"Paano..."

1.6K 6 0
                                    

(Matagal ko na itong nagawa pero this day ko lang na publish dito.)

Nasubukan mo na ba
Ang kumain ng saba?
O ang mabilad sa araw
Katulad ng isang kalabaw?
Nasubukan mo na ba
Ang magtiis at magtiyaga?
Sa kakarampot na sweldo
Galing sa pinaghirapang trabaho?
Ang humiling at magdasal
Na sanay wag magmahal
Ang mga pangunahing pagkain
At damit na susuotin?
Paano mo maiintindihan
Ang lahat ng mga hingain
Kung ikaw mismo
Di alam kung paano
Ang manindigan para sa 'min
Ang magbigay ng totoong damdamin
Ang umiyak dahil ramdam niya
Kung paano kami nagdurusa.
Paano kami magtitiwala
Kung ikaw ay hindi katiwa-tiwala
Paano kami bukas
Kapag pinangako mo'y nawasak?
Tatayo ka ba?
Sasama ka ba?
Poprotektahan mo ba?
O baka ikaw ang gumawa?
Paano kami mapapanatag
Kung ang iyong nilalatag
Katulad ng isang larawan
Na kumukupas ang kagandahan?
Paano namin buong pusong ipagkakatiwala?
Ang bukas ng aming mahal na bansa
Ng aming mga kabataan
Kung nakikita namin ang kataas- taasan
Walang kaayusan
Walang pagkakaisa
Walang pagmamahal
Walang dangal.
Paano ang tanong namin noon
At magpahanggang ngayon.
Bayan namin ito
Mahal namin ito
Ikaw paninindigan mo ba ito?
Kaya mo bang ipakita ang kabutihan
Ng isang Pilipino'ng may puso?
Pilipino'ng kayang kalabanin
Ang mga corrupt at mga salarin
Sa pagnanakaw ng pera ng bayan
Magamot ang mga sugatan
At maghilom ang mga sugatan ng nakaraan.
Paninindigan ko
Na ako'y isang Pilipino.
Boboto ako
Para sa sarili ko
Para sa kaibigan ko
Para sa pamilya ko
Para sa Inang bayan ko.

(✌)
(#mahalkoangbayanko)

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon