"Basahin mo ang nilalaman niyan." Kinuha ko ito at nakitang may pangalan ko ang nakasulat sa harap ng papel. Inilabas ko iyon at sinimulang basahin.

Reinette,

          Anak, alam kong sa mga oras na mabasa mo ito ay hindi na ako ang kapiling mo. Sana mapatawad mo si Mama, anak, sa ginawa ko sayo. Ito lamang ang tanging paraan na nakikita ko para mamuhay ka ng matiwasay. Patawad kung wala ako sa kaarawan mo. At sa mga susunod pang okasyon. Anak, ibinigay kita sa ampunan dahil hindi na kaya ng ipon ni Mama na tustusan ang pangangailangan nating dalawa sa araw-araw. Kaya napagdesisyunan kong ipa-ampon ka nalang. Hayaan mo, anak. Magkikita pa rin naman tayo. Lagi kitang binabantayan sa malayo. Sa mayaman ka mang pamilya mapunta o mahirap. Sana ay matanggap mo sila ng buong puso bilang kapamilya mo. Basta tandaan mo lagi ha? Mahal na mahal kita, anak. Hindi mo man maintindihan ngayon, pagdating ng panahon ay maiintindihan mo rin bakit ito ang napili kong desisyon. Wag sana sumama ang loob mo kay Mama, anak. Gusto ko din malaman mo na natanggap ako sa isang malaking kompanya bilang janitress nila. Pag nakaipon na ako ay maghahanap ako ng mas maayos na trabaho. Mahal na mahal kita, anak.

                                                                                                                                                              Mama

Ibinaba ko ang sulat at nagsimula nang bumagsak ang aking mga luha. Grabe naman, ma? Ganda naman po ng regalo mo sakin. Nanikip ang dibdib ko sa namuong sakit at tampo sa aking ina. Binalingan ko naman ng tingin ang dalawang babaeng nasa harap ko na naluluha na rin dahil sa sinapit ko ngayong kaarawan ko.

Bakit ganoon? Pwede naman ako tumulong kay Mama ah. Maglalako ako ng mga pwedeng itinda at hindi na muna ako papasok sa paaralan. Bakit kailangan ko pa mag-isa?

Akala ko ba maligaya ang mga kaarawan? Bakit heto ako at wasak? Nag-iisa?

Akala ko ba kaya natin 'to, Ma? Bakit naging ganito?

"S-Sister... Bakit? H-Hindi ko po maintindihan, kaya naman p-po namin ni Mama gawan ng paraan..." sabi ko sabay hagulgol. Hindi ko talaga lubusang matanggap bakit ganito ang naging desisyon ni Mama.

"Naiintindihan ko si Eula, iha. Kung hindi niya ito ginawa ay maaaring magkaroon pa kayo ng utang sa ibang tao para lang may makain kayo araw-araw. Alam mo naman siguro na walang trabaho ang nanay mo at sumisingit lamang sa sideline ng kaniyang mga kaibigan diba?" paliwanag niya. Tumango ako pero parang lumabas lang sa kabilang tenga ko ang sinabi niya. 

Sarado ang isipan ko ngayon at hindi matanggap na iniwan ako ng nanay ko na mag-isa. 

Maya-maya ay medyo kumalma na ako pero hindi ko na magawang ngumiti. Sabi sa akin ni Ate Klare, may handa daw para sa akin sa central room kaya dumiretso kami doon.

Pagkadating namin doon ay pumutok ang confetti at sabay sabay silang kumanta. 

Napangiti ako ng bahagya nang makitang nakangiti sila sa akin. May isang malaking kahon sa gitna na nakabalot sa gift wrapper. Napakamot tuloy ako sa ulo ng wala sa oras.

"Maraming salamat po sainyong lahat!" nginitian ko sila pero alam kong hindi umabot sa mata ko ang mga ngiting iyon.

Nilapitan ako ni Cristoff at may ibinigay na papel. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa papel na ibinigay sa akin ni Sister Kim kanina, may papel nanaman? Tinanggap ko iyon, baka sabihin ang bastos ko kung hindi ko tatanggapin ang kaniyang sulat.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon