Bayan sa Bayan, Lahi sa Lahi

12.4K 15 4
                                    

Mahal ko ang bayan ko.

" Bayan sa Bayan, Lahi sa Lahi "

I.

Ang lahat ng tao ay pantay-pantay lamang

Sa Diyos na tanging naglalang

Binigyan ng buhay at isipan

Upang tama at mali ay malaman.

II.

Tama nga ba ang labanan?

Ng sundalo't mga kalahi natin?

Sundalo'y may pamilyang umaasa

At kalahi nati'y ganoon din naman sila.

III.

Ang sundalo'y pinaglalaban ang batas

Batas ng mga taong mababa at mataas

Pag-ibig sa Bayan ang isinisigaw

Buhay man ay siyang inaagaw.

IV.

Kalahi'y nating musmos man

Namulat kung paano ang labanan

Mali man ang intindi ng iba

Tulad ng iba, biktima lang din sila.

V.

Bayan natin ay Bayan din nila

Lahi natin ay Lahi din nila

Karapatan natin ay karapatan din nila

Gobyerno natin ay gobyerno din nila.

VI.

Ang katahimikan ay siyang kalayaan

Kaya Bayan natin ay pahalagahan

Ipagtanggol ang ating Bayan

Tayong lahat ay magkababayan.

VII.

Wala nang mas mabuhay pa

Kung ang bawat isa'y maligaya

Sa piling ng ating sariling Bayan

At bansang walang labanan at puno ng unawaan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon