Dalawampu't siyam

10K 785 76
                                    

Muli akong napamulat dahil sa isang boses na naririnig kong tumatawag saaking pangalan. Isang pamilyar na boses na nais marinig ng aking mga pangdinig.  Aking nasilayan ang hindi pamilyar na kisame, napapikit ako saglit sa liwanag na dala ng ilaw sa aking mga mata. Nang muli akong nagmulat ay isang pamilyar na pares ng asul na mata ang ngayon ay nasa harapan ko.

"Selene? Sundan mo muna ang ilaw at ang daliri ko." Ginawa ko ang sinabi niya upang malaman ko rin kung mayroon bang malaking pinsala ang pagkakabagok ko. Sinundan ko ito mula kaliwa hanggang pakanan na direksyon. Napansin kong huminga siya nang malalim at napatango- tango sa harap ko. Nang bigla kong maalala ang tunog ng alarm ng sasakyan at pagbasag ng mga salamin kaya agad akong napa upo.

"Aray!" tila isang kidlat ang tumama sa ulo ko kaya napasapo ako, "A-Anong nangyari, Sunny?" napansin kong may benda na nakapalibot sa ulo ko.

"Huwag ka munang kumilos agad, Selene. Malakas ang pagkakabagok mo at kailangan pa naming tahiin ang ulo mo ng kaunti." Napatingin ako sakaniya at takang-taka.

"Ganoon ba ang lala ng pagkakabagok ko? Sandali, nasaan si Mayari? kailangan ko siya makausap. Nasaan siya, Sunny?" luminga-linga ako sa paligid napansin kong nasa emergency room pala ako ngunit wala ang babaeng hinahanap ko sa loob.

"Maayos siya, Selene. Nasa labas siya nagkaupo at naghihintay." Nag-akma akong tatayo upang kamustahin siya at tignan agad pero pinigilan ako ni Sunny kaya napakunot ang noo ko.

"Selene, nakita ko at ng asawa ko ang CCTV footage ng nangyari sa parking lot." Yung biglang pagkabog ng puso ko ay nagpasinghap sa akin ng hangin at nagpatigil sa katawan ko.

"Ah—mabuti naman kung ganoon p-para may pruweba tayo laban kay Sales." Hindi ako makatingin ng diretso sakaniya dahil kinakabahan ako na makita nila kung sino talaga si Mayari.

"Pinabura ko ang footage," sa sinabi niyang iyon ang naging dahilan ng pagtingin ko sakaniya. Wala akong mabasang emosyon na kahit na ano kay Sunny kaya mas lumala ang kaba ko.

"Sino ba talaga ang babaeng kasama mo? Sabihin mo saakin ang totoo, Selene." Napapikit-pikit pa ako at pilit na pinapalabas na naguguluhan ako sa tinatanong niya ngunit hindi siya kumukurap sa akin.

"Kitang-kita ng mga mata ko kung ano ang kayang gawin ng babaeng kasama mo. Hindi siya mortal, Selene. Tama ba ako?" tila ako hinaplos ng lamig mula batok hanggang sa aking mga daliri sa paa. Tumindig ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko.

"Huwag mo na sagutin dahil ang tibok palang ng puso mo ay hindi nagsisinungaling na tama ang sinabi ko." Napakunot noo ako habang titig na titig si Sunny sa akin.

"A-Ano bang pinagsasabi mo, Sunny? S-Saan mo nakukuha yang sinasabi mo sa akin? Tsaka, bakit mo pinabura yung footage?" pilit kong pagkukunwari dahil hindi nila maaaring malaman kung sino ang dalagang kasama ko pero ngumisi lang siya sa akin.

"Hindi ko gustong may makakita ng nangyari. Isa pa, maraming hiwaga ang mundo, Selene at marami kapang hindi nakikita dito." Nabigla ako sa sinabi niya.. sandali, hindi kaya isa rin siyang Dyosa?!

"Huwag mong sabihin na isa ka rin Dyosa?" napatakip ako sa bibig ko at talagang kinagat ko ang labi ko. Bakit ko tinanong iyon?! Bakit?! Ang sabi ko ay wala akong pagsasabihan ng totoo! Ang tanga tanga ko!

"Hmm... Isa pala siyang Dyosa, kaya pala ang ganda niyang taglay ay hindi pangkaraniwan at ang kaniyang halimuyak ay na iiba sa lahat." Saglit akong napatigil at napaisip. Hindi manlang nagulat si Sunny sa sinabi ko? Samantalang nung ako ang nakaalam ng katotohanan ay halos manginig ako sa pagkabigla. Napatingin ako sakaniya at siya naman ay nakangiti na.

"Anong... hindi ka manlang nagulat? Dyosa ka rin ba?" lalong lumapad ang ngiti niya at nilapit ang mukha sa akin kaya napatitig na lamang ako.

"Tumingin ka sa mga mata ko," ginawa ko ang sinabi niya at tumitig sa asul niyang mga mata at sa isang iglap, ay naging kulay itim ito kaya napaatras ako sa kinahihigaan ko sa gulat.

MayariWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu