"Dahil instructor ka niya?" ani ni Rona na parang obvious ang sagot.

"And ine-expect mong magiging tulay mo ako?" hindi makapaniwalang sabi ko, "O baka naman nakikipag kumpetisyon ka nanaman sakin?"

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Rona sa sinabi ko, "Kung nakikipag kumpetisyon ako saiyo ngayon ay hindi kita lalapitan."

Bahagya akong napaatras dahil sa tono ng pananalita niya. Masyado kasi siyang seryoso.

Hindi sa nanghuhusga ako, pero aware ako na lumaki si Rona sa matatawag na bad neigborhood. Hiwalay ang magulang niya at alam kong hindi sila magkasundo ng ama niya. Noong una ay okay kami. Pero nang malaman ko kay Darwin na binaback stab niya ako, sinisiraan, at nakikipag kumpetisyon ay ako na mismo ang lumayo at umiwas sa gulo. 

Napahinga ng malalim si Rona, "Seryoso ako, I really like him. Itatanong ko lang kung anong klaseng lalaki siya."

"Intructor niya lang ako," ani ko habang inaayos ang strap ng bagpack ko sa balikat, "Wala akong alam sa kung anong klaseng tao siya."

Kalahating totoo, kalahating hindi. Ang totoo niyan ay sa ilang beses ko nang nakakausap at nakakasalamuha si Gareth, at dahil doon ay unti unti kong napagtatagpi tagpi ang karakter niya. Straightforward siya, mausisa, matalino, medyo harsh pero totoo, good listener din dahil hindi siya nagsasalita hangga't hindi ako tapos magkwento.

Naalala ko tuloy kung paano niya ako titigan kapag nagku-kwento ako.

Still, kahit pa alam ko ang mga bagay na iyon patungkol kay Gareth ay wala akong karapatan para magbugaw ng babae sakaniya. Malay ko bang may nobya na ito sa Maynila ng hindi ko alam? Isa pa hindi ko naman obligasyong tulungan si Rona, trabaho rin ang ginagawa kong pagtuturo kay Gareth. Hindi propesyunal kung sasamahan ko ng ganoong pakay.

"Hindi ko alam na ganiyan ka pala ka selfish," sabi ni Rona.

Gusto kong magwala sa narinig ko, pero dahil alam kong mas kaya kong habaan ang pasensya ko ay pinigilan ko ang aking sarili.

"Alam ko lang na mali ang way mo ng approach. Kung gusto mo siyang makilala, lumapit ka sakaniya. Huwag kang mag tanong saakin. Pakiramdam ko nang di-disrespeto ako ng tao," sagot ko kay Rona at nauna na maglakad.

Laking pasasalamat ko at hindi na siya sumunod pa. Nang makalayo layo ako ay nilakasan ko ang loob ko upang lumingon. 

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na siya roon at mukhang nag-iba na ng landas.

"Ano bang problema niya ngayon?" tanong ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakarating ako sa village namin sa isipin na makakapag pahinga na ako at makakaligo sa ilalim ng malamig na shower nang mapansin kong naka kandado ang bahay.

Nilabas ko naman ang cellphone ko at binasa ang messages ni Ate Jane na hindi ko pa nababasa.


06-16-2005

Ate:

Nagpacheck up ako tapos sa labas na kami kakain. 

Ate:

May susi ka ba? 


"Wala!" sagot ko sa text niya habang tinitipa ang message.

Pipindutin ko na sana ang send nang mapansin ko si Wojtek na naglalakad na may dalawang plastic sa magkabilang braso.

"Tek!" tawag ko sakaniya.

Awtomatiko siyang napalingon saakin. Agad siyang ngumiti at luminga linga sa bahay namin.

"Wala kang susi ano?" 

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now