Chapter 14 - Fans

108 15 7
                                    

Chapter 14 Fans

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 14
Fans

Ken's Point of View

Alas otso ng gabi, habang nakaupo ako sa harap ng laptop ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa tabi lang ng braso ko. Nakita ko 'yong name niya sa lock screen ko.

Si Champ. I suddenly smiled.

'What the heck are you smiling at?'

Asshole: Goodeve! :)

Me: Eve!

Hindi ko pa man naibababa ay may reply na siya kaagad. Hanep sa bilis a.

Asshole: cold lang? ginagawa mo na?

Me: bakit ba? pati ba rito ay pakialamero ka?

Asshole: susss! Nagsusungit ka na naman, sige ka baka 'di ka na tumangkad niyan! :D

Me: muka mo! Geh, tulog na 'ko!

Hindi ko na hinintay pa 'yong reply niya dahil agad akong nag-browse sa internet. May gusto lang akong malaman tungkol sa mga iniwan ko roon sa Manila.

'I miss them already.'

Nag-login ako sa facebook account ko. nang mag-load ang web page ay hindi na ako nagulat sa nakita kong umaapaw na notif at messages ko. Wala akong sinayang na segundo at agad na pinindot ang chat button at hinagilap ang group chat namin.

Scroll

Scroll

Scroll

Ang dami-dami kasing messages at nakakairita na sobra hanggang sa nakita ko 'yong group chat namin. Nagulat ako nang makitang online silang apat at ang ingay-ingay nila.

Josh: active now si Ken :)

Mitch: weh?

Mitch: ay oo nga! Sini-seen niya tayo :(

Kris: @Ken woi! Nagtransfer lang seener na? reply din 'pag may time!

Josh: true :D

Ngunit itong si Raze ay gaya ko lang din na nagsi-seen lang kaya hinayaan ko na muna silang mag-ingay. Kahit naman na naroon pa ako sa Manila ay ganito na 'tong si Raze, never pa 'yan nagreply dito even sa personal, para siyang pagong kung tinuktukan. Subalit, nanganga ako nang makitang nagta-type siya.

Raze is typing...

Hinintay ko ng ilang sandali kaso mukhang wala naman siyang balak magtype.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon