Epilogue

22.1K 355 57
                                    



Enjoy reading!




PAGKATAPOS ng nangyari ay nanatili ako sa dati naming bahay ni Calvin. Hindi na rin ako tumanggi dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito.

"Hindi ka pa natutulog?"tanong niya nang makapasok siya sa kwarto namin. Nakahiga ako sa higaan ngunit hindi ako dinadalaw nang antok. Maraming pumapasok sa aking isipan. Ang mga nangyari kanina. Hindi ko pa rin makalimutan.

Lumapit siya sa higaan at umupo sa tabi ko. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina?"tanong niya.

"Hindi ko akalain na magagawa 'yun ni Devorah"wala sa sariling sagot ko. Nakatitig lang ako sa kisame.

"Huwag mo nang isipin ang nangyari kanina. Kailangan mo ng magpahinga"sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Thank you"mahina kong sabi sapat lang upang marinig niya.

"Para saan?"tanong niya.

"Sa pag ligtas sa akin kanina. Thank you kasi dumating ka. Thank you kasi hindi ka sumuko sa akin"hindi ko napigilan ang hindi umiyak habang sinasabi ko ang mga 'yun. Bigla kong naalala ang pag-iwan ko sa kanya noon. Iniwan ko siya nang hindi ko alam ang buong katotohanan.

Sa totoo lang hindi ko deserve lahat nang ginagawa niya sa akin. May kasalanan din ako. At hindi ko alam kung nararapat pa ba ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak? Walang problema sa akin 'yun. Asawa kita kaya dapat na protektahan kita sa lahat"mahina niyang sagot at hinalikan ako sa noo.

"Sorry. Sorry kasi umalis ako noon nang hindi ko inalam ang buong katotohanan. Naniwala kaagad ako kay Devorah. Sorry Calvin. Hindi ako karapat dapat para sa'yo"umiiyak ko pa ring sabi sa kanya.

"Huwag mong sabihin 'yan. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Kahit na umalis ka man noon ay walang nagbago. Kaya sana huwag mo na ulit akong iwan. Dahil hindi ko alam kung makakaya ko pa"malungkot niyang sagot.

"Thank you Calvin"umiiyak kong sabi.

"Matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas"utos niya at ngumiti.

"Saan tayo pupunta bukas?"takang tanong ko.

"Malalaman mo rin bukas. Kaya matulog na tayo"nakangiti niyang sabi at umikot upang humiga sa tabi ko. Agad siyang yumakap sa akin. Pipikit na sana ako nang naramdaman ko ang kamay niya na naglilikot sa katawan ko.

"Calvin"sambit ko sa pangalan niya.

"Wala pa ring pinagbago. Kumakain ka ba talaga?"pang-aasar niya sa akin at patuloy pa rin ang malikot niyang kamay sa loob ng damit ko.

"Kumakain ako. Ganyan lang talaga ang katawan ko"inis kong sagot. Sabihan ba naman ako na hindi raw kumakain. Narinig kong tumawa siya na ikina-inis ko pa.

"I love you, Kc"bulong niya sa tainga ko. Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa ngayon para sagutin 'yung sinabi niya. Agad kong ipinikit ang aking mga mata.

———

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa halik. Bumungad sa akin ang mukha ni Calvin na panay ang halik sa mukha ko. Naamoy ko ang mabango niyang sabon. Kakagaling niya lang ba sa pagligo? Nakita kong basa ang buhok niya.

"Good morning"bati niya at hinalikan ulit ako sa mukha.

"Good morning"sagot ko. Huminto siya sa paghalik sa akin at tinitigan ako.

"I'm so lucky to have you"sabi niya na ikinangiti ko.

"I love you"halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko na dapat pang itago ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

OBSESSION SERIES 2: Calvin Razon Where stories live. Discover now