"Wow. Say it again?"sabi niya habang nakangiti. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"I love you, Calvin"ulit ko.

"I love you too my wife"sagot niya at hinalikan ako. Nagtagal nang ilang segundo ang halikan naming 'yun.

"Mamaya na natin ituloy. Kailangan muna nating pumunta sa pupuntahan natin ngayon"sabi niya at tumayo. Kaya agad din akong bumangon at inayos ang magulo kong buhok. Hindi ko alam kung saan nga ba talaga kami pupunta ngayon. Dahil ayaw niyang sabihin sa akin.

"Maligo ka na. Magbibihis lang ako"sabi niya at pumunta sa walk in closet. Agad kong sinunod ang utos niya. Pumunta ako sa banyo para maligo na.

———

Habang bumabyahe kami ay panay ang tanong ko sa kanya kung saan ba talaga kami pupunta. Ngunit ngumiti lang siya sa 'kin.

"Calvin saan ba talaga tayo pupunta?"hindi ko alam kung pang ilang tanong ko na ba sa kanya 'yon.

"Malalaman mo rin pagdating natin doon"seryoso niyang sagot. Kahit na naguguluhan ay hindi na ako nagtanong pa ulit.

Habang papasok sa isang malaking gate ay tanaw ko na ang isang malaking bahay sa loob. Halatang sobrang yaman ng may-ari. Hindi ko maalis ang tingin ko sa napaka gandang bahay na 'to. Halatang sobrang yaman ng may-ari.

Nang huminto ang ang sinasakyan naming kotse ay agad na kaming bumaba. Ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa napaka gandang bahay na 'to.

"You like it?"napatingin ako kay Calvin at tumango. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Five years ago pinagawa ko 'tong bahay"nawala ang ngiti ko nang sabihin niya 'yon. Ibig sabihin at sa kanya ang bahay na 'to?

"Habang pinapagawa ko ito ay iniisip kita. Iniisip ko kung magugustuhan mo ba 'to kapag naging asawa na kita at dito na tayo titira"patuloy niya.

"Thank you kasi nagustuhan mo"sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Calvin..."hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pinagawa niya itong napaka gandang bahay.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa loob. At mas lalo akong namangha sa mga nakikita ko sa loob. Halos lahat ng naroon na mga gamit ay halatang mamahalin.

"Para sa 'yo talaga ang bahay na 'to." Sabi niya.

"Calvin, hindi ko deserve lahat ng 'to. Ilang beses na kitang nasaktan. Bakit ganon pa rin ang trato mo sa 'kin?"hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Totoo naman talaga ang sinabi ko. Ilang beses ko ma siyang nasaktan. Hindi ako karapat-dapat para sa kanya.

"Don't say that, okay? I love you. Always remember that. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit ilang beses mo pa akong saktan. Kahit ilang beses mo pa akong iwan. I still love you my wife." Agad akong yumakap sa kanya. Ngayon ko lang naisip na napaka swerte ko sa lalaking 'to.

"Sorry sa lahat. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kasi iniwan kita. Promise ko sa 'yo, hinding-hindi na kita iiwan. I love you Calvin"sabi ko habang yakap siya. Inilayo niya ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya sa akin.

"Hindi ako naniniwala. Halikan mo 'ko para maniwala ako sa 'yo"sabi niya habang may nakaka-lokong ngiti.

"Gusto mo lang akong halikan e." Sagot ko at kunwari ay inirapan siya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko at siniil ako ng halik. Napalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"I love you"sabi niya pagkatapos ng paghalik niya sa 'kin.

"I love you too, Calvin." Sagot ko at niyakap siya.

Ilang beses akong nagkamali. Ilang beses ko siyang nasaktan. Pero nandito pa rin siya patuloy akong minamahal. Hindi siya sumuko. Napaka swerte ko kasi may isang tao na kaya pa rin akong mahalin kahit na ilang beses ko ng nasaktan ang damdamin niya.

Mahirap nang makahanap ng isang tao na hindi sumusuko basta-basta. At hindi ko akalain na may isang tao na mamahalin ako ng sobra-sobra. At alam kong hindi ako iiwan sa kahit ano pang pagsubok na darating pa sa buhay namin.





WAKAS

••••••

Hello po. Hanggang dito na lamang ang story ni Kc Marie at ni Calvin. Sana nagutuhan niyo ang kwento nila. At maraming salamat po dahil nakarating ka sa Epilogue at hindi ka nagsawang basahin ito. Thank you so much po sa walang sawang pag suporta sa kwento na ito. At sana 'wag kayong magsawang suportahan pa ang mga susunod ko pang story.

At syempre sino nga ba si Kc Marie? Siya po ay si lozadakcmarie

P

wede niyo po siyang i-add sa facebook: Kc Marie Lozada. Thank you sa pagpapahiram ng name mo.

Baka po magustuhan niyo rin ang story niya. xylananicx
Thank you.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2020

OBSESSION SERIES 2: Calvin Razon Where stories live. Discover now