Dalawampu't apat

9.7K 812 218
                                    

Ang halimuyak niyang nagpapabilis ng pintig ng puso ko, ang malambot niyang katawan na yumayakap sa katawan ko at ang hiwaga niyang nagbibigay kahulugan sa pagkatao ko.

Kabog lang ng dibdib ko ang tangi kong naririnig kasabay ng paghinga ko nang malalim. Unti- unti kong binalot ang dyosa sa aking mainit at na nginginig na bisig, hinayaan ko siyang humiga sa aking piling.

Pumikit ako habang inuukit ko ang sandaling ito sa aking isipan dahil natatakot ako na sa pagmulat ng aking mata ay maglaho itong parang bula. Tila isang panaginip ang makapiling ang tulad niya, kung saan ayoko nang magising pa.

Tahimik ang paligid, tanging kuliglig at pagdaloy ng tubig ang tanging maririnig.

Ang pagtunog ng telepono ko ang nagpadilat sa akin, na pahinga na lang ako ng malalim dahil sa pangalawang pagkakataon ay naistorbo na naman ang mapayapa kong sandali kay Mayari.

Kumalas agad si Mayari at umalis sa pagkakahiga sa akin, dumiretso siya sa loob ng bahay habang ako ay naiwang nakahiga parin sa damuhan. Kinuha ko ang telepono at tinignan kung sino na naman ang asungot na ito ngunit pagtingin ko ay numero lang. Minabuti kong sagutin dahil baka sa hospital ito.

"Hello?"

"Hoy Selene Eclipse!" na p aupo na lang ako at napasapo ako sa ulo ko sa inis.

"Gin! Ano ba naman?" na iirita kong sabi at hindi ko na napigilan. Nandoon na eh! Bakit ba palaging ganito?

"Oh, teka lang bakit galit ka? Sasabihin ko lang naman sayo na okay na yung kotse-car mo eh! Siguro may naistorbo akong jugjugan ano?" lalo pa akong na irita sa pagtawa niya nang malakas.

"Gin! Nakakainis ka! Ewan ko sayo!" kulang na lang ay ibato ko ang telepono ko sa bwisit. Ang lakas talaga mang-asar ng isang ito. Noong nagpa ulan siguro si Bathala ng pagiging mapang asar ay natutulog siya sa kalye.

"Easy ka lang diyan maaga pa naman ang gabi. Pwede pa mamayang madaling araw hehe."

"Gin!!" 

Aba't pinatayan ako ng tawag?! 

"Bwisit ka talaga kahit kailan!" bulong ko na lang sa hangin habang na iiling.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko tsaka ako nagpasyang pumasok sa loob. Pagbukas ko ng screen door namataan ko si Mayari na nak aupo sa hapag, marahil ay gutom na ang dyosa.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad akong nagsalang ng mantika sa mainit na kawali. Alam ko kung ano ang nais niyang kainin kay iyon na lang ang ihahain ko sakaniya. Matapos kong magluto ay agad ko siyang pinaghainan ng kanin at ang paborito niyang pagkain. Umupo ako sa kabilang bahagi ng lamesa habang pinanunuod siyang magdasal.

"Kumain ka nang marami, Mayari." Bilin ko bago lagukin ang tubig sa baso na hawak ko.

Tahimik lang kami parehas pero ang payapa ang pakiramdam ko. Nakikita ko lang siya ay para nang dinuduyan ang puso ko. Mukhang na isahan ako ni Dian masalanta sa pagkakataon na ito at sa kapwa dyosa pa niya ako na pa ibig nang ganito.

Pagtapos niyang kumain ay kinuha ko ang pinag gamitan niya ngunit pinigilan niya ang kamay ko gamit ang palad niyang mainit.

"Salamat,"

Na pa ngiti ako agad at tumango sakaniya, "Walang anuman iyon, Mayari."

Saka niya binitiwan ang kamay ko. Nagtungo ako sa lababo para hugasan lahat ng pinag gamitan namin.

"Mayari, mauna ka nang magtungo sa kwarto at maglinis ng katawan."

Narinig ko nalang ang mga yabag niyang papalayo, akalain mo iyon? Dati ay hindi ko siya mauutusan ng ganon palagi siyang naka angil agad at nakasigaw pero ngayon ay wala na akong naririnig na pagrereklamo sakaniya. Malaki na rin ang pinagbago niya mula nung matagpuan ko siya kahit papaano.

MayariWhere stories live. Discover now