude. Natawa nalang ako at tumingin sa kaniya na napakamot sa ulo. Matik na kung sino ang tinutukoy nitong bata. Mukha siyang imported kid, may angle nga na hawig sila ni Jude. At dahil ayaw ni Janelle sa pulang mascot, pumunta nalang kami sa ibang kainan. Tinakot ba naman sa pulang mascot na bubuyog.


"Wait lang ha? Mag o-order lang si kuya," maamong saad ni Jude sa kapatid niya.

Ang sweet naman na kuya nito! Nakakatuwa silang tignan. Naglalaro lang si Janelle habang nakatingin ako sa kaniya. Ang gandang bata, kung p'wede lang ito iuwi sa bahay nako iuuwi ko 'to!

Nabaling ang tingin ko sa kuya nitong batang kaharap ko. Napansin ko kasing bagay sa kaniya ang suot niya ngayon. Ang daya siya nakapagpalit siya samantalang ako naka uniform. Si Janelle naman ay nakapang P.E. uniform, parang mas mukha pa kaming magkapatid ngayon. Maya-maya rin ay bumalik na siya dala na ang foods at drinks.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon