Hiraya Manawari

10.3K 593 285
                                    

Ang maingay na pagsarado ko ng pintuan ang nagpamulat sa mala-pusang mga mata niya na ngayo'y nakatitig sa akin. Napakurba ang labi ko habang papalapit sa kama kung saan siya nakahiga at umupo sakaniyang tabi.

"Umagang-umaga pero tila nais mo na maging gabi ang paligid, Mahal kong dyosa." At siya naman ngayon ang nakangiti. 

Alam niyo ba ang pinaka magandang tanawin sa mundo? Hindi ang mga nundok o ang karagatan kung hindi, ang mga ngiting sumisilay sakaniyang magandang mukha na tila binuo ng langit at lupa.

"Marahil nga ay nais kong maging gabi ang paligid upang magdamag kang nasa aking bisig, Aking mortal." Nakaupo lang ako ngunit ramdam ko ang panghihina nang aking katawan sa mga sinabi niyang salita. Tila nais kong humiling kay Bathala na gawing gabi ang bawat araw kaso baka magdilim ang paningin ni Bathala sa akin.

"Ngunit sa ngayon ay kailangan na natin kumilos dahil baka mahuli tayo sa pupuntahan natin." Hinaplos ko ang kaniyang magandang mukha, "hali kana," pag-aaya ko sakaniya ngunit ngumisi siya.

"Ako ba ay iyong inaaya o isang halik ang iyong nais makuha?" kinagat ko ang ibabang labi at napailing na lamang. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pagiging pilya. Ngunit kusa rin akong bumigay at inilapit ang mukha sakaniya, ginawadan ko ng halik ang kaniyang malambot na labi at bumulong.

"Mahal kita," at siya namang haplos niya sa pisngi ko na nagdala ng init sa aking katawan.

"Ikaw ang ginhawa sa bawat araw na payapa, Selene." Isang mahigpit na yakap ang aking ibinigay sa mahal na dyosa. Minsan iniisip ko, kung anong ginawa ko upang maging karapatdapat sa pag-ibig niyang kasing lalim ng karagatan at kasing lawak ng kalawakan.

"Ayoko mang putulin ang mainit mong yakap, Mahal... kaso kailangan na natin mag-ayos para makaalis na tayo at makapunta sa isla." At siyang kalas niya sa pagkakayakap. Nakatingin lang ako sakaniya habang mahinhin siyang umalis ng kama at pumasok sa loob ng banyo.

Halos isang taon na rin ang nakalipas at natututo na siya sa pamumuhay bilang mortal. Tulad ng pagluluto at pag-aayos sa sarili at sa aming mga anak. Ngunit mas nais ko pa rin ang pagsilbihan sila sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal niya ang mga batang inampon namin, palagi niyang kinukwentuhan ang mga bata nang tungkol sa kaluwalhatian at iba't ibang dyos at dyosa. At nahuhumaling naman ang mga bata sa ubod nang ganda nilang Ina. 

Inayos ko ang hinigaan niya at agad na inihanda ang susuotin niyang bistida na kulay puti. Ayaw niya ng kahit anong kulay maliban sa bughaw at puti. Naghanda na rin ako ng dalawang jacket dahil baka lamigin siya sa byahe namin dahil desyembre ngayon at malamig dito. Binuhat ko ang mga bagahe na dadalhin namin pababa ng hagdan, sakto namang nasa baba si Andrew, ang asawa ni Teri at personal bodyguard ni Empress, yung pinsan kong pinaglihi sa halimaw.

"Señorita, tulungan na po kita." Dali-daling umakyat si Andrew at binuhat ang ilan sa bitbit kong bagahe. 

"Mukhang malayo ang pupuntahan ninyo, Señorita." pagtatanong niya habang dahan-dahan siyang bumababa sa hagdanan.

"Oo, kaya naman kung may oras ka ay dalawin mo dito si Teri dahil matagal din kaming mawawala. Isa pa, ayoko naman na magcelebrate ng bagong taon si Teri nang mag-isa pero kung isasama mo siya pauwi ng Mansion ay mas mabuti dahil nandoon din ang mga bata."

"Masusunod po, Señorita." sagot niya agad nang makababa kami sa salas.

Mabait si Andrew at halatang mahal na mahal niya si Teri. Minsan na rin itong nagtanong saakin kung saan ang magandang lugar upang magsimula. Sabi ko naman ay walang problema saakin kung bubukod nang tunay si Teri at lalayo na ng titirahan dahil handa kong bigyan sila ng bagong bahay kung saan sila pwedeng magsimula. Malaki ang utang na loob ko kay Teri dahil siya ang nagsilbi kong kapatid sa mga araw na wala akong masandalan.

MayariWhere stories live. Discover now