Mga Gabing 'Di Ka Kasama

3.4K 22 1
                                    

Ang tula ito nagawa ko siya nong nasa 4th year high school pa lang ako. Dahil malungkot ako at nami miss ko talaga yong boyfriend ko na nasa malayo. Sana magustuhan ninyo ito.

"Mga Gabing 'Di Ka Kasama"

I.

Maraming mga gabing malungkot

Na pilit kong winawaksi at nililimot

Gabing 'di ka kasama

Ni pagsilay sa iyo'y di ko magawa.

II.

Tumitingin ako sa kalangitan

Kung saan maraming bituin, ang aking nasilayan

Bituing kasing-liwanag ng iyong mukha

At buwang nagbibigay ningning sa aking mga luha.

III.

Oo, luha ng kalungkutan

Sa tuwing naaalala ka't di man lang masilayan

Hanggang matapos ang gabi

At oras ng aking paghikbi.

IV.

Sa aking pagtulog

Ika'y kasali sa 'king dalangin, o aking irog

Naway lagi kang gabayan ng Diyos

At maiparating sa iyo ang aking pagmamahal na taos.

V.

Sa kaloob-looban ng aking puso

Ika'y mahal ko at gustong makasalo

Sa init ng gabi at lamig ng simoy ng hangin sa umaga

Hanggang 'di na magkakahiwalay sa mga araw na darating pa.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon