Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli.

"This Sunday, libre ka ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling  nakatingin  lamang saakin, "Don't worry! About ito sa piano lesson."

Lumuwag ang paghinga ko nang tumango siya, "Yes, I'm glad na in-open up mo."

"Nahanap ko na ang luma kong chord book," sabi ko habang nagkakamot ng pisngi. Hindi ko talaga matagalan ang titig niya, "Tanong ko lang kung alam mo na yung mga basic na chords?"

Hindi ko alam kung bakit naging blanko ang ekspresyon ni Gareth sa tinanong ko.

"I think you'll have to teach me the basic chords as well."

Tumango ako habang binabasa ang labi ko. Pinilit ko hindi mag mukhang nagulat. Sa tono kasi ng pananalita niya ay pinahihirapan niya akong laitin siya.

Nakita kong  tumingin si Gareth sa orasan niya, "I really have to go.  So, I'll see you on Sunday?"

Ngumiti ako kay Gareth at tumango. Tumalikod na muli siya at sa pagkakataong ito ay hindi na ako humabol hanggang sa magsarado ang elevator na pinasukan niya.



NANG humarap ako sa bahay matapos kong i-lock ang gate ay hindi na ako nagulat nang makita ko si ate na naka-krus ang dalawang braso habang nakatingin saakin.

"Sa taas," anyaya niya at nagsimula nang maglakad paakyat.

Malakas akong napabuntong hininga. Mukhang wala na talaga akong takas. Hindi rin pinaunlakan ni Darwin ang imbitasyon ko dahil may trabaho rin siya ngayon. Hindi naman ako sanay gumala mag-isa kaya wala akong magawa kung hindi ang umuwi at harapin si ate.

Baka ito na rin ang sign. Baka nga kailangan kong harapin ang problema imbis na takasan.

Pagka-akyat ko ay agad kong nakita na nakaupo si ate sa loob ng kubo kaya naman  sumunod ako at umupo taliwas sa inu-upuan niya. May lamesa sa pagitan naming dalawa.

"Sinabi saakin ni Fred ang usapan niyo kanina," panimula niya.

Napatango ako, "About sa paghingi mo ng tulong sakanila na ipakonsulta ako sa isang  psychiatrist?"

Matagal na hindi nakasagot si ate, halatang nananantya dahil nagitla siya. Hindi dahil sa nalaman ko ahad ang pakay niya, kung hindi dahil sa  lebel ng sarkasamo sa boses ko.

"Alam mo naman na ginagawa ko ito hindi para saakin," ayan na, nagsi-simula na siya, "Alam nating dalawa na hindi simple ang nangyari saiyo noon. Hindi ko danas pero nakikita ko ang epekto saiyo."

"Kaya gusto mo ako ipatingin?" tanong ko. Tumango lang si Ate Jane bilang sagot.

"May ilan sa alaala mo ang bumabalik na, hindi ba?" napakunot ako ng noo, "Kaya ganito ka na umasta."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba napansin na naging agresibo ka simula nang malaman mong binenta ang bahay ni lolo?" 

"Sandali," ani ko at may pagmuwestra pa ng kamay na wag niya ipagpatuloy ang sasabihin niya, "Hindi ba sinabi saiyo ni Kuya Fred? Nagalit ako dahil hindi niyo saakin sinabi na binenta ang bahay ni lolo. Anong parte doon ang hindi niyo maintindihan? Anong parte doon ang hindi MO maintindihan?"

"Alam naming sa loob loob mo na may mas  malalim pang dahilan."

Napasinghap ako. Yung tunog ay may panunuya.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now